CHAPTER 76

188 16 0
                                    

Nag lakad na ako pa puntang cr.

Papasok sana ako ng makarinig ako ng mga sigaw na kina inis ko.

"Your a COMMONER!"
"Hindi kayo bagay!"
"Anong akala mo? Mahal ka talaga niya? Hahahaha naawa lang yun sayo kasi wala ni isang nag kaka gusto sayo dahil MAHIRAP KA!"

"Ma gising ka ASHLEY sa katutuhanang mag ka iba ang mundo niyo!"

"Si Chiska pwede pa dahil Doctor ang parents niya si Rica naman may sampung flower shop na pinapatakbo ang parents niya, yung isang babae ewan hindi ko nga kilala yun,Si Clint naman mayaman rin. EH IKAW? anong meron ka? Ha!?" Aba buti nalang hindi ako nito kilala at ano raw may sampung flower shop na pinapatakbo sila Rica aba bakit hindi ko yun alam?

At ano naman ngayon kong hindi mayaman si Ashley? Goshh pasalamat siya naiinis ako sa mga taong nang aapi. Ggrrr

"Excuse me" Sabe ko sabay bukas ng pinto,napalingon naman sila saakin pero isa lang ang tiningnan ko yun ay si Ashley na naka upo na sa sahig at umiiyak.Basa rin ito at nag kalat na ang unting make-up dahil sa tubig.MYGOD! hindi ba siya marunong ipagtanggol ang sarili niya?

Anim ang mga babae na nakapalibot sa kanya na kina ngisi ko aba aba nagiging maldita nanaman ako.

"And you are?" Nakataas kilay na tanong ng pinaka nasa gitna nila na napaka ikli ng suot kala mo naman nasa bar. Tssk.

"Isa pang COMMONER?" Natatawang sabat ng isa.

Hhaayysst paano t-shirt lang na pink at jeans ang suot ko ni hindi nga halatang mayaman kasi ni isang alahas ay wala,meron pala yun ay ang hikaw ko lang.

"And so?" Mataray ko ring tanong.

"Duhh. Ano namang ginagawa mo dito?" Tanong ulit nito.

"Tanga ka ba? Oh sadyang bobo lang?" Tanong ko na kina angat ng ulo ni Ashley umiling ito saakin na nag sasabeng tumigil na lang ako dahil hindi ko sila kaya, nginisihan ko lang siya.

"Anong tanga!?" Sigaw nito sa mukha ko.

"Yuckss! yang laway mo! Ilang taon ka na bang hindi nag totoothbrush?" Pang iinis ko sa kanya. Na mula naman ito sa galit na kina tawa ko.

"At ano ulit yung tanong mo? Anong ginagawa ko dito? Bobo malamang Cr to! May pag tritripan na nga lang kayo dito pa! Sa susunod yung tagong lugar naman! My god ang bobo niyo naman! Saan ba kayo nag aaral?"

"Hoy wag kang siga hindi mo kami kilala" Wika naman ng isa na kina ngisi ko.

"Ako ang hindi niyo kilala" Sagot ko sabay ngisi.

Lumabas naman ang tatlo sa kanila kaya tatlo nalang ang na tira. Buti naman masyadong puno at nagiging mabaho dito sa loob. Ggrr.

"N-aomi *Sob* " Tawag saakin ni Ashley. Lalapitan ko na sana siya ng hawakan ng isa ang kamay ko.

"DON'T TOUCH ME" Madiing sabe ko.

"Ang arti nito ano ka mayaman?" Natatawang sabe ng isa. Mag sasalita na sana si Ashley,umiling ako sa kanya para hindi niya yun ituloy.

"Mayaman lang ba ang pwedeng mag inarte?" Inocente kong tanong.

"At tsaka ano bang ginawa nito sa inyo at pinag tripan niyo?" Inis kong tanong.

"Wala naman...hindi siya bagay kay Baby NICK!" Hiyaw ng leader nila.

"At ikaw bagay?" Tanong ko.

"Of course!"

"Dream on girl! Hindi pumapatol sa mukhang palaka ang KAPATID ko" Pang didiing sabe ko sa KAPATID.

"K-apatid? Kapatid mo sila baby NICK?" Hindi maka paniwalang tanong nito.

Book 2-Accidentally Fall Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now