Chapter 6: Naguguluhan ako

12.8K 280 4
                                    

Infinity

Nagising ako dahil nasisilawan ako sa araw na pumapasok galing sa bintana. Wala na akong katabi. Asan na kayo yon? Ang aga naman niyang bumangon ngayong araw ah? Pumuti na ba ang uwak?

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, dumiretso ako sa kusina para kumain ng almusal, bago ako makaupo, may nakadikit na note sa upuan ko. "Hintayin mo ko, ihahatid kita, sabay tayong papasok."

"Ihahatid mo ako? Wow milagro to ah! Nakakatuwa naman." sabi ko

"Hindi mo na kailangang matuwa. Wag ka nang kumain, pupunta na tayo sa Huideong, bilisan mo." demanding na sabi ni Hugo saakin, pagkatapos ay nauna nang maglakad.

Akala mo kung sinong gentleman eh. Hintayin ko daw, ihahatid daw ako, naks naman! Sabay pa nga raw kaming papasok ng school. Nakakasira naman ng araw tong isang to.

Habang nasa kotse kame, tahimik lang siya. Hindi niya nanaman ako kinakausap. Kahapon ang daldal daldal naman niya, ganito ba talaga ang isang to? Ngayon kakausapin ka, kinabukasan walang imikan. Ngayon hindi galit sayo, kinabukasan inis sayo. -_____-

"Saan ka galing kaninang umaga? Bakit hindi mo ko ginising? Bakit ang aga mong nagising? Anong ginawa mo?" tanong ko sakanya.

"Ang dami mo namang tanong. Wala kang pake." sagot niya naman saakin.

"Well sa totoo lang, wala naman talaga akong pake. Sino ba tong gagong gumawa ng kontrata? Rule number 1, Infinity should show care not only for L, but also for Hugo all the time.." sabi ko

"Especially when in public and if Hugo's parents are around." tuloy naman niya

Napapout naman ako. Hays! Talo tayo ngayon ah? Hindi naman pala kami sa public ngayon, and wala naman pala ang mga magulang niya. Okay.

Tumahimik na lang ako.

Pagdating namin sa parking lot, bumaba na kami ng kotse, nakakahiya naman kung doon lang kami diba?

Habang naglalakad kami sa hallway, bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako sakanya, pero nanatiling nakadiretso ang tingin niya.

"Oh wow, magkasama kayo, holding hands while walking."

Naningkit ang mga mata ko. Kilala ko to ah? Parang nakausap ko na to. Hindi ko nga lang alam ang pangalan niya.

"Ano bang problema mo?" kalmang tanong ni Hugo sakanya.

Ngumiti siya. Sarkastikong ngiti. "Wala akong problema. Just wondering kung hanggang kailan ang pagpapanggap niyo." sagot niya

"You know what? Kung patuloy kang ganyan, mas lalong hindi ako magkakagusto sayo. We are not pretending. Sorry kung hindi pa kita sinasagot hanggang ngayon, it's because I don't love you, even like you." sabi ni Hugo pagkatapos nilagpasan namin siya.

Hindi ko naman talaga siya lalagpasan e, kaso napasama ako kay Hugo na hawak-hawak ang kamay ko. Hindi niya pa ba bibitawan? Kasi ayoko pa eh. Mwahahaha.

"Hugo, sino ba yun? Bakit ang init ata ng ulo nun sa atin? Sayo?" tanong ko kay Hugo.

"She's Lucile, my number 1 stan."

"S-Stan?" nagtatakang tanong ko.

"Stan, stalker-fan." tapos binitawan niya na ang kamay ko.

Music class kami ngayon. Tinuturuan kaming magplay ng mga instrument, kasalukuyan akong may hawak na gitara pero nawawala ang concentration ko eh. May iniisip kasi ako.

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon