Chapter 10
"Anong balita sa tatay ni Janjan? Nahanap na raw ba?", iyon agad ang bungad ko kay Rafael noong lumabas siya sa classroom para humingi ulit ng update sa coast guard.
"Nahanap na", he said and flashed a smile. "Napadpad pala sa Lipa kakahanap sa asawa't anak niya. Hindi nga lang makausap nang maayos si tatay kasi... dahil doon sa nangyari nga sa asawa niya at pati sa bunso niyang anak".
I sighed. Si Janjan kaagad ang naisip ko. Nakita na kaya niya si Mang Reynaldo? The kid was still traumatized by what happened to his Mom and younger sibling and yet he endured the trauma in hopes of finding his father.
"Nasaan si Janjan? Okay lang ba siya? Maybe he should see a doctor. Pati na rin 'yung tatay niya", I said and stood up, ready to go back again to the covered court.
"Pinatingnan ko na sa doktor 'yung bata. Si Mang Reynaldo naman pinapakalma pa rin. You can see them later, Adi. Mabuti pa ay magpahinga ka na muna dahil halatang pagod ka na".
Tumango ako. Kaninang madaling araw pa akong gising at tumutulong. Kaya ko namang indahin 'to dahil mas gusto kong may ginagawa ako kaysa nakaupo lang at tinatanaw ang ibang volunteers na tumulong. Kaya lang 'yung katawan ko na mismo ang bumibigay.
"Pwedeng doon ka muna sa kotse. Mamaya kasi ay io-occupy na rin ng evacuees itong classroom na 'to", inilahad niya ang kamay niya sa akin at tinanggap ko 'yon.
We went inside his car. He reclined the chair and let me rest inside.
"Hindi ba masasayang ang gas mo kung dito ako magpapahinga?", I asked, worried because he turned on the car's aircon.
"I can refill my tank, Adi", he chuckled. I pouted at him and rolled my eyes.
"Why do you like spending your money on me? Sa ibang tao naman ay kuripot ka"
"Kaysa naman isakripisyo ko ang comfort mo para lang sa ilang libong pagpapa-full tank ulit? Okay lang 'to, promise. Gusto ko rin namang buksan ang aircon kahit mahina lang. Pahinga muna tayo. Gising na lang ulit tayo after two hours. Nag-alarm ako kaya huwag ka nang mag-alala", he said and patted my head.
Tumango ako at pinanood siya ni-recline din ang driver's seat. Nagpe-play din ulit 'yung playlist ko sa Spotify at dahil pagod at medyo puyat ako, mabilis na bumigat ang talukap ng mga mata ko.
Volunteering made me realize a lot of things; it made me appreciate my life more. I am not ignorant about the poverty rate in our country. Nababasa ko 'yon sa libro, napapanood sa balita, at alam ko rin dahil nasa pamilya ako ng mga politiko. Sadyang iba lang pala talaga kapag nakikita ko mismo sa harapan ko 'yung pinagkaiba ng buhay ko sa buhay nila.
While we are resting in the comfort of our homes and complaining of blackouts and interrupted Internet connections because of the typhoon, thousands of people were losing their homes and loved ones.
"Bibisita po ako rito sa inyo, Mang Reynaldo", sambit ko noong nagpaalam ako sa tatay niya at kay Janjan.
Nailibing na ang nanay at kapatid niya. Nagtulong tulong din ulit ang mga coast guard at residente sa barangay nila para malinis 'yung lugar nila. Kasalukuyan silang nasa shelter ngayon pero pinapaayos na ng alkalde ang mga nasirang bahay.
Mabuti na lang at hindi masyadong malala ang sitwasyon sa Nasugbu. Ang sabi sa akin ni Auntie, may mga bahay daw na sinalimpad ang mga yero. Mayroon ding mga nabuwal na puno pero wala namang nasaktan o kaya nasawi.
"Salamat, Ma'am. Nakakahiya po at apo pala kayo ni Gov. Buenconsejo"
"You're welcome po. Huwag po kayong mahiya sa akin, Mang Reynaldo. Gusto ko pong tumulong sa inyo ni Janjan", I said and held his hand.
BINABASA MO ANG
The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)
RomanceAdi, a child from a family of politicians in Batangas, grows fond of Rafael, her late cousin's closest friend. As their lives intertwine, Adi realizes that her life will always be chaotic. But she found serenity in her new found friend, Rafael. Adr...