Chapter 20
I watched our men carry the last boxes. Ngayong araw na ito ay hinatid na namin sa district elementary school ang donations na mga school supplies at teaching supplies din. Bukod pa roon 'yung cash donations dahil kung magkano ang nalikom na pera, iyon din ang binigay namin sa principal ng school.
I am just so happy that many people decided to donate supplies, too, for the kids and the teachers. Malaking tulong 'yon sa kanila at mas makakatipid din sa gastusin.
"Napagod ka?", kasama ko si Rafael na naghatid ng mga gamit.
Kasama rin namin si Pierson pero naroon siya sa may sari-sari store at bumibili ng softdrinks dahil nauuhaw na raw siya.
"Hindi nga 'e. Hindi niyo naman kasi ako pinayagan na magbuhat", ngumuso ako at natawa siya.
"Masyado kasing mabigat iyong mga kahon", saad niya at ginulo na naman ang buhok ko. "Nag-enjoy ka naman yata sa paghahanda ng merienda ng mga kargador natin kanina."
"Sobra", ngumiti ako at nilibot ang mata sa mga classroom sa harapan namin. "Masaya pala talaga sa pakiramdam ang makatulong 'no? I've always wanted to do things like this but I didn't know how. Nahihiya rin akong mang-abala sa parents ko dahil busy sila."
"But you did it and it was successful."
"Thank you ah. Pati rito sa paghahatid ng donations sumama ka."
Tumango siya at ngumiti.
"Wala 'yun. Linggo naman kaya wala akong trabaho."
"I heard pinag-iinitan ka ng mga kasama niyo sa trabaho. Totoo ba?"
Umismid lang siya pero hindi sumagot. Akala niya siguro hindi ko malalaman. Pierson slipped earlier and that's how I found out.
"Totoo?", I asked again to confirm.
"Wala 'yun. Naiinggit lang 'yung mga 'yon. They don't know anything."
"Bakit nga?"
"Akala kasi nila pinapaboran lang ako lagi ni chief dahil pamangkin ako ni Tito Christoffer. Ikaw ba naman maging pamangkin ni Engr. Gustav Christoffer Deltrazo, tapos lagi kang pupuriin ng mga superior mo, talagang maraming maiinggit." He said and sighed. "Wala akong pakialam sa kanila. I am only doing my job. Walang kinalaman doon ang pagiging magpinsan namin ni Xythos. Tsaka hindi pa nga ako nagte-take ng licensure exam, threatened na agad sila sa akin. Paano pa kapag nakapasa ako sa board exam 'di ba?"
"I'm sure you'll pass. But really... are they bullying you?"
"May mga nagpaparinig lang pero wala akong oras para asikasuhin pa 'yon. Mas natutuwa ako kapag nakikita ko 'yung mga asar nilang mukha sa tuwing napupuri ako sa harapan nila", he chuckled and that, at least, put me in relief.
He really knows how to handle things calmly. Hangga't maaari kasi ay ayaw niyang may nagkakasakitan o kaya basta kahit anong klaseng gulo.
"Ikaw, magge-grade 10 ka na 'di ba? Ilang buwan na lang moving up mo na. Will you stay or transfer?"
"I think I'll stay. Depende pa. Kung nasaan si Hailey, doon na lang ako."
"Bakit, na kay Hailey ba ang school na papasukan mo?", bara niya sa akin.
Hindi ko pinansin 'yon pero ngayong kaharap ko na ang problema, dapat nga pala talaga plinano ko na matagal pa lang.
I passed all the entrance exams from my desired senior high schools. I also passed the one from my school. Ganoon din si Hailey kaya hindi naman alam kung saan kami.
"Bakla ka! Ang sabi ko gagaya ako sa'yo. Bakit ako ang tinatanong mo?"
"I don't know which school to choose!", I said.
BINABASA MO ANG
The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)
RomanceAdi, a child from a family of politicians in Batangas, grows fond of Rafael, her late cousin's closest friend. As their lives intertwine, Adi realizes that her life will always be chaotic. But she found serenity in her new found friend, Rafael. Adr...