Infinity
Walang pasok ngayon, galing kame sa office ni ate Sam. Pinagalitan kami ni ate Sam eh. Hindi daw kasi kami magkasundo tapos malapit na ang uwi ng mga magulang ni Hugo, dapat daw naming pagpraktisan ang maging close at iwasan ang rudeness sa isa't isa.
Naisip ko, pano nga ba namin maiiwasan iyon? Eh ang sama ng ugali ni Hugo, mas masahol pa sa baboy ramo. Ako naman ang bait bait ko. ^_^
Naglalakad kami sa mall, paikot ikot lang kami. Walang imikan. Nako sana naman maging close kami neto noh? -_- Talaga naman!
"Hindi ka ba iimik? Magcooperate ka naman minsan." sabi pa ni Hugo.
Panalo ako, siya ang unang umimik.
"Hmm, sige ano bang gusto mong marinig? Diba ayaw mo kong kausapin? Inis ka saakin. Kaya siguro mabuti nang hindi tayo nag-iimikan." sagot ko sakanya. Sana naman umepekto sakanya ang drama ko.
"Wala na akong oras para umarte, alam mo mana ang pinag-uusapan natin dito. Pag nalaman ni mama at papa na walang nanay ang anak ko, na nakadesgrasya ako tapos iniwan ko pa, madidisappoint sila saakin."
Kumibit-balikat ako. "Hmm okay, kung may plano ka sabihin mo saakin kaagad ha? Kasi ayokong nakakausap kita ng matagal." sabay ngiti sakanya
Tinaasan naman niya ako ng isang kilay. "Punta tayong starbucks." yaya niya
"Yan ba ang plano mo? Ayoko, ayoko ng amoy doon eh, amoy kape." sabi ko sakanya
"Ano? Hindi ka naman anak ng milyonaryo tapos ikaw pang may ganang mag-inarte diyan."
"Haynako naman, kayo talagang mga mayayaman ang kikitid ng mga kukote niya. Porket mahirap hindi na pwedeng umayaw sa mga bagay na sosyal. Alam mo tingin ko kung hindi mo iiwasan ang ugali mong hindi ko matagalan, baka pagdating ng mga magulang mo mawalan na ng pekeng nanay yang anak mo." tapos iniwan ko siya.
Nakakainis! Porket ba mahirap lang kame, hindi na ko pwdeng mag-inarte sa starbucks? -_- Asan na ba ako? Hindi ako madalas sa mall eh, naman! @@ Bababa na nga lang.
So nakatayo lang ako, para akong batang nawawala. -______-
"Ang arte arte mo, may pawalk-out walk-out ka pa dyang nalalaman." sabay hila saakin
Nako naman! Nahanap ako ng tukmol na to!
"Bigla ka nalang susulpot. Pagkatapos mo akong lait-laitin at insultuhin, hihilahin mo nanaman ako." sabi ko pa
"Tigilan mo nga yang kadramahan mo. Hindi ka nakakaawa eh, nakakasuka na." sabi niya naman saakin.
Hindi talaga to napapagod kakalait saakin noh? Nako naman!
Pagkatapos ng 15 minutes na biyahe, bumaba na kami sa kotse niya.
"Ano to?" tanong ko sakanya.
Nga-ngayon lang kasi ako nakakita ng ganitong klaseng bahay? Bahay nga ba ito? Hindi ko alam eh. Basta maliit na bahay na napapalibutan ng mga halaman, bulaklak, tapos mga fence. Ang ganda, kaso parang lugar ng bata.
"Bahay mo?" tanong ko habang pumapasok kami sa loob. Wala naman akong natanggap na sagot sakanya. Kaya hindi ko na lang muna kinulit.
Binuksan niya ang maliit na pinto, kinailangan pa naming yumuko pagpasok namin, tapos umupo kami agad kasi hindi kami kasya kapag nakatayo lang.
"Regalo ito saakin ng mama ko nung 10 years old ako. 11 years old naman ako nung umalis sila ni papa, iniwan nila kame ni Sam, si Sam naman 16 years old noon, kaya naiintindihan niya, ako naman akala ko iiwan na kami kaya dumiretso ako dito at umiyak. Ayoko kasing nakikita ako ni Sam na umiiyak eh, mapang-asar kasi siya."
Hmm. Speechless ako, hindi ko aakalaing madaldal din pala to at madrama ang storya niya. Pero natutuwa ako at nagkukwento siya. Hindi ko din alam kung bakt ako natutuwa eh, basta masaya akong nagkukuwento siya.
