Chapter 26: Resort Day 1

6.4K 128 2
                                    


/*3 days after the ceremony*/

Infinity

Tapos na ang ceremony namin, first honor si Steffie, second si (hindi kapani-paniwala, pero totoo) Hugo, third si Tyler. Ang gagaling nila diba? Ako, si Aumi, si Ark, Precious at Sky, hindi kami kasali sa honorable mentions pero masaya ako dahil nakapagtapos din sa wakas!

Guess what? Papunta kami ngayon sa Private Resort nila Aumi at Hugo, magpinsan sila kaya. Since si Aumi naman ang nakapag-isip ng ideyang ito, dito na lamang kami para di na rin magastos. Mag-iistay kami rito ng 3 nights and 4 days. Ang saya lang noh?

Hindi namin sinama si L, dahil sabi ni Hugo hindi raw makabubuti kay L kapag sumama siya sa mga baliw katulad ni Aumi at Ark, ang bad bad diba? Sinabihan pa niyang baliw ang kaibigan at ang pinsan niyang inosente ^_^*

"Ah manong paki-para po muna, may bibilhin lang akong mga ingredients dyan." sabi ko sa driver

Pumara naman ang driver sa tabi. BInuksan ko ang pinto at bumaba ng van. Pagbaba ko, bumaba rin si Hugo.. At Sky.

"Samahan na kita"

"Samahan na kita"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sakanilang dalawa. Pareho na nga sila ng sinabi, sabay pa. Weird? Awkward stage to. Ehem-ehem!!!

"Ako na" - Sky

"Ako na, tutal ako naman ang pinakagwapo sating dalawa. Maiwan ka na diyan" sabi ni Hugo sabay hawak sa kamay ko.

"Ako naunang magyaya" sagot naman ni Sky saka akmang hahawak din sana sa kamay nang biglang may sumingit--

"Ako na ang sasama kay Infinity." sabay hawak sakin ni Precious at tinanggal ang pagkakahawak ni Hugo saakin. Nginitian niya ako, kaya I did the same thing.

Pumasok na kami sa maliit na grocery store at tinulungan naman ako ni Precious na hanapin ang mga ingredients na kakailanganin ko. Hindi naman pala si Precious kagaya ng iniisip ko, o iniisip ng iba. She still have these good sides. Nakakatuwa naman at nagkakasundo na kami kahit papano. Pagkatapos namin ay sumakay na ulit kami ng van, nakita ko pang nagsamaan ng tingin si Hugo at Sky kaya napailing na lamang ako.

Pagkatapos ng dalawng oras ng byahe ay nakarating na rin kami sa private resort. Kaya nagsibabaan na kami ng van at kinuha ang kanya-kanya naming gamit.

Inangat ni Aumi ang shades niya saka ginawang parang headband. "Omygee! Pagpasenyahan niyo na itong resort namin at napakaganda, kasing-ganda ko. I am zo zorry." maarteng pabiro niyang sabi saamin.

Nagtawanan na lamang kami sa sinabi niya dahil maganda talaga ang resort, para siyang paradise. May beach at may pool. Tapos inilibot ko pa ang mata ko, may playground din, kapag dinala namin si L dito paniguradong nasa playground yun lagi.

Pumasok na kami sa cottage na bahay ang style, dahil nga mag-iistay kami nang matagal dito, dalawa lang ang rooms, apat ang bed sa loob.

"Since dalawa lang ang room ng cottage naten, sabay-sabay na kayong lahat sa isang kwarto, kami naman ni Infinity ang sabay sa kabila, lipat niyo na lamang ang mga natitirang bed." sabi ni Hugo at inakbayan ako.

Napatingin naman ako sakanya. "Ano? Ayoko. Boys and Girls na lang sa room, ano ka ba naman Hugo!" sabi ko sakanya

"Babe ang dumi ng isip mo, wala naman akong balak sayo" tatawa-tawang sinabi ni Hugo saakin. "Sige na nga, girls and boys na ang sabay. Psh!" dagdag pa niya.

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon