Infinity
Saturday ngayon at maraming gawaing bahay ang naiwan saakin. Naghanap kasi ng trabaho si kuya Kurt, yung dalawa kong kuya ayun nag-mall, "MAY BIBILHIN DAW SILANG IMPORTANTE", kahit wala naman. =_=
Kumuha ako ng walis, basahan, map at dust pan. Napag-isipan kong sa living room na lang ako magsisimula, ito kasi ang unang nakikita ng mga bisita kapag--
*ding dong
Oo may doorbell na kami, di gaya dati. ^_^
Hindi pa nga ako nakakapagsimula, may bisita na agad? Psh. Iniwan ko muna ang mga gamit at lumabas ng bahay para buksan ang gate--
"Sino yu--"
O___O
"Hugo?"
"A-Ah.."
"Napadaan ka?"
Paano niya nalaman ang address ko? Wala naman akong sinasabi sakanya ah.
Tumango siya, "Ah oo. Kasi ano eh, yung gamit ni L. Kulang kasi.."
"Hindi ako magnanakaw ah!" sigaw ko sakanya.
Anong akala niya? Tss. Konting gamit lang naman talaga ang dinala ni L nung nag-stay siya dito. Mahirap kami pero hindi magnanakaw. Aanhin ko naman ang gamit ni L diba?
"Wala akong sinabing ganon. Pwede ko bang tingnan sa loob?"
Sa loob?
Tumango ako, "Okay." pagkasabi ko nun ay pumasok siya at sinarhan ko ang gate.
Pagpasok niya, inilibot niya ang mata niya sa loob, parang nanlalait na kahit wala pang sinasabi. Tss, of course si Hugo yan, ganyan talaga ugali niyan.
"Hindi ko nilalait ang bahay niyo." nilingon niya ako,
"Wala akong sinabing ganon."
"Alam ko ang iniisip mo."
"Talaga? Pero hindi mo alam ang nararamdaman ko?"
Nagulat ako sa nasabi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong humirit ng ganon. OMG!
Napatakip ako ng bibig gamit ang dalawa kong kamay.
"Ah joke. Hehe. Nahanap mo na ba ang gamit ni L? Kasi naglilinis pa ako. Baka gusto mo nang umuwi." sabi ko sakanya
Tumango siya, "Okay na. Parang wala naman dito, baka naiwala niya lang." sabi ni Hugo.
Tinanguan ko rin siya, "Okay, paglabas mo pakisarado na lang ang gate ha? Baka pasukan kami ng magnanakaw eh." sabi ko sakanya at nagsimula nang maglinis ulit.
Hugo
Tch! Wow. Hindi man lang siya nagulat o natuwa nang makita ako. Nag-effort pa naman akong pumunta doon. Bagong bili ang suot ko di man lang niya napansin, bago rin ang perfume na ginamit ko di man lang niya naamoy, nagpa-dye rin ako ng buhok. Sheez. PAANONG DI NIYA NAPANSIN? BAGAY NAMAN SAAKIN ANG PAGKA-LIGHT BROWN NG BUHOK KO!!!!!!
"Daddy? Are you okay?"
"Hey."
"Saan ka po galing?"
"Ah sa labas lang."
"Ah sa labas po? With that new clothes and pair of shoes." tumango tango siya, para akong iniiscan ng anak ko, "You smell so good. And your hair? It suits you." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)
HumorMommy For Hire (Lu-Yoon FF) By Lazy_Girl9 All Rights Reserved. No part of this story may be redistributed in any form or by any electronic or mechanical means without the permission of the author or writer. Any resemblance to actual persons, living...