Infinity
Dancing class namin ngayon. Kaklase ko ang buong barkada at etong si- Sino nga ba 'to? Yung nakasama ko nga kahapon sa rooftop.
"This coming Monday, magkakaroon ng competition dito sa University. Para sa dancing class. May maghihiphop by group, break dance by three, at ballroom and of course by pair." sabi ni Ms. Yih
Nagkagulo naman ang mga kaklase ko. Kesyo gusto nila ballroom kasi daw makakapartner nila ang crush nila, kesyo hiphop kasi astig. Ako? WALA! Ayokong sumayaw. Nakakapagod ang magpractice.
"Quiet! Settle down! Nakapili na ako ng mga estudyanteng sasali sa contest, okay? And ang kalaban ay galing sa ibang klase."
Natahimik naman ang buong klase dahil ia-announce na ni Ms. Yih ang mga kasali.
"Sa hiphop, it will be Ken, Mike, Ark, Tyler, and Hugo. Sa breakdance naman, girls ang napili ko dahil madami akong nakitang magagaling na babaeng magbreakdance, it will be Yuri, Steffie and Aumi. Sa ballroom naman ay si Sky kapartner si Infinity."
"PO?" dahil sa pagkabigla, yan na lamang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko.
"Yes." tuwang-tuwa naman si Sky.
Napa-iling tuloy ako. Bakit naman ako sa ballroom? Marunong din naman akong maghiphop, bakit hindi na lang ako sinali doon?
"So, yun lang. You have three days practice, general rehearsal on Saturday and then be ready on Monday. Class dismissed" pagkatapos nun ay lumabas na si Ms. Yih.
Nagsilabasan na ang buong klase. Sumunod naman ako sa barkada, nasa harap ko silang lahat. Para akong chaperon nito! Mag-isa lang akong nasa likod. Galit kaya sila saakin?
Huminga akong malalim. "Sorry." sabi ko kaya naman napatigil sila sa paglakad at nilingon ako.
"Oh, andyan ka pala Infinity. Bakit ka andyan sa likod?" tanong ni Steffie.
"Bakit ka nagsosorry? Hindi naman kami galit sayo, uh?" dagdag pa ni Aumi.
"Thank you. Pero sorry pa rin, kasi nang dahil saakin nalipasan kayo ng gutom kahapon, dapat kasi hindi niyo na ako hinihintay." sabi ko sakanila.
"Hindi naman kami nalipasan ng gutom. Tsaka, okay lang. Nakita ka naman namin sa may rooftop. Wala namang nagalit, hahahaha. Diba Hugo?" sabi ni Ark
ANO?! Okay lang naman pala eh. Eh bakit naman galit na galit si Hugo saakin kahapon? Hindi naman galit saakin ang buong barkada, pero etong Hugo na ito, pinagalitan pa ako kahapon tapos pagkauwi namin hindi ako pinapansin. Gago 'to ah.
Napatingin naman ako kay Hugo. Iniwasan niya ako ng tingin at nauna nang maglakad. Sumunod naman kami sakanya.
Habang naglalakad kami papunta sa cafe. Sinabi nila saakin ang nangyari kahapon nung kumakain sila habang wala ako. Sinasabi nilang nagseselos si Hugo, nakakatawa daw ang itsura niya kahapon habang inaasar nila at nabadtrip pa daw sakanila.
Anong ibig sabihin nun? Totoo kaya 'yon?
"Nako! Kung ayaw mong maniwala saamin, edi hwag. Sinasabi lang namin sa para aware ka." sabi naman ni Ark
"Oh diba si Sky kasama mo kahapon? Tapos magkapartner pa kayo sa ballroom competition edi mas lalo kayong naging close nun?" natutuwang sabi ni Aumi.
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)
MizahMommy For Hire (Lu-Yoon FF) By Lazy_Girl9 All Rights Reserved. No part of this story may be redistributed in any form or by any electronic or mechanical means without the permission of the author or writer. Any resemblance to actual persons, living...