CHAPTER 78

195 16 4
                                    

'At ako rin ang dahilan kong bakit ka nandiyan at ako rin ang dahilan kong bakit malungkot si Maldita'


Senenyasan naman akong umupo ni Maldita sa tabe niya, nag aalangan man ay umupo ako at pilit na ngumiti.

"Miss na miss na kita Ate,Pasensiya na bilang lang ang pag punta ko dito,wag kang mag tatampo riyan ha? Hehe.Wag kang mag alala hindi na ako ganon ka lungkot sa pag kawala mo dahil unti-unti ko nang natatanggap ang pag kawala mo,pero minsan t-alaga..." Mangiyak-iyak na sabe ni,Maldita.

S-orry, Dahil ako ang dahilan kong bakit siya namatay.

"P-ero minsan talaga h-indi ko matanggap na wala kana..." Tumulo na ang ilang butil ng luha ni Maldita na kina lungkot ng puso ko.

Bakit?

Bakit kailangan pang ikaw ang maging ka-pamilya niya? Kong pwede namang iba...

Wag lang ikaw,Maldita dahil ang hirap,ang hirap-hirap mag panggap na wala akong alam at mas lalong wala akong ginawa dahil balik-baliktarin man natin ang mundo ay ako parin talaga ang pumatay sa Pinsan mo...Na mahal na mahal mo.

"K-aya nag papasalamat akong dumating sa buhay ko si,Clint dahil"  Liningon niya ako at pinisil ang kamay ko.

Napa ngiti naman ako kahit papaano.

Mamahalin mo pa rin ba ako tulad ng pag mamahal mo ngayon saakin pag nalaman mo ang katutuhanang ako ang pumatay sa kanya? O kamumuhian mo ako? Itataboy? Kakalimutan mo na lang kaya at ibabaon sa lupa ika nga nila ang pag mamahal mo saakin pag nalaman mo ang katutuhanan?

Ang sakit!

"D-ahil sa kanya nag ka kulay ulit ang mundo ko na nawalan ng kukay ng nawala ka...S-ana buhay ka pa,para makilala mo siya at matanong ng 'Mahal mo ba talaga ang pinsan ko?' O kaya naman 'Saan first meet niyo?','Kaya mo bang higitan ang pag mamahal ko sa babaeng iyan,' at marami pang ibang tanong na lagi mong sinasabe saakin na gusto mong itanong sa lalaking mamahalin ko" Umiiyak nang kwento niya, hindi ko alam kong ano ang gagawin ko dahil gulong-gulo na rin ako.

"S-igurado akong may d-ahilan ang pag kamatay niya,Maldita" Malungkot kong sabe na kina lingon niya saakin.

Bakit ba kailangang hukayin ang nakaraan na pilit ko nang binaon sa hukay?

"Alam ko" Sagot niya sabay ngiti.

Hindi mo alam.

"Pero sana lang ay bigyan niya ako ng makatarunang dahilan kong mag tatagpo man ang landas namin dahil kong hindi yun katanggap-tanggap....hindi ko alam kong ano ang magagawa ko" Napatitig ako sa mga mata niya ng sabihin niya iyon, GALIT, Galit na galit siya saakin...

Pag sinabe ko bang pinatay niya ang kambal ko ay paniniwalaan mo?

Haha...

Malabo-malabong malabo.

"A-nong m-agagawa mo,Maldita?" Kinakabahang tanong ko at hindi inaalis ang mata sa mata niya kahit na hindi na siya naka tingin saakin.

"Papatayin ko siya,Tulad ng pag patay niya sa Ate." Galit nitong sabe na kina bilis ng tibok ng puso ko at panginginig ng kamay ko, wala sa sariling na bitawan ko ang kamay niya.

"Ha?" Gulat kong tanong. Sana namali lang ako ng rinig. Kasabay ng pag tango niya ang pag iling ko...No,No,No...hindi...h-indi maari.

Nag papasalamat na lang akong hindi siya nakatingin saakin.

"Sana pag dumating man ang araw na yun...Pigilan mo ako,Baby. Pigilan mo akong makapatay" Sabe niya sabay baling saakin. Wala sa sarili akong napa tango.

Hindi kita pipigilan,Maldita.

Kong ang kamatayan ko ang makakapabalik sa dati mong saya. Bakit kita pipigilan,Maldita? Bakit?

Para nang sasabog ang ulo ko sa subrang gulo.

Nag sindi ng kandila si,Maldita.

"Hintayin lang natin tong mangalahati" Sabe niya sabay turo sa kandila,Tumango lang ako at nang iwas ng tingin.

"Mahal mo talaga ang Ate mo no?" Lakas loob kong tanong.

"Oo naman, Partner at crime ko yata yan eh" Sagot niya,Sumilay rin ang munting ngiti sa labi niya.

Sana kong dumating man ang araw na malalaman mo ang ginawa ko...Sana may matirang ngiti parin sa labi mo.

Kahit na alam ko sa sarili kong malabo na yun.

"Mangako ka saakin,Baby"

"Ha?" Nalilitong tanong ko.

"Mangako ka na pipigilan mo ako" Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Pangako" Bulong ko.

Bakit ba ako na ngako? Kong alam ko namang mapapako?

"Thank you" Tumango na lang ako.

"Kung malalaman mo man kong sino man ang pumatay sa kanya..." Liningon niya naman ako.

"Ipangako mo saakin na lagi mong tatandaan na may dahilan ang lahat,kaya bago ka gumawa ng desesiyon ay pag isipan mo mona ng sampung beses ha?"

"Opo" Sagot niya sabay sandal sa dibdib ko.

"Pero kong sakaling hindi ako mag isip at makapatay ako...Matatanggap mo parin ba ako,Baby? Ma papatawad mo ba ako?" Mahinang tanong niya.

"Oo naman" Sagot ko.

Ikaw mapapatawad mo ba ako? Matatanggap mo parin ba ako?

"Bakit parang sigurado ka diyan?" Tanong niya.

Sigurado ako dahil....Tanggap ko ang galit mo at haharapin ko ito pero ang mawala ka saakin ang hindi ko tanggap at hindi ko mahaharap.

Kaya hanggat maari ay ako na lang ang makakaalam sa katutuhanang ito. Dahil hindi ko makakayang mawawala ka saakin,Maldita. Hindi ko kakayanin...Hindi ko na makakaya dahil minsan na akong nawalan ng mahal...at hindi ko pa kayang ipakilala siya sayo...ang aking KAKAMBAL....

na pinatay ng iyong PINSAN.

Death anniversarry rin niya ngayon.

"Sigurado ako kasi...." Sagot ko at ngumiti ng pilit. Buti nalang hindi niya ako na kikita dahil paniguradong mahahalata niya ang peke kong ngiti.

"Kasi....?" Tanong niya.

"Kasi Mahal kita" Sagot ko,Mahal kita kaya gagawin ko ang lahat-lahat wag ka lang masaktan ulit,dahil sigurado akong masasaktan at masasaktan ka pag malaman mong ako ang bumawi ng buhay sa pinsan mo.

Mahirap man ay hindi ako susuko at papayag na malaman mo ang katutuhanan.

"Aayyiiee I love you,Baby" Hirit niya sabay tingala saakin.

"I love you too,Maldita" Sagot ko at pilit na ngumiti ang tanga ko sa part na nakalimutan ko na SMITH ang taong pinatay ko!

Sa oras na umalis kami dito ay ibabaon ko na rin dito sa hukay ang nakaraang yun.


_______________________
________________

Sana lang hindi multohin ni Nishka si Naomi at sabihin na ikaw ang pumatay sa kanya. HAHAHA

Book 2-Accidentally Fall Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now