Chapter 34

343 6 1
                                    

Chapter 34

"Mauna na ako sa conference room. Ise-set up ko pa itong laptop tsaka 'yung projector", sambit ko at nagpaalam kay Leina.

Tumango naman siya. Si Jayda at Miko naman ay pinatawag ni Architect Malana kaya hindi ko na nakausap pa. Ang instruction sa akin ni Architect ay mag-set up na kaya iyon ang gagawin ko.

Dala ang laptop at ilang mga folder, bumagtas ako sa may engineering department patungo sa conference room. Hindi ko nakita ang pangalan ng mga attendees ng meeting pero sigurado naman akong naroon ang top engineers at architects ng Trazo Real kaya kabadong kabado ako.

Mabuti na lang at nagustuhan naman ni Architect iyong hinanda kong presentation kaya wala akong sermon na natanggap kaninang umaga.

May mga ilang interns ng engineering na napatingin sa gawi ko at ngumiti lang ako. I spotted some cute guy there – moreno at matangkad. But he's an engineer. Ayaw ko nga pala sa engineer.

Ready for the presentation?

I viewed Rafael's text message. Nilapag ko ang laptop ko sa mahabang mesa sa conference room. Ang kaliwang kamay ay hawak ang phone at ang kanan naman ay binubuksan ang laptop. I searched for the file that we will use for the presentation later.

Setting up now.

Nilingon ko ang likod. Wala pala silang projector pero may napakalaki silang TV roon na animo'y nasa sinehan ako. I don't know how to operate this thing.

Nasa conference room ka na?

Yup. Still figuring out how to make this huge flat screen work.

I plugged the Smart TV and waited for it to turn on. Ang problema nga lamang ay hindi ko alam kung nasaan ang remote control 'non.

You need help?

Ngumuso ako. Mukhang kailangan ko nga ng tulong. Marami namang tao sa labas at baka may nakakaalam kung paano ito i-operate. Baka masira ko pa ito, nakakahiya pa lalo.

I'll ask help from the interns outside. Wait lang.

I sent the message and put my phone inside the pocket of my blazer. Lumabas ako ng conference room at lumingon lingon sa paligid. Transparent glass ang dingding ng mga opisina ng engineering kaya kita sa labas kung ano ang nangyayari sa loob, unless ibaba ang mga blinds 'non.

If I am not mistaken, ang naiiba ng opisina ay iyong mga top engineers. They have their own offices and don't share it with their team members or subordinates. Nakita ko sa litrato ang opisina ni Xythos noon at hindi naman transparent glass ang dingding 'non.

Kumatok ako sa isang opisina na halos lahat ay interns ang nasa loob. Nakangiti akong pinagbuksan ng isa sa kanila roon at nakasungaw naman ang mga ulo ng iba nilang kasama, na mukhang may ginagawa sa kanilang mga computer.

"Hello! Pasensya na sa abala pero pwede bang magpatulong magset-up ng SMART TV sa loob ng conference room 3? This is my first time presenting kaya hindi ko alam kung paano iyon i-operate", paliwanag ko roon sa nagbukas.

"Yup, sure...", sambit niya at sinipat ang ID ko. "Sure, Ms. Buenconsejo."

Ngumiti ako.

"Thank you uhh... Mr. Delarmente", sambit ko. "Tara rito...", saad ko at iginiya siya sa may papuntang conference room. Narinig ko pang may nag-asaran sa loob ng opisina nila ngunit hindi ko na iyon pinansin.

Wala akong oras para lumandi ngayon at ayaw ko talaga sa mga engineer.

"Apprentice ka? Architecture?", tanong niya habang naglalakad kami.

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon