Hugo
Tinext ko si Infinity na umuwi na lang sila ni L at magtaxi dahil halos 30 mins. na silang naghihintay saakin.
Nang makita ko si Precious dito, hindi ko talaga ineexpect iyon. Hindi ko inaasahang mangyayari 'to ngayon. Hindi ko alam kung magagalit ako sakanya, o matutuwa ako kasi nakita ko siya ulit. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon.
"I missed you... so much." sabi ni Precious saakin
Napangiti ako sa sinabi niya. "I missed you too." sagot ko.
Nakita kong kuminang ang mga mata niya saka ngumiti. "I still love you."
Mahal niya pa rin ako? It's been 2 years or 3. Ngayon lang ulit kami nagkita, UNEXPECTEDLY. Sinabi niyang mahal niya pa ako, UNEXPECTEDLY.
"I love Infinity." sabi ko sakanya. Hindi naman ako pwedeng magsinongaling sa kanya. At kahit na sabihin kong mahal ko siya, hindi ko na nararamdaman iyon. Baka minahal ko siya, pero hindi ko na siya mahal pa.
"So she's Infinity pala. I see..." sabi niya saka tumango-tango. "Saan kayo nagkakilala? Paano? Kailan?" dagdag pa niya.
Tiningnan ko lang siya. I didn't answer her questions. I dont think that she needs to know it, its our business, hindi siya kasali doon.
"Okay. How's L?"
"She knows you by name. Alam niya na iniwan mo siya. Si Infinity ang kinikilala niyang mommy niya. She loves Infinity as well." sabi ko
She nodded. "Gusto ko siyang makilala. Gusto ko siyang makasama." sabi niya
"I will allow you." sabi ko sakanya
Tumahimik siya for about 5 minutes or more. Kaya nagsalita na ako.
"Are we done yet? I need to go." sabi ko sakanya
"N-no, teka lang. Alam kong marami tayong dapat pag-usapan. Alam kong kailangan kong ipaliwanag sayo kung bakit bigla na lang tayo nagkaganoon."
"Gusto ko rin yang malaman noon. Pero I have Infinity and L now, hindi ko na kailangang malaman pa ang dahilan mo. Kung ano man ang dahilan mo, it will not change the fact that I'm happy now."
Tiningnan niya ako. She looks sad, I can see it in her eyes.
"Sorry."
"I can't say that I forgive you completely"
"Let me explain, please."
I nodded. "Go on. I'll listen." sabi ko sakanya.
"Simula nung mawalan tayo ng communication, hindi ko ginusto yun. Kinuha ni dad ang phone ko, lahat ng gadgets ko. He didn't allow me na umalis ng bahay ng walang body guard. Hindi niya ako pinayagang makipagkita sayo dahil he knew what happened between us. Pagkatapos kong manganak, pinadala ni dad ang baby sa bahay niyo. And then nagmigrate kami sa America dahil may bagong proposal si dad doon, and there I met my fiance."
"Fiance..." tumango-tango ako. "So you're engaged." sabi ko
She nodded. "Yes, pero hindi ko siya gusto believe me, Hugo. Until now, its still you." sabi niya.
"O-okay. But I have Infinity and L now. I've moved on. Okay na ako" sabi ko sakanya
"How? How sure are you? No, no Hugo. Naguguluhan ka lang. Si--siguro nagsama lang kayo ng matagal sa isang bubong kaya, kaya ganun na lang kabilis ang pagpalit mo sakin."
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)
HumorMommy For Hire (Lu-Yoon FF) By Lazy_Girl9 All Rights Reserved. No part of this story may be redistributed in any form or by any electronic or mechanical means without the permission of the author or writer. Any resemblance to actual persons, living...