Chapter 27
I deactivated my accounts during the whole summer. Kung maaari lang na huwag na akong gumamit ng social media, gagawin ko talaga. Mainit sa balita ang tungkol sa isyu ng corruption sa funds para sa mga binagyo sa Visayas. Sangkot doon si Papa pero ongoing pa rin ang imbestigasyon. It stresses me so I try not to open my social media accounts for a while. Hailey told me I should keep my accounts because school's about to start and I need to socialize with my blockmates. Baka rin daw may mga importanteng announcements at ma-miss ko pa.
She got a point, though. But instead of reactivating my accounts, I decided to make new ones. Hindi nakakatulong na minsan ay binabalikan ko ang mga conversations namin ni Rafael sa dating mga accounts ko.
I also want to change my number because Rafael's been sending me weird messages. At sa tuwing tinitingnan ko kung anong ginagawa nila, through his cousins' social media updates, laging sumasakto na umiinom sila. He kept on sending me hearts and messages with typo errors. Hindi ko naman maintindihan!
But changing my number would be a hassle. Tsaka na lang siguro.
"Alis ka?", si Kuya Brandon.
He accepted Dad's offer and that's good news. Si Kuya Ashton ang hindi na namin napilit talaga but he visits us when he's free. Kuya Brandon stays in his room here in our house.
"Yup. Bibili lang ng school supplies. Sama ka?", I asked him.
"Pass. May ibang lakad ako ngayon 'e", he said and pouted. I smirked. I heard him last night, talking to some girl on the phone. Baka iyon nga 'yon.
"I see. Babalik din ako before dinner", I said and he nodded. Mukhang hindi naman namin siya makakasabay sa hapunan mamaya.
"Sa book store lang ba tayo, Ma'am?", Oliver asked.
"Yup. Let's go", I said and he nodded.
Pagdating sa book store ay kumukha kaagad si Oliver ng dalawang basket para may paglagyan ang mga gamit ko. I'll only get the basics. Hindi ko alam kung ano talaga ang mga ginagamit sa architecture. I asked Kuya Justin and he gave me a list but he still advised me to wait for my professor's instructions para hindi raw sayang 'yung mga bibilhin ko.
"Oliver, gusto mo sa labas ka na lang? Maiinip ka rito sa akin", I said, concerned that he might not like it here.
"Trabaho ko ang bantayan ka, Ma'am", he said.
Nilingon ko ang ilang mga namimili rin. Napapatingin sila sa gawi ko. Oliver is dressed in a black shirt and gray pants. Hindi talaga siya mapapagkamalan na bodyguard ko at sinadya ko 'yon dahil nakakailang dati na naka suit pa siya noong senior high ako.
"Hindi ka nasisikipan? Ang daming mga tao rito", I said again and looked at the girls staring at him. Nag-iwas naman sila ng tingin.
"Okay lang ako, Ma'am. Mamili ka lang diyan", saad niya at tumango na lang ako.
Hindi ko kailanman naisipan na kukuha ako ng architecture. I thought I'd take business to help my parents run our lands o kaya naman ay social work. But I ended up taking architecture because of... him.
Sa lahat ng mga universities na sinubukan kong pasukan, hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang hindi alisin ang architecture sa choices ko. Dati, gusto kong maging arkitekto dahil naisip kong babagay ako sa kanya dahil civil engineer siya. I thought that would make our worlds closer. But things changed.
Inisip ko na lang na pwede rin naman ito. Hindi ako magaling gumuhit pero marunong ako. Inisip ko na lang din na dahil ito sa udyok sa akin ni Kuya Justin na mag-archi kaya tinuloy ko na lang, erasing him... being one of the reasons why I took this program.
![](https://img.wattpad.com/cover/251983960-288-k832696.jpg)
BINABASA MO ANG
The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)
RomanceAdi, a child from a family of politicians in Batangas, grows fond of Rafael, her late cousin's closest friend. As their lives intertwine, Adi realizes that her life will always be chaotic. But she found serenity in her new found friend, Rafael. Adr...