Precious
Wala pa ang dalawa na si Aumi at Steffie. Asan na kaya sila? Napatingin ako kay Infinity. Magkatabi kasi ang bed namin, natutulog na siya. Psh! Sarap ng buhay niya ah, patutulugin ni Hugo pagkatapos niyang malunod. Muntikan nga lang pala, di pa natuluyan.
Nilapitan ko siya, suot niya pa rin ang necklace. Sinubukan kong tanggalin, pero hindi siya maunlock, kailangan ng susi na kapares nito. Napatingin ako sa drawer na katapat ng kama namin. Binuksan ko yun at kumuha ng scissors. ^_^
Aumi
Tapos na kaming mag-usap-usap at inunahan ko na si Steffie kasi nasa kusina pa siya, umiinom ng tubig, kasama ang dalawang lalake. Sheez, di ko matatagalan yung isang ulol doon eh (referring to Ark).
Pagpasok ko, nakaupo si Precious sa tabi ni Infinity na natutulog na. Weird?
"A-anong ginagawa mo diyan?" tanong ko kay Precious.
Napalingon siya at halatang nagulat siya saakin. "Wa-wala. Nagsorry lang ako kay Infinity kahit tulog na." nakayukong sabi niya. "Nagalit ksi si Hugo saakin eh. Sige matutulog na ako" sabi niya saakin saka nahiga sa kama niya which is sa tabi ni Infinity.
Wow? Ano to? Magbestfriends na ba sila? My goodness! She's acting weird ha, I cannot take this kind of action. Tsarla nag-iingles ako. May tama na yata ako kahit di naman kami nag-wine or whatsoever.
Dahil sa pagod, nahiga na rin ako sa kama ko saka pinikit ang napakaganda kong mata sa tulong ng aking napakahaba at napa-curl na eyelashes na matatalbugan na si Minnie mouse sa sobrang paggamit ko ng eyelash curler. Pft! Makatulog na nga lang kasi tomorrow will be a very very very another day.
Infinity
6:00 AM.
Bumangon ako, ako palang ang gising sakanila. Unahan ko na lang sila sa CR, dahil matagal talaga maligo si Aumi, ako na mag-aadjust para sakanya. Kinuha ko na ang towel at toothbrush ko at dinala sa CR.
Pagpasok ko, naghilamos muna ako ng mukha saka nagtoothbrush. Habang nagtotoothbrush ako napahawak ako sa leeg ko. Wala yung necklace ko? Saan ko nilagay? Pero di yun natatanggal ng basta eh kasi may susi yun na na kay Hugo. Nahulog ba? Baka nasira dahil muntikan na akong malunod kagabi.
Dali-dali akong naligo at nagbihis pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko ay bumaba na ako saka dumiretso sa pool. Sabi ni Hugo sa 8ft raw ako nahulog kaya naman tumakbo ako sa gilid saka naupo, pero di ko nilubog ang sarili ko dahil di nga ako marunong lumangoy.
"Kyaaah!" napasigaw ako at pumikit
Nilingon ko yung nasa likod ko. Si Sky pala. Tinulak niya ako pero di niya ako binitawan, parang biro lang pero nagulat ako doon. Ayoko nang malunod ulit ng muntikan. Hindi na ako nag-eenjoy.
"Ikaw pala. Nagulat ako." sabi ko sakanya
"Pag ba si Hugo ako, di ka magugulat? Matutuwa ka?" tanong niya
Napaiwas naman ako ng tingin. Why you do this Sky? Huhuhu T_T
"Anong hinahanap mo? Shades pa rin ba? Nakuha na ni Hugo, binalik niya na kay Precious." sabi saakin ni Sky saka ako tinabihan at ginaya ang pagkakaupo ko.
Umiling ako sakanya. "Hindi. Hinahanap ko yung necklace ko. Kasi pag gising ko kanina, wala na siya. Eh di ko naman yun natatanggal dahil isang susi lang ang makakapag-unlock doon" sabi ko sakanya
"Oh I see. Ang susi na kay Hugo, right?"
Di ko mapigilang malungkot. "Sabi niya saakin, tatanggalin ko lang pag nawala na ang feelings ko sakanya." sabi ko kay Sky.
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)
HumorMommy For Hire (Lu-Yoon FF) By Lazy_Girl9 All Rights Reserved. No part of this story may be redistributed in any form or by any electronic or mechanical means without the permission of the author or writer. Any resemblance to actual persons, living...