"Hindi madalas umuwi sila mama at papa, kaya madalas ako dito. Dito ako nagwawala pag galit ako, dito ako nagsusulat ng mga letters para sakanila. Espesyal ang bahay-bahayan na ito saakin, dahil dito ko iniyakan ang babaeng mahal ko... Noon." sabi niya
"Hmm, pwede ko bang malaman ang pangalan ng nanay ni Hugo? Siya naman yung tinutukoy mo dito diba?" tanong ko sakanya
Ngumiti siya. Ngiting malungkot. "Precious. Prei ang tawag ko sakanya. Hindi ko nga alam kung bakit pagkatapos ng gabing 'yon, bigla nalang kaming nawalan ng communication, tapos hindi ko na siya nakikita sa school namin. Nung mga panahong 'yon, balik ako ng balik sa bahay na ito, dito ako umiiyak, dito ko ininom lahat ng mag-isa." sabi niya pa.
"Hindi ko alam na madaldal ka din pala. Tingin ko mahal na mahal mo si Prei-"
"Precious."
"Ah oo, Precious nga pala.. Nagtataka ako kung bakit bigla kayong naging ganoon. Wag ka sanang magagalit ah, pero kaya ba parang hindi mo pinapahalagahan si L nang dahil kay Precious? Nang dahil sa nanay niya?" tanong ko.
Tiningnan niya lang ako, tapos binaling niya na ang mga mata niya sa bintana.
"Si L, hindi ko man siya tunay na anak pero alam mo pag nagkaanak ako gusto ko kamukha ni L, kaugali dahil mabait na bata si L at masunurin. Hindi naman siya pabigat. Ako nga na hindi siya tunay na kaano-ano eh binibigyan ko siya ng atensyon, hindi ba dapat ganon ka din?" sabi ko pa sakanya
Hindi nanaman niya ako sinagot. Nanatili lang siyang nakatulala sa bintana. Pero alam ko kahit nakatunganga lamang siya doon, naririnig niya ako. Alam kong naabsorb niya lahat ng sinabi ko. Sana naman may naitulong ako.
Matagal din kaming di nag-imikan, kaya nagsalita na ako.
"Hmm, galit ka ba? Sorry sinabi ko lang kasi-"
"Hindi ako galit. Minsan ba nagmahal kana?" tanong niya saakin
Anong klaseng tanong ba naman ito? Nakakagulat. Sa gulat ko, natawa nalang ako ng malakas. Tumigil ako sa kakatawa nung napansin kong di siya natutuwa sa reaksyon ko.
Napaubo naman ako. "Ehem, ah seryoso ka pala. Nagmahal na ako syempre naman, at hanggang ngayon nagmamahal pa rin ako. Hindi naman mawawala ang pagmamahal ko sakanila. Sa pamilya ko."
Nanlaki naman ang mga mata niya. "Ibig mong sabihin, may pamilya ka rin?" tanong niya saakin
"Meron naman talaga. Anong akala mo saakin?"
Pagkatapos ng kwentuhang iyon, sumakay na kami ng kotse, gusto niya na raw kasing umuwi tutal 7pm na rin.
Habang nagdadrive siya, bigla siyang naimik. "Talaga bang may pamilya kana? Hindi ba sila magagalit sayo kung inaasikaso mo ang ibang pamilya imbes na sila?" tanong niya pa saakin.
"Oo nga, may pamilya talaga ako. Kaso nauna na sila mama at papa eh, sila kuya na lang ang naiwan saakin"
Napatingin siya saakin saglit habang nagmamaneho pa din. "Akala ko naman sarili mong pamilya. Akala ko-"
Napa-iling na lang ako sakanya. "Nagmahal na ako, nagmahal ako ng totoo. Kaso siguro hindi niya talaga ako gusto eh, kaya hindi ko na pinilit. Sumuko na ako. Nasaktan na ako. Kaya sabi ko sa sarili ko? Isasarado ko muna ang puso ko, dahil ang mga taong nagmamahal ng sobra, sila yung nasasaktan sobra." pagkatapos huminto ang sasakyan, bumaba na ako at pumasok ng bahay.
51115
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)
HumorMommy For Hire (Lu-Yoon FF) By Lazy_Girl9 All Rights Reserved. No part of this story may be redistributed in any form or by any electronic or mechanical means without the permission of the author or writer. Any resemblance to actual persons, living...