Hello readers! Sorry at ngayon lang nakapag-update ulit. :( Naging busy talaga ako (personal life) kaya hindi talaga ako nakapag-update. Pasensya for making you wait too long.
Hugo
1 am na wala pa si Precious. Nakaupo lang ako sa couch, hinihintay ko si Precious. Sana.. Sana nahanap niya na si L.
Bumukas ang napaka-mahal at magandang pinto ng living room namin.
"Sky? Anong nangyari?"
Nataranta ako sa nakita ko, karga kasi ni Sky si Precious, parang bridal carry. Psh! Bagay na bagay sila. Bakit hindi na lang sila ang magkatuluyan? Ano sa tingin niyo?
Inihiga ni Sky si Precious nang dahan-dahan sa couch.
"Lasing eh." sabi niya, "Sinamahan ko lang siya sa restaurant kanina, napasobra sa wine. Mauuna na ako." umalis na siya pagkatapos.
Naupo ako sa tabi ni Precious. Tss! Tingnan mo nga 'tong babaeng 'to. Hindi man lang nag-iisip nang mabuti, magpapakalasing kung kelan nawawala ang anak namin.
"Psssh.. Hu--Hugo" malabo ang pananalita niya pero naintindihan ko pa rin
Tiningnan ko sya nang naka-cross arms, "Bakit?"
"Everything will be okay." sabi niya may pa hand gestures pa siyang nalalaman, parang gumuguhit siya sa hangin.
"Tss. Lasing ka." sabi ko sakanya
"I saw... I saw him..."
"Him? You mean L? Saan? Kailan? Bakit di ka tumawag? Bakit ikaw lang? Iniwan mo siya? Are you out of your mind?"
"Shh.. Shh.. Shh.." nag-hand gesture siya na parang nagsasabing tumahimik ako, "He is in good hands. Hahahahahaha, Okeh? Mas okay siya kung andoon siya.. Hahahahahahahaha. At-- At, mas magiging okay na ang mga darating na araw niyo. Okeh? Trust me.." hinila niya ang kamay ko, "Trust me, okay? Ako ang ba... hala.." at bigla niya na langa binitwan ang kamay ko at nawalan ng malay. Tuluyan na siyang natulog.
Tss! This girl!
What does she mean? Pero.. Kahit hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, kahit papano ay nakaramdam ako ng "relief".
Infinity
"What happened?"
Hindi pa natutulog si L. Kanina niya pa ako kinukulit. Wala na siyang ibang tinanong saakin kundi ang "What happened" na yan. Gusto niya kasi talagang malaman kung ano raw ang nangyari saamin ng daddy niya at umalis ako nang walang paalam.
"I'll tell you when you're 15"
"What? Trust me mom, I'm 6 but I can understand you." sabi pa niya
Para siyang matanda kung magsalita eh. Akala mo naman maiintindihan niya talaga. Ayoko lang naman sabihin sakanya kasi baka ma-misunderstand niya ang totoong nanay niya. Bata kasi.
Umiling ako.
"Bukas uuwi kana." tiningnan ko siya.
"No mommy. Dito lang ako, dito lang tayo. I will not tell anything to my dad, even tita Precious."
"Anong tita ka diyan? Practice calling her mommy."
"You are my mommy, how many times do I have to tell you that?"
Napakati ako ng batok, "Aish, L naman eh. Okay, I am your mommy. Then you can call her mama or mom." sabi ko sakanya
"I will as long as you'll let me stay here." sabi niya
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)
UmorismoMommy For Hire (Lu-Yoon FF) By Lazy_Girl9 All Rights Reserved. No part of this story may be redistributed in any form or by any electronic or mechanical means without the permission of the author or writer. Any resemblance to actual persons, living...