Chapter 31: Unexpected

6.1K 138 20
                                    


Precious

Saturday ngayon, wala akong ginagawa kaya napag-isipan ko na lang magluto. Wala si Hugo dito, hindi ko alam kung pasaan siya. Nung tinanong ko naman, hindi ako sinagot nang maayos, ang sabi lang saakin wag ko raw siya sundan. Edi hindi nga.

"Ma'am may naghahanap po sa inyo. Nasa living room po." sabi nung yaya saka umalis na.

Bumaba naman ako saka pumunta sa living room.

O_O

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Sky na komportableng nakaupo sa sofa. Nakataas pa ang paa sa coffee table.

Lumapit ako saka hinampas ang paa niya. "Ibaba mo nga 'yan, bisita ka lang dito." sabi ko sakanya saka naupo sa tabi niya

"Psh. Bakit ka andito? May bahay naman kayo ah?" tanong niya saakin

"Gusto ko sila makasama." sagot ko sakanya

Pinikit niya ang mata niya saka nagcross-arms, akala mo kung sinong may-ari eh, "Yun ba talaga ang gusto mo? O baka naman nang dahil lang yan sa insecurity mo.."

"Ano? Hindi ako insecure kay Infinity!"

Tumingin siya saakin, parang hindi pa naniniwala, "Kung hindi ka naman pala insecure, bakit nagawa mo 'to?"

"Anong "ito" ka dyan? Ginagawa ko lang ang responsibilidad ko bilang mommy ni L."

"Pero hindi mo responsibilidad ang manira ng masayang relasyon."

"Ano ba? Pumunta ka rito para awayin ako?"

"Uuwi na ako." tumayo siya saka inayos ang sarili at naglakad na palabas.

Hindi ko na siya sinamahan. Napayuko na lamang ako saka umiling. Hindi ko dapat isipin ang mga sinabi ni Sky saakin. Gusto niya lang nalilito ako. Tss! Sky talaga!

Naalala ko, magluluto pala ako para kay L. Sigurado akong nagugutom na yung batang yun kakanood ng TV eh.

Hugo

Mag-si-six o'clock na. Putek! Ang tagal naman niya?! Hindi niya ba nabasa ang message ko? Psh! After leaving me without any word, now, she's ignoring me.

"Hugo?"

O_O

Shit. Bakit andito 'to?

Tumingala ako na parang hindi ko siya narinig o nakita man lang.

"Hugo?"

Tang*na. Kung minamalas ka nga naman oh! Makikita ka na lang sa park, mga kaibigan mo pa talagang mga kumag! =_= ><"

Tumayo na ako--

"Ep ep ep ep!!" hinila ako ni Aumi, hinarangan naman ako ni Ark.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong saakin ni Ark

"Tch. Ano bang pake mo? Ikaw ba nanay ko?"

"HAHAHAHAHAHA. Tama. Buti na lang yan ang sinagot mo kay Ark, he deserves a answer like that" sabi ni Aumi

"An answer, hindi a answer okay?"

"A answer, an answer. Same lang 'yon noh! Ang importante naintindihan mo"

"Tch, maiwan ko na kayo ha. Pag-awayan niyo na muna yang grammar niyo" sabi ko sakanila.

Hindi naman nila ako pinansin at nagpatuloy sa pag-aaway tungkol sa grammar. Mabuti na lang tanga yung dalawang 'yun, hindi na nila napansing nakalayo-layo na ako. Psh!

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon