Epilogue (Part 1)

420 9 10
                                    

Epilogue

Note:

Before I finish this story, I want you to have a glimpse of Rafael Rances and Samantha Buenconsejo's friendship. Epilogue (Part 2) will be published in a few days. Happy reading! 

---

"Okay. Do you have a nickname? Do they call you Rafael or Alejandro?", tanong ng batang Adrianna.

"Rafael o kaya Rafa", sagot ko. "Huwag Alejandro. Ayaw ko 'non."

I didn't hate that name. It was my father's name, actually. Akala ko nga dati ay cute pa na ipinangalan ako kay Papa dahil marami ang naniniwala na ako ang favorite child sa aming tatlo.

Our eldest was named David Aurelius – named after my grandmother Aurora Creus. Naxus was named Naxus Augustine – named after my grandfather Ar. Jaime Agosto Rances. At ako naman ay ginawang Rafael Alejandro – sinunod sa pangalan ni Papa. I liked it when we were kids because it was like a badge to me, the indication that I am our dad's favorite child.

But as I grew older, I became uncomfortable being the favorite. Ayaw kong nalulungkot si Naxus dahil pakiramdam niya ay mag-isa siya. Hindi niya man sinasabi pero nararamdaman ko naman 'yun dahil magkapatid kami.

Kaya mula noong nagkaisip ako, ayaw ko nang tinatawag akong Alejandro.

May isang tao lang talaga na matigas pa sa munggo ang ulo. Kahit anong ulit kong ayaw kong tinatawag akong "Alejandro" ay iyon pa rin ang itatawag niya sa akin.

"Alejandro!"

Hindi ko nilingon ang babae. That woman, Samantha Buenconsejo, is such a pain. Hindi ko alam kung bakit pumayag akong maging magkaibigan kami ng babaeng ito. I have known her since we were kids. Lagi kaming nakiki-swimming sa isa sa mga pribadong isla nila Mayor Manuel Buenconsejo sa Nasugbu. Kaibigan din ng pamilya namin sina Samantha kaya madalas na talaga kaming magkita kapag may mga okasyon.

Wala ring masyadong kaibigan ang taong 'to. Maldita itong si Samantha pero mabait naman nang kaunti. Hindi naman siya ganoon kasama – prangka lang talaga kaya walang makasundo sa mga kaklase o kaya'y schoolmate namin. Hindi rin naman siya nagiging mapagisa dahil sumasama siya lagi kay Ashton. Kapag wala si Ashton ay sa akin siya sumasama o kaya kay Pierson. Sa pagsama sama niya sa amin sa school ay naging magkaibigan kami. Ganoon lang kasimple.

"Rafael Alejandro!", binuo ampota.

"Hoy! Kanina pa kita tinatawag", saad niya at nilapag ang Math notebook sa desk ko. "Pakopya ako ng assignment sa Pre Cal", sambit niya at hindi na nagpaalam na binuklat ang backpack ko para hanapin ang Math notebook sa loob 'non.

"Kupal ka, Angelica", yamot kong saad at sinamaan siya ng tingin. Tinatapos ko ang assignment ko sa isa kong literature subject nang ginulo na naman niya ang buhay ko. Nasa unahan 'tong babaeng 'to 'e. Letter B ba naman ang surname. Tapos nakarating rito sa dulong bahagi ng room para mangopya sa akin?!

"It's Angelique! Huwag mo nga akong tawagin niyan at nandidiri ako!", singhal niya sa akin at binuklat na ang Math notebook ko.

"Ulol! Tatawagin kitang Angelica hanggat gusto ko."

"Mandiri ka nga! Alam mong kaaway ko 'yang si Angelica tapos tatawagin mo ako niyan? Iw!"

"Bakit, nirespeto mo ba ang desisyon kong huwag mo ako tawaging Alejandro ha?"

"Shh!", suway sa amin ng katabi kong si Miguel. Nagsasaulo yata.

"Hay naku! Huwag mo nang aralin 'yan, Miguel. Hindi papasok 'yang si Ma'am Cuago dahil may emergency meeting daw ang Physics Department. May student assistant na magbabantay at magpapakopya lang ng notes sa atin."

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon