Infinity
8pm na. Nakaramdam na ako ng sakit ng ulo nang dahil sa wine na iniinom namin, kumakatok na sa mata ko ang antok dala ng preskong hangin. Nakaupo lang ako sa isang log, katabi ko si Hugo, si Aumi naman nakahiga sa lap ni Steffie, magkatabi naman si Ark at Tyler.
"Inaantok na ako, lasing na ako." sabi ko pa
"Hinde hinde. Sabay sabay na tayong matulog." sabi pa ni Ark sabay higa sa lap ni Tyler. Tinulak siya ni Tyler. "Umayos ka nga." dagdag pa nito
"Tanga tanga mo, sabi mo sabay sabay na tayong matutulog tapos mauuna ka? Ano yan? Gagaya ka nanaman ba nung dati? Nangako ka sa isang babae eh, naaalala ko pa. Hahaha." tatawa tawang sabi ni Aumi, isa pa tong lasing na rin.
"No Aumi, you're drunk. Let's get inside. Tama na to" sabi pa ni Steffie tapos sinubukan niyang hilahin si Aumi pero di nagpahila. Hinila niya si Steffie at napabalik niya sa pagkakaupo.
Kinamot niya pa ang pisngi niya. "Nangako ka sa babae, walang mang- iiwan sa ating dalawa. At ako namang si eng-eng, naniniwala sa Highschool love. Tanginang love yan noh? Hahahaha.. Hahahaha.." napailing-iling siya. "Sino bang nag-imbento ng love? Sana nararanasan niya din ang nararanasan ng mga tao ngayon. Dahil—" nagsimula na siyang humikbi.
"Aumi, please stop. You're drunk. Ano ba!" pinapagalitan na ni Steffie si Aumi. Siya na lang ata ang di pa masyadong lasing saamin.
"Matagal na yun Aumi, di mo pa pala nakakalimutan." natatawang sabi ni Tyler
Umiling si Aumi. "Minsan ang mga bagay na nagdala ng sobrang sakit sayo, mahirap na kalimutan. Galos ko nga nung bata pa ako, hindi ko pa nakakalimutan. Eto pa kaya? Eto pa kayang andito sa loob?" tinuro niya ang right chest niya. "Andito yun eh, *sob* Dito naiwan yung sugat, na hanggang ngayon ay sariwa pa rin. Hahahaha" tumatawang sabi ni Aumi habang tumutulo ang mga luha.
"Okay, tama na Aumi. Halika na." this time hinila na talaga ni Steffie si Aumi papasok sa loob.
Naiwan akong mag isang babae. Si Ark tahimik lang na nakatulala sa dagat. Si Tyler naman nakatingin kay Ark.
"Hanggang ngayon nasasaktan ko pa rin pala siya? Akala ko wala na." sabi pa ni Ark.
Magsasalita pa sana ako pero tinikom ko na lang ang bibig ko nang biglang tumayo si Ark at pumasok na din.
Napalingon naman ako kay Tyler. "Ikaw ba? Wala ka bang karanasan sa pag-ibig?" tanong ko sakanya
Nginitian niya ako. "Wala pa." tipid na sagot niya.
"Wala pa? Ang gwapo gwapo mo kumpara sa iba diyan, wala ka pang karanasan sa pag-ibig?" tanong ko sakanya
"Nakakatawa ka naman." umiling siya habang nakangiti. "Alam mo Infinity, hindi porket gwapo/maganda ang isang tao eh lahat na sila may karanasan. Ako kasi, hindi ko gustong pumasok sa isang relasyon hangga't wala akong nararamdamang kakaiba sakanya."
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)
HumorMommy For Hire (Lu-Yoon FF) By Lazy_Girl9 All Rights Reserved. No part of this story may be redistributed in any form or by any electronic or mechanical means without the permission of the author or writer. Any resemblance to actual persons, living...