Chapter 30

439 9 4
                                    

Chapter 30

Maaga akong gumising dahil balak ko sanang mag-aral ngayong umaga hanggang tanghali. Sa hapon naman ay mag-aayos at gagayak na ako para sa pageant.

Room service ang almusal ko dahil sa kwarto lang ako magkukulong para mag-aral. I took a photo of my laptop and breakfast and sent it to Scott who was asking me my whereabouts.

Adi Vegas: Don't tell me you're going here?

Scott Rivero: I would but I have a fucking paper to finish.

Natawa ako.

Adi Vegas: Let's just meet on Christmas break. Ilang days na lang naman at bakasyon na.

Scott Rivero: Right. You g on a date with me?

I rolled my eyes and sighed. Why so persistent, Rivero?

Adi Vegas: Lol. No.

Scott Rivero: Ouch haha

Scott Rivero: Fine. How about with friends?

Adi Vegas: G haha

Tinuloy ko ang ginagawa hanggang sa tanghali na at nagutom na ako muli para sa lunch. I took a bath and ordered food again via room service, then after that I prepped for tonight's event.

Isang simpleng nude na bodycon dress lamang ang sinuot ko. It's a tube bodycon dress, a few inches above my knees. My hair is naturally wavy, so I had it ironed to make it straight. I like it and some of my friends would ask how I maintain the natural waves, but all I do is have it undergone treatments.

"Ganda mo! Tangina baka mapagkamalang ikaw ang premyo!", si Hailey na ka-FaceTime video ko habang nagdadrive ako patungo sa plaza kung saan gaganapin ang event.

"Gaga. Okay lang ba eyeshadow ko? I don't like smokey eyes so ganito lang ginawa ko", saad ko at tumango naman siya habang may kinakain na muffin.

"Maganda! Para kang manika, girl! Tulo laway sa'yo niyan ng mga boys", sambit niya at humagalpak naman ako ng tawa.

Nilibang lang ako ni Hailey habang nagda-drive ako patungong plaza. This is my first time driving here alone but I know this place very well. Lagi naman kaming nagpupunta rito dati dahil katabi lang ito halos ng simbahan at municipal hall. Alam na alam ko ang pasikot-sikot dito.

Dumidilim na at medyo dumarami na rin ang mga tao. May sumalubong naman sa akin na isa sa mga organizers ng event at ilang staff ni Mayor kaya madali kong natunton ang mesa ng judges. Lumapit din sa akin si David at nagkwentuhan kami saglit.

"Thank you for the time, Adi", saad niya.

"Wala 'yun. I'm here to represent my parents, Mayor. Matagal na rin akong hindi nakakabisita rito kaya magandang pagkakataon na rin ito at fiesta pa", sagot ko at ngumiti siya.

"Mamaya pala pagkatapos ng fiesta, may salu-salo sa villa. Doon didiretso ang mga guests, candidates, pati na rin ang mga judges at mga tao sa munisipyo. Doon ka na maghapunan", imbita niya ngunit nag-alangan akong um-oo.

Kung sa villa nila uurong mamaya, ibig sabihin ay baka naroon si Rafael. Rafael mentioned last night that he stays in their villa kaya malamang nga ay naroon siya unless bumalik siyang Manila ngayon o kaya nami-miesta sa ibang bahay.

"I'll try, Mayor. May mga inaayos pa rin kasi ako for school."

"Come on, Adi. Just call me David like how you used to before", humalakhak ito at lalong naging gwapo sa paningin ko. Wala talagang pangit sa lahi nila 'no?

"Fine", natatawa kong saad. "Hindi ba rude kung lahat sila Mayor ang tawag sa iyo tapos David lang ako?"

"Hindi naman. I let my friends and family call me my first name. No big deal", sambit niya. "But really, I'd appreciate it if you can come for dinner."

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon