Prologue

34.7K 514 41
                                    

Paano ba natin malalaman kung pag-ibig na talaga ang nararamdaman natin?

Sa anong sitwasyon?

Kapag nahulog ang notebook mo sa eskuwelahan niyo habang naglalakad ka, pagkatapos pinulot at binalik sayo. Then boom! Pag-ibig na na iyon?

Sa anong lugar?

Kapag nasa park kang mag-isa at may katabi kang mag-isa din. Nanonood kayo ng sun set, tapos biglang nagtama ang mga mata niyo. Pag-ibig na ba ang tawag doon?

Sa anong pangyayari?

Kapag naglalakad ka habang nakatingin sa cellphone mo, tapos nakaapak ka ng balat ng saging. Pumikit ka kasi ako mo mauuntog ka, pero biglang may humila sayo. Pagbukas mo ng mata, ang lapit niyo sa isa't isa. Tapos may spark. Pag-ibig na ba agad?

WAIT! WAIT! WAIT!

Ako si Infinity Naghihirap, 17 years old. Ang alam ko kwento ito ng buhay ko, pero bakit wala naman atang koneksyon ang Prologue sa buhay ko? Eh hindi naman ito tungkol sa pag-ibig eh. Ang kwentong ito'y tungkol sa aking PAGHIHIRAP =_= Okeh?

Hindi na ako magpprologue. Magpapakilala na lang ako.

Ako nga pala si Infinity Naghihirap. 17 years old, nagtattabaho sa--

.

.

.

.

.

.

.

Oh anong iniisip niyo? Sa night club? Aba'y asa! May pinag-aralan naman ako noh!

.

.

.

.

.

.

.

Nakapag-tapos ako ng kinder at grade school. Tse! Wag kayong ano..

So ayun nga, nagtatrabaho ako sa isang malaking kumpanya, "Farmville Corporation", ako ay isang "marketer o market seller". In tagalog, tinder sa palengke. ^_^

Mayroon akong tatlong kuya na mahirap i-handle. Pero kahit ganoon sila, ganon na talaga sila.

Ang pinakapanganay saamin ay si Kuya Albert, pinakamakulit, pinakamalapit saakin, at ang pinaka-nakakaasar =_=

Ang pangalawa ay si Kuya Roydelle, andaming alam sa pag-ibig wala namang experience, daming sinasabi sa buhay pero hanggang doon na lang yon. Hanggang salita lang siya.

Ang pangatlo naman ay si Kuya Kurt, ang pinakamatanda kung mag-isip, seryoso, at pinakaresponsable.

Ang pang-apat ay si-- CHEREN! Ako yon, ako yon! Si Infinity. Ang pinaka-cute, pinakamaganda, pinakatalentado, pinakamatalino, pinakamabait, pinaka-energetic, pinaka-humble. Opkors, hindi ko nga pinagmamalaki ang sarili ko eh, kasi baka bumaba ang self-esteem nila, kasalanan ko pa. :P

- - -

Subaybayan at basahin ang kwento ni Infinity. Thank you 1k followers :D

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon