Chapter 18: Wait... I'm Back

8.2K 191 6
                                    

Infinity

Kakauwi lang namin ni Hugo galing sa XOXO Resto. Wala pang nakakaalam na kami na, officially. Wala pa akong balak na sabihin sa mga kaibigan namin eh, kung magtatanong na lang sila. Kasi pag sinabi ko, for sure, aasarin lang kami ng mga yun.

"MOMMY!" sigaw ni L. Napangiti naman ako sa itsura niya. Preskong-presko ang itsura, nakapajamas na siya. "Mommy, daddy look. I got 3 stars and one ribbon." pagmamayabang niya saamin.

Napatingin ako sa ribbon na naka-pin sa shirt niya. Natawa tuloy ako. "Best in Reading"

"Wow, magaling sa pagbabasa si L? Mana ka talaga sa daddy mo." sabi ko sakanya.

Nilapitan naman kami ni Hugo. "Psh, nang iinsulto ka ba, babe?"

"BABE?!" napasigaw tuloy ako.

"Tch, over reacting girlfriend." sabi niya saakin. "Lalabas tayo bukas, we will celebrate kasi best in reading ang anak namin." sabi ni Hugo saka ginulo ang buhok ni L.

"Yehey!!!" tatalon-talon na sabi ni L. "Mommy, I'm sleepy already, I need to sleep early dahil may pupuntahan tayo tomorrow. Pwede niyo po ba akong samahan?" tanong niya saakin.

"L, malaki ka na. You should be brave enough to go and sleep alone. If you want to be like daddy, be independent." sabi ni Hugo sakanya

Harujusko! Independent daw =_= TALAGA HUGO HA! "No. Kukwentuhan kita. May bagong story si mommy. Say goodnight na to your dad." sabi ko kay L.

"Good night daddy." sabi niya.

*L's ROOM*

"Mommy start telling me a story." sabi niya saakin saka nahiga sa kama.

Naupo naman ako sa tabi niya. "Isang araw, si daddy duck ay naghahanap ng nanay para kay baby duck. Nakahanap naman si daddy duck, at nabuo na sila. Hindi man totoong nanay si mommy duck ni baby duck, pero mahal na mahal naman niya ito dahil napalapit na sakanya si baby duck. Naging buong pamilya din sila, nagmahalan si mommy duck at daddy duck. Pero isang gabi, biglang bumalik si mama duck. Siya ang tunay na mommy ni baby duck..."

"And then? Why did you stop, mommy?"

"I didn't. Hanggang doon lang talaga ang story baby" sabi ko sakanya

Well, gawa-gawa ko lang ang story. And kung may nakapansin sainyo, medyo relate nga yun sa story namin ngayon.

"Hmm..."

"So, if you were the baby duck? What will you do?" tanong ko kay L

"I would love to be with my real mom. But if I were baby duck, I will never let my mommy duck leave me or leave us. Mama duck may be my real mom by blood, but mommy duck is my real mom by heart." sabi niya

Napangiti ako sa sagot ni L. Somehow, na-touch ako. "Okay, so sleep na baby duck." sabi ko sakanya na ikinatawa niya. "Good night. I love you, L." sabi ko sakanya at hinalikan siya sa noo.

Pumikit naman siya. "Good night mommy duck, I love you too." hinintay ko munang makatulog siya ng matagal, bago ako umalis at pinatay ang ilaw.

Pumasok na ako sa kwarto. Nakahiga na si Hugo, siguro natutulog na siya. Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok ako sa CR dahil magha-half bath ako. Pagkatapos kong maghalf bath ay nagbihis na rin ako sa loob ng CR. Lumabas na ako at naupo sa kama.

"Nice story." biglang sabi ni Hugo na ikinagulat ko.

Napalingon ako sakanya. "Gising ka pa pala. Anong sabi mo?" tanong ko sakanya.

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon