Chapter 21: Stay

7.2K 171 2
                                    


Infinity

Narito kami ni Hugo sa may table na malapit sa puno, nasa park pa rin kami. Mabuti naman at medyo nakikita pa namin si L at Precious na nag-uusap. Ano na kaya ang pinag-uusapan nila? Hay. Masaya naman ako para kay L dahil nakilala niya na ang nanay niya. Pero... Pero hindi ko maidedeny na may parte sa nararamdaman ko ang lungkot, dahil baka.. I mean, dahil sigurado akong hindi na ako kakailanganin ni L.

"Infinity.."

Bigla naman akong kinabahan ng marinig ko ang pangalan ko galing kay Hugo. Napatingin ako sakaniya at inayos ang pagkakaupo ko at ang itsura ko.

"Infinity--"

"Ah oo okay na Hugo, hindi mo na kailangang sabihin sa akin. Alam ko naman ang posisyon ko eh. Alam ko naman ang lugar ko. Masaya ako na naipakilala mo na si Precious kay L. 'Yan naman talaga ang hinihintay natin diba? 'Yan naman talaga ang hinihintay niyo, ang pinakahinihintay mo ang balikan kayo ni Precious. Sa totoo lang, aalis na nga ako mamaya. Uuwi na ako saamin kasi--" naputol ang pananalita ko nang magsalita si Hugo.

"Hindi ka aalis." sabi niya

Kumunot naman ang noo ko. Nabibingi ba ako? "Hindi?" ulit ko.

Umiling siya. "No, you'll stay." sabi niya

"Pe--pero Hugo andiyan na si Precious. Magiging okay na ang lahat. Magiging..." huminga ako nang malalim saka bumuntong hininga. "Magiging masaya na kayo." sabi ko sakanya.

"Let me ask you a question, Infinity. Kung alam mo nga, ano ang posisyon mo?" tanong niya saakin.

Napalunok naman ako. "Posisyon ko? A--ah, hired mommy ni L." sabi ko saka napayuko.

"Hired? Kahit kailan ba hindi mo minahal ang trabaho mo? Trabaho lang ba talaga 'to para sayo? Is everything still about pretending,Infinity? Nakalimutan mo na ata na you are my girlfriend, you told me you love me." sabi niya saakin

Nakayuko pa rin ako. Gustong-gusto nang tumulo ng luha ko, pero pinipigilan ko sa abot na makakaya ko dahil ayoko namang isipin ni Hugo na masyado akong dramatic.

"Iyon nga ang problema, Hugo. Alam ko sa sarili ko na trabaho lang ang lahat ng 'to. Paniniwalaan lang natin ang parents mo na may nanay si L. Itong pinasukan ko, para lang 'to sa benefits mo. Pero minahal ko ang trabaho ko, pati na ikaw at lalong-lalo na si L. Masyado na akong nahulog sa trabaho ko. Lahat ng sinasabi at ginagawa ko, I mean it." sabi ko sakanya.

"You love me, right?"

Tumango ako bilang sagot.

"I love you. Do you believe me?"

Napatingin na ako kay Hugo at biglang tumulo ang luha ko. Hindi ako sumagot.

"If you love me, if you love L, then don't leave. Alam mo ang posisyon mo sa buhay namin, you are my girlfriend, you are L's mom."

"Pero si Precious.." sabi ko

"Si Precious ang totoong mommy ni L, but it can't change the fact na ikaw ang naging tunay na mommy ni L."

Napangiti ako sa sinabi ni Hugo ngunit patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Hugo, well, oo pinaramdam niya naman saakin ang halaga ko pero hindi ko aakalain na hindi nagbago ang isip niya sa mga pangyayari ngayon lalo na't andito na si Precious ngayon.

Precious

Kasama ko si L ngayon. Sinabi ko lahat sakanya, nag-explain ako nang maayos. Hindi naman sya nagalit saakin, kaso marami siyang tinatanong saakin na minsa'y nagdadalawang-isip akong sagutin iyon. Nakaupo na lamang kami ni L dito sa swing. Mula rito, nakikita ko si Hugo at Infinity, yakap-yakap ni Hugo si Infinity.

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon