Chapter 36

401 10 0
                                    

Chapter 36

I don't know what to feel. Had he told me years ago that he likes me or he's in love with me, I would have jumped with glee and hugged him.

But here we are in my garden inside my house. Wala ang parents ko at tulog na yata ang mga pinsan ko. Tahimik lang ako kanina noong nasa biyahe kami at sinabi kong mag-uusap kami pero kailangan muna namin magkape.

"I confessed and you gave me a cup of coffee", sambit niya habang hinihigop ang mainit na kape sa tasa.

Mayroong mesa sa garden na yari sa narra at ganoon din ang mga silya noon. Sa magkahiwalay na upuan kami ni Rafael ngunit magkatapat na animo'y may pinagpupulungang mahalagang bagay.

"Just want to make sure you're not drunk", sambit ko at ngumuso siya.

"I told you already that I didn't drink. Cola ang iniinom ko kanina."

"Basta", saad ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko. Kahit sinabi niya sa akin mismo at mukhang hindi naman prank o dare ang nangyari kanina, hindi pa rin ako makapaniwala. Why was it so hard to believe him?

"Anong iniisip mo? Pwede kong malaman?", tanong niya.

Nagtama ang mga mata namin at kinabahan ako. Ngayong umamin na siya sa akin, tsaka ko lang napansin kung anong nag-iba sa kanya, at sa amin.

May laman na ang mga tingin niya sa akin, hindi katulad dati noong bata pa ako na parang naaaliw lang siya dahil cute ako at may bata silang kasama. Ngayon, kung tingnan niya ako ay parang gusto niya akong higupin. It felt like he was looking at something really worthy of his eyes and that was me. That was me!

"Iyong totoo ba?"

"The truth", sagot niya.

"Hindi ako makapaniwala. I find it hard to believe that you like me – or that you're in love with me. Ang dami kong tanong..."

"Feel free to ask, then."

Humigop ako ng kape at tinantya siya. Wala talaga yata siyang balak na umuwi hangga't walang nakukuhang matinong sagot o reaksyon sa akin. At wala rin naman akong balak na palagpasin ang pagkakataon na ito dahil ayokong guluhin lang nitong confession niya ang isip ko. For Pete's sake I work in the same company as him. Magkikita at magkikita kami roon kahit na anong mangyari!

"Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin? Alam kong sinabi mong nagseselos ka kay Jay at kay Pierson. Was it just jealousy that drove you to confess? Had you not felt jealous earlier, would you have confessed to me?"

He licked his lower lip before he answered. Namula rin ang pisngi niya. Gosh! Why are you blushing in front of me, Rafael?

"I was planning to tell you after you graduate – that's the plan. That's what your cousins and I agreed with", akmang magrereact agad ako pero pinigilan niya ako. "Wait muna. Hindi ko sila nilalaglag, ha? Tama naman din sila dahil... nasaktan kita noon at kailangan kong patunayan ang sarili ko sa kanila at sa iyo. I agreed to wait. So even if I had the time and chance to confess before, hindi ko magawa. And yes, I admit, I was jealous and I couldn't contain it anymore so I confessed. No regrets, though. Plano ko rin namang makipagkumpormiso sa mga pinsan mo na kung pwedeng kapag fifth year ka na ay tsaka na lang ako aamin."

"And you're confident you'll meet halfway?"

"Maybe. Maybe not. But if it's about getting their trust and your trust, marami pang paraan para patunayan iyon."

Tumango ako. Totoo ba talaga itong mga naririnig ko ngayon? Nangyayari ba talaga ito o panaginip lang?

"Noong... noong sinabi mong hindi mo ako gusto, totoo ba talagang kasinungalingan 'yon? A-and what kiss are you talking about? Harold, my first boyfriend, was my first kiss", saad ko at umirap pa siya noong banggitin ko ang pangalan ni Harold.

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon