Chapter 39
"Are you okay?"
Cain called that Sunday night. Sigurado akong alam niya na ang nangyari. Lumabas na sa balita ang tungkol sa nangyari at si Hailey ay tumawag na rin sa akin kanina.
"I am. Ikaw, kumusta?", I asked back.
Hindi naman dawit ang Daddy niya. I remember attending his Dad's birthday party before and he was a congressman, then. Ngayon ay senador na rin ang Daddy niya kagaya ni Papa. And Senator Fuentes has also cut ties with my Uncle and Papa years ago, but remained good friends with my Mom and Dad.
"Preparing for med school, Adi. Nakakabaliw pero ayos na rin naman. I feel excited, too", I heard him chuckle. I am happy for him. He gets to do what he wants without anyone trying to control his life. I wish Hailey could have the same kind of life, too.
"Mabalik tayo sa iyo", sambit niya pagkatapos tumikhim. "Wala bang nanggugulo sa'yo? I heard your Uncle's mansion was attacked by rallyists earlier."
I sighed. That one. Kababalik lang namin galing sa simba ni Rafael nang mabalita naman iyon. My Papa still lives with Uncle and Auntie kaya doon talaga siya susugurin.
"Wala naman. We're okay here. Nakapagtataka lang na nakapasok sila sa subdivision 'e exclusive iyon at maraming guards."
"Masyadong maraming tao kaya hindi nakontrol ng security. Hindi naman daw nasaktan ang Uncle, Auntie, at Lolo mo. Mas marami pa nga yatang nasaktan doon sa mga sumugod", sambit niya kaya lalo akong nag-alala.
"Nadaluhan ba agad sila? Nasa ospital ba?", tanong ko.
"They're okay now, Adi. I called because I am worried about you. Apo ka pa rin at dala mo ang apelyido ng Lolo mo. People would still try to harm you lalo na't marami ang galit na galit sa Lolo mo. Pinadagdagan din ang security namin ni Hailey dahil nagkakainitan na naman sina Dad at ang mga kasama ng Lolo mo. You know... my Dad's on the other side of the spectrum."
"W-wala namang nakakaalam na apo ako. Kahit sa OJT ko, hindi naman nila alam. Uhh... baka lalo lang silang magtaka kapag nagkaroon ako ulit bigla ng security?"
"The Deltrazos would understand if you deploy some men in their area. Mas safe din kung may naka-convoy sa iyo at kung may driver ka na rin", saad niya at ilang segundong natahimik. "Ayaw kitang diktahan, Adi. This is just a suggestion and I am really worried for you. Basta mag-ingat ka lagi."
"I will. Thanks, Cain", I said and bit my lower lip. Sobrang gulo na ba ng mga pangyayari? Maraming naging issue si Papa dati pero ngayon lang naman nag-alala ng ganito si Cain para sa akin.
"Also, sabihin mo kay Rafael huwag ka munang ilabas labas", he said and I can imagine him rolling his eyes. Natawa ako at pumalatak naman siya. "I am serious, Adi. Kaysa labas kayo nang labas... May kwarto naman diyan sa bahay niyo kung sakaling –"
"Gago", putol ko at tumawa siya.
"Bakit? Ano bang ginagawa niyo kapag magkasama kayong dalawa? Don't tell me nagtititigan lang kayo?"
"What the hell, Cain?! Ano bang ine-expect mong gagawin namin kapag magkasama kami?", naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko at tawa naman siya nang tawa sa kabilang linya.
"What? Knowing how aggressive you were with your boys before... Sus!"
"Gago. I am not aggressive when I am with Rafael", sambit ko at nag-flashback sa utak ko iyong gabi na humihingi ako ng halik sa kanya at ayaw niya akong pagbigyan.
Was I really that aggressive? Nakakahiya pala!
We talked more before the night ended.
Dahil sa paalala ni Cain, pumayag na rin ako na may ilang security na nakadeploy sa Trazo Real. Mayroon na ring naka-convoy sa akin pero ako pa rin ang nagda-drive ng sarili kong sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)
RomanceAdi, a child from a family of politicians in Batangas, grows fond of Rafael, her late cousin's closest friend. As their lives intertwine, Adi realizes that her life will always be chaotic. But she found serenity in her new found friend, Rafael. Adr...