Infinity
Kinabukasan bumaba ako para magluto, hindi pa ako nakakarating sa kusina, may narinig akong dalawang lalakeng nag-uusap. Si L at ang tatay niyang bagito na si Hugo.
"Please daddy let's play outside." yaya ni L
"No, we'll stay inside. Ayan ang tablet mo, dyan ka maglaro. Hindi na kailangang lumabas." tamad na sabi ni Hugo sa anak niya at pinagpatuloy ang pagce-cellphone.
Hays! Ganito ba dapat ang isang tatay? Sabihin na nating bata pa siya, eh kasalanan din naman niya eh. Dapat bigyan niya ng atensyon ang anak niya. King ina talaga tong Hugo na ito.
Lumapit ako sakanilang dalawa, kay L exactly. Kinuha ko ang tablet niya nang walang pasabi.
"Masyado ka pang bata para ibabad ang mata mo sa mga gadgets. Tingnan mo ang eyes ni mommy, maganda diba? Kasi hindi si mommy nagbababad sa mga gadgets. Gusto mo ako na lang ang kalaro mo, baby?" sabi ko kay L.
Kuminang naman ang mga mata niya. Bago pa makasalita si L, nagsalita na ang asungot niyang amang bagito.
"Mag english ka nga sa anak ko." epal niya.
"Wow, ikaw nga hindi ka nakakapag-english sa anak mo ng diretso." sagot ko sakanya
"Tsaka hindi maganda ang mata mo."
"Ano bang pake mo?"
"Mommy, daddy, nag-aaway po ba kayo?" inosenteng tanong ni L.
Ngumiti naman ako agad. "Ah hinde, baby. Uhm, nag-uusap lang kame ng daddy mo. Ano? Tara na? Gusto mo turuan na lang kitang magswim?" sabi ko sakanya
Dali-dali naman siyang tumayo at sabay kaming lumabas ng bahay, dumiretso kami sa likod ng bahay kung nasaan ang pool. Nasa may bandang kiddie pool lamang kami, tuwang-tuwa naman si L habang tinuturuan ko siyang lumangoy.
Pagkatapos naming maglaro at magswimming, umahon na kami. Pinunasan ko naman siya ng tuwalya, at binihisan ko siya pagkatapos.
Samantha
Umupo ako sa tabi ni Hugo. Busyng-busy ang tukmol na ito sa cellphone niya.
"Hugo one week na lang uuwi na sina mommy"
Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy ang pagce-cellphone.
"Alam mo, kung hindi mo ako papansinin baka masaktan ka saakin." takot ko sakanya.
Pero talagang matapang si Hugo at hindi ako pinansin.
Hindi na ako nakapag-pigil kaya binatukan ko na siya nang malakas.
"Tang ina! Ano ba, Sam? Wala ka bang manners? Ba't ka ba nangbabatok dyan huh?" galit na sabi niya
"Bobo ka pala eh, ikaw ang walang manners. Unang-una, sumigaw ka ng tang ina. Pangalawa, hindi ka nag-aate. Pangatlo, gago ka, hindi mo ko pinapansin. Sabi ko malapit na ang uwi nila mommy, bobo!" dire-diretsong sabi ko sakanya
Kinati niya ang batok niya. "Eh sa wala akong pake eh, kaya hindi na kita pinansin."
"Tang ina mo talaga, pwde mo namang sabihin agad na wala kang pake diba? Hindi mo ko kailangang deadmahin."
"Oo na nga, istorbo ka."
"Tinuruan ni Infinity si L na lumangoy, marunong na siyang lumangoy ngayon. Nakikita kong masaya si L kasama si Infinity." sabi ko, "Magpasalamat ka saakin." utos ko kay Hugo.
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)
HumorMommy For Hire (Lu-Yoon FF) By Lazy_Girl9 All Rights Reserved. No part of this story may be redistributed in any form or by any electronic or mechanical means without the permission of the author or writer. Any resemblance to actual persons, living...