Chapter 9: Friendly Date

11.4K 248 8
                                    

Infinity

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magkaibigan na nga kami ni Hugo. Hindi na kami masyadong nag-aaway, hindi na kami masyadong nagsusungitan sa isa't-isa at higit sa lahat komportable na kami sa isa't-isa.

Naisip din kasi namin na para kay L naman itong ginagawa namin, so kailangan naming magcooperate.

Naglalakad lakad lang kami dito sa may park kung saan maraming mga booths at mga vendors. Hindi ko alam kung anong event ang mayroon ngayon.

Kasama kong naglalakad si Hugo. Si Steffie, Aumi, Tyler at Ark sigurado akong magkakasama sila dahil hindi namin makita ni Hugo, sinadya atang iwan kami ni Hugo. Tss.

Nagstop kami ni Hugo sa isang vendor, gumagawa sila ng keychains, bracelets, necklaces, yung mga binebenta sa mga typical tourist spots. May binibili ata si Hugo, napatingin naman ako doon sa isang bear na maliit. Biglang pumasok sa isip ko si L.

"Magkano pa ang teddy bear na iyan?" tanong ko sa babae.

"Etong maliit? 750 php lang po, free na po ang pagpapalagay ng name sa heart na hawak ng bear." sabi nung babae.

Napatango naman ako.

Gustong-gusto ko iyon bilhin para kay L. 800 na lang ang natitirang pera ko eh. Pero sige na nga, hindi na ako makapagpigil eh.

"Kukunin ko." sabi ko sa babae.

"Ano pong isusulat sa heart? Name lang po ba or statement?" tanong niya.

"Hmm, statement. Ilang words lang ba ang kasya?"

"5-7 words lang po."

"Oh okay. Pwede po bang magpadraw ng symbol?" tanong ko sakanya

Tumango siya at binigyan ako ng paper, isinulat ko sa paper ang gusto kong ipalagay sa teddy bear.

Mommy loves L. tapos may infinity symbol.

"May binili ka?" tanong saakin ni Hugo

Tumango ako. "Okay ka na? Mauna ka na lang ata, baka matatagalan pa ang pinagawa ko eh. Sige na." sabi ko sakanya

"No, it's okay. I can wait." sabi niya naman

Mabait na kaibigan, hindi ba? ^_^

Pagkatapos ng 15-20 minutes, binigay na saakin nung babae ang teddy bear at nilagay sa isang paper bag. Nagbayad na rin ako sakanya.

"Ano yan?" tanong saakin ni Hugo habang naglalakad kami pabalik sa bahay na nirentahan ni Ark dito.

"Ah, ito ba? Hmm, teddy bear."

"Nagustuhan mo? Bakit di mo sinabi saakin? Ako na sana ang bumili niyan para sayo, gumastos ka pa."

Umiling ako sakanya saka ngumiti. "Hindi naman to para sa akin eh." sabi ko pa sakanya.

***

Tahimik lang kaming kumakain ng breakfast namin. Wala ni isang nagsasalita. Wala akong kaalam alam sa nangyayari. Kung bakit kami tahimik, kung bakit hindi nagpapansinan ang lahat, at kung bakit hindi man lang ako nagtanong as kaibigan kong si Hugo. Naks ^_^ Makapag-"kaibigan kong si Hugo" naman ako. Masaya lang naman ako eh.

"Ehem ehem, ang init." biglang sabi ni Tyler

Hay salamat naman at may nagsalita na rin sa wakas! Hindi ko na kasi ma-take ang katahimikan eh, baka namatay na ako.

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon