Infinity
Pagkatapos ng isang linggong bakasyon kasama ang barkada ni Hugo. Sa wakas, nakauwi na rin kami! Namiss ko na talaga kasi ang bahay, si ate Sam at si L. Pagdating namin ni Hugo sa sala, naabutan namin si L at ate Sam na nanonood ng TV.
"Mommy, Daddy!" sigaw ni L saka kami nilapitan.
Niyakap naman niya si Hugo sa bandang binti. Lumuhod ako para maging ka-level ko si L at ginulo ang buhok niya.
"May ibibigay si mommy sayo."
"Talaga po?"
Tumango ako at inilabas ang teddy bear na pinagawa ko nung nagbakasyon kami. Nanlaki naman ang mga mata ni L at niyakap ang maliit na teddy bear.
"Wow! Tita Sam, look. Mommy bought me a teddy bear, isn't it cute?"
Nginitian naman siya ni ate Sam. "It is."
"Aakyat muna si mommy ha, magpapalit lang ako ng damit tapos babalikan kita, okay?" paalam ko kay L.
Tumango naman siya bilang sagot.
Samantha
Iniwan muna namin si L sa mga yaya. Niyaya ko si Hugo sa office room ko dito sa bahay dahil may gusto akong itanong sakanya. Marami. Madami ang gumugulo sa utak ko ngayon. Chos! Parang ako ang namomoblema ano? Psh.
"Ano nanaman ba, Sam?"
"Do you like her?" tanong ko sakanya
"Ano?"
"Do you like her?"
"Ano?"
"Isa, Hugo ha! Isang ulit na lang, tatapunan na kita ng pinakamalapit na bagay sa tabi ko. Do you like her?"
"Sam naman! Wala ka nang pake if I like her or not. If I like her, ano naman yun sayo? If I don't, then what?"
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)
HumorMommy For Hire (Lu-Yoon FF) By Lazy_Girl9 All Rights Reserved. No part of this story may be redistributed in any form or by any electronic or mechanical means without the permission of the author or writer. Any resemblance to actual persons, living...