CHAPTER 93

180 15 10
                                    

"DAMN IT! MAY ILANG BUWAN PA KAMING PWEDENG GUMALA PERO!?" Galit kong sigaw at hampas sa upuang inuupuan.

Nasa harapan ko ang mommy ni Cyra na ngayon ay wala paring tigil ang pag iyak

Kasalanan ko ang lahat!

Dapat ako ang patay ngayon at hindi si Cyra!

"Anak kumain ka mona" Malambing na sabe ni mommy at tumabe ng upo saakin

Umiling lang ako

"Hindi kapa kumakain mola kanina"

"W-ala akong gana"

Nag buntong hininga lang ito at sinandal nalang ang ulo ko sa balikat niya
"Sabihan mo ko pag gusto mo nang kumain ha?" Tumango nalang ako

Hinihintay namin na matapos ang pag aayos sa katawan ni Cyra para maiuwi sa bahay nila tita at doon pag lalamayan

Inaasikaso ni daddy ang pag pigil sa pag imbestiga ng mga pulis sa nangyare dahil alam ko sa sarili ko na kasalanan ko ang lahat, Galit ako kay Roxxane oo pero ako parin ang may pakana ng lahat at hindi na dapat siya masali rito i mean pwede siyang makulong dahil pwede niya akong iturong master mind pero hindi naman ako tanga dahil wala ni isang kumakalaban saakin dahil kilala ang pangalan ko at kinatatakotan ng karamihan maging ng mga pulis.

Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko siya sisingilin! Lahat ng nawawala ay may bayad, siya parin ang pumatay kay Cyra kung hindi naman kasi siya tanga at hindi ako pinunterya ng walang kasama! PUTANGINA NIYA TALAGA! Pero hindi ako pwedeng gumawa ng hakbang ngayon siguro pag na ilibing na si Cyra.

"Bakit wala si Baby Clint, Anak?" Sandali akong natagilan dahil sa tanong ni mommy. Hindi ko na gawang sumagot.

Sabay-sabay kaming napa tayo ng lumabas ang isang tao at kinausap nito sandali si Tito  wala akong marinig dahil may kalayuan sila saamin. Tumango ang lalaki at umalis na maya-maya lang ay may apat na lalaking lumabas na buhat-buhat ang magandang kabaong ni Cyra

Cyra

Cy

Bigla nanaman akong nanglumo

Tahimik kaming sumunod sa sasakyan nila tita pa punta sa kanila.

Naka dungaw lang ako sa bintana habang tahimik naman si Mommy sa tabe ko ganon din si daddy na nag mamaneho.

"Hindi ko alam kong bakit ayaw mong pa imbestegahan ang nangyare pero alam ko namang para sa lahat ang desisyon mo" Sabe ni daddy.Malalim na hininga ang pinawalan ko bago lingonin ang ama.

"Thanks dad" Na sabe ko nalang at nag iwas na ng tingin.

Iniisip ko kung bakit hindi ko manlang namalayan ang presensiya ni Roxxane kanina 

Mga 10:00 Pm na kami nakarating sa bahay nila Cyra.

Tahimik lang akong naka upo sa harap ng kabaong ng kaibigan maging si Sam ay tahimik at walang imik sa tabe ko.

Ang saya pa namin kanina bakit ganito ngayon?

Liningon ko si Sam naka pikit ito at naka sandal sakin alam kong hindi siya tulog siguro tulad ko ay marami ang iniisip niya. Na hagip ko ang palapit na bulto ni Josh na may dalang isang pinggan ng pag kain, Habang pinag mamasdan si Josh na palapit ay iniisip ko na sana nan dito rin si Clint para pagalitan ako at pakainin. Pero wala siya at hindi ko man lang alam kong nasan na siya kung sino ang kasama niya

Liningon ko ang kabaong ni Cyra.

Ikaw na nga lang ang nakakapag aliw sakin habang wala si Clint pero bakit iniwan mo rin ako?

Pinagmasdan ko rin si Sam, Bukod kay Rica ikaw nalang ang kaibigang meron ako, sana hindi tulad ni Rica at Ate ay hindi mo rin ako ewan. Kung sakali mang mapahamak at mawala ka rin paniguradong hindi kona makakaya at lalong hindi ko na mapapatawad ang sarili.

Book 2-Accidentally Fall Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now