MONDAY na ngayon at wala parin akong balita sa lalaki, Maging sila Josh ay naalarma na dahil isang linggo nang walang paramdam si Clint! Pero hindi tulad nung nakaraang lunes na halos hindi ako kumain at matulog ay hindi na ngayon inayos ko ang sarili.
Kung nasaan man siya ngayon ay sana lang talaga ay nasa mabuting kalagayan siya.
Alam kong may dahilan siya at sigurado akong mag papaliwanag siya.
Sinubukan ko na rin namang gamitin ang koneksiyon ko sa G World para mahanap siya kong nasaan man siya ngayon pero hindi ko maintindihan kung bakit ni isang impormasyon ay wala akong mahalagilap!
Ang kaylangan ko lang gawin ay mag hintay at piliting wag sanaying wala siya sa tabe ko,dahil kilala ko ang sarili ko sa oras na masanay ako ay wala na siyang babalikan.
Na agaw rin naman ni Cyra ang atensiyon ko nung sabado at linggo,pero hindi ko parin na sabe sa kanyang napatawad ko na siya, na matagal ko na siyang napatawad.
Monday ngayon pero wala kaming pasok sa hindi malamang dahilan.
"ANO BAYAN RICA ANG BADUY NG AKIN!" Sigaw ni Sam sabay lapag ng kwentas na kinatawa namin,naiiba kasi ang kanya saamin nila Cyra. F ang pendant ng aming tatlo habang ang kanya ay P.
"Sige tumawa kayo!" Inis nitong sigaw
"F stand for Friendahip" Anas ni Cyra kaya bahagya akong ngumiti at hinawakan ang pendant ng kuwentas na suot.
"Oo tapos akin P? Ano yun Prendsip?"
"Oo ano pa ba? HAHAHA" Asar ni Rica na kinahaba ng nguso ng isa.
Nasa isang jewerly shop kami, at talaga namang hindi na tigil ang bibig ni Sam sa pag rereklamo sa letter P niyang pendant. Pero pinalitan din naman rin yun.
Binayaran ko ang apat na kwentas kaya ang lalaki ng ngiti ng tatlo.
Nag picture pa kami bago lumabas ng shop.
"Walang mag tatanngal ng kwentas na to ha? hanggang kamatayan HAHAHA" Ani Sam
"Hanggang kamatayan" Mahinang bulong ni Cyra na siyang kina tigil ni Sam. Ilang month nalang ang natitira.
"Tara Ice Cream! Libre ni Sam!" Pangiiba ko ng usapan,Tumawa naman ang Sam at tumango kaya tumawid kami sa high way para maka punta sa Ice cream shop. 3:00 PM na ng hapon kaya hindi na masyadong ma init.
Ng makapasok ng Shop ay wala na kaming paligoy-ligoy at omorder na ng ice cream.
Tulak-tulak ko ang wailchair na inuupuan ni Cyra habang nag hahanap ng mapwepwestuhan.Ng makahanap ay inayos ko ang pwesto niya bago ako umupo,dumating rin naman agad ang dalawa kasabay ng dalawang lalaki na dala-dala ang order namin hindi paman na lalapag sa lamesa ay natatakam na ako.
"Ubos mo yan babe? dalawang galon?" Rinig kong tanong ng lalaki sa babae na malapit sa pwesto namin,bigla ay naalala ko ang tanong sakin ni Clint noon tulad ng tanong ng lalaki.
Nag buntong hininga nalang ako,Nasan kanaba kasi? Bakit mo ko na titiis ng ganito? Ayos kalang ba Clint? Huh baby?Umiling nalang ako at tinuon ang atensiyon sa mga kaibigan na ngayon ay nag aaya nang mag picture, remembrance daw sa Ice Cream hahaha
Pilit akong ngumiti kahit na linalamon nanaman ako ng lungkot.
Mukhang napansin ni Sam ang Auara ko,ngumiti ako rito baka mag alala nanaman, habang kumakain ay nag kwekwentuhan kami at nag bibiruan din na sinasabayan ko naman. Mag 4:00 Pm na kami na tapos at dahil malapit lang ang Park sa pwesto namin ay tumambay na mona kami.
"Ito na ata ang pinakamasayang araw ko" Sabe ni Cyra na kinalingun naming tatlo.
Naka upo si Rica at Sam sa sementong upuan habang nasa gilid ng sementong upuan ang welchair ni Cyra na siyang kinauupuan niya, naka tayo naman ako sa likuran nito.
May ilang puno sa paligid namin at ang isa sa gilid namin na yata ang pinakamalaking puno sa halat na nandito sa park kaya mahangin dahilan ng pag liliparan ng buhok ko.
"I'm happy too" Bulong ko na kina tingala nito sakin.
"I love you Omi, I love all of you" Bulong pa nito sa hindi malamang dahilan ay may ilang butil ng luha ang tumulo sa mga mata ko. Sabe na e na balik na ni Clint ang dating ako. Hindi nila yun napansin na pinasasalamat ko,kinuha ko ang cellphone ko at tumalikod pinunasan ko ang pisnge at i-on ang camera ng video,ngumiti ako sa camera at humarap sa tatlo pinakita ko rin sila sa camera.
"Hi! I'm Naomi at masaya ako dahil naka gala ulit kami na parang dati lang" Panimula ko,natawa ako dahil yun pa lang ang sinabe ko ay umiyak na ang dalawa naka ngiti lang si Rica halatang masaya para samin.
"Ang baduy mo naman Best!" Umiiyak na natatawang sabe ni Sam.
"I love you Omi" Bulong ni Cyra ngumiti ako at yumuko para halikan ang noo niya.
"I love you too Cy" Masayang bulong ko kasabay ng pag tulo ng luha ko. Akmang tatayo na ako pero biglang tumayo si Cyra at tinulak ako pa upo sa welchair niya! Nan laki ang mata ko sa ginawa niya pero huli na ng mapagtanto ang lahat!
YOU ARE READING
Book 2-Accidentally Fall Inlove With My Enemy
RandomBOOK 2! Acedentally Fall Inlove With My Enemy! -On going