"JAN MAY NAGHAHANAP SAYOOOOO!!!" dahil sa malakas na sigaw na iyon mula kay Willow, agad akong bumangon, dahilan para mahulog sa kama. "Aray! Tangina naman eh!" mahina kong singhal bago tumayo at sinilip ang mapayapang pagtulog ni Eight sa kama.
Buti na lang ay hindi siya nagising, dahan-dahan akong tumayo habang hawak ang aking balakang. Ang aga-aga, linggo ngayon at walang pasok kaya inaasahan kong makakapagpahinga ako ng buong araw.
"Ano ba yon? Ang aga-aga!" sambit ko pagbukas ko ng pinto, unang nasilayan ko sa paglabas ko ng kwarto ay ang nakabukas na pinto ng apartment habang nakatayo doon si Willow at isang malaking teddy bear.
Pumupungas-pungas akong lumapit dito, at nga tuluyan ko itong makita, doon ko lang na realize na delivery nanaman ito ng basura. "Good morning Ma'am, ikaw ho ba si Miss. Rivera? Para ho sa inyo" sambit ng delivery man, halos hindi ko na siya makita dahil sa laki ng teddy bear na hawak niya.
Pasinghal akong umiling bago ito kinuha mula sa kanya at ibinigay kay Willow, "Sayo na lang, at ikaw sabihin mo sa amo mo na, hindi ko kailangan ng mga yan, at hindi niya ako makukuha sa mga materyal na bagay!!! Salamat!" walang galang ko itong pinagsarhan ng pinto, bago bumalik sa aking kwarto.
"Grabe naman ata yon Jan, at isa pa anong gusto mong gawin ko dito?" sumunod sa kwarto si Willow dala-dala ang teddy bear na iyon kaya hindi ko maiwasang umirap bago magsalita. "Itapon mo, sunugin mo" I said and lay back on my bed.
Niyakap ko ang aking anak at muling umidlip, halos ilang araw na ang lumilipas at hindi pa rin ako tinitigilan ni Ash sa mga kalokohan niya. Kung ano-anong bagay ang pinabibili niya para ibigay sa akin, sa pagaakalang madadaan niya ako sa ganon, para mapatawad ko siya sa mga pinagsasabi niya.
Kinakain siya ng konsensya niya kaya niya ito nagagawa, at ito lang ang masasabi ko, maubos sana siya ng konsensya niya dahil hindi ko siya mapapatawad.
"Ma, wake up, it's lunch time" naalimpingatan ako ng maramdaman ko ang maliit na palad ni Eight sa aking pisngi, at ng imulat ko ang aking mga mata, ang bagong ligong Eight ang aking nasilayan.
Agad akong napangiti ng makita ang malaanghel nitong mukha, "Ma, Tita Willow is already outside preparing lunch, and Tita Seah also" he whispers and fix his glasses, imbis na sumagot, niyakap ko siya pahiga sa akin at pinaghahalikan sa pisngi.
"Ayaw ko na atang pumasok bukas sa trabaho, dito na lang ata ako sa tabi ni Eight" bulong ko sa kanya, "You can't do that Ma, if you jobless, we would not be able to eat and pay bills" matalino nitong sambit kaya natawa ako.
"Opo hindi na po, tara na ho sa labas manong maliit" sambit ko at binuhat siya palabas ng kwarto, habang tumatagal at lumilipas ang araw, bumubugat at lumalaki na si Eight. Lumalaki na ang anak ko.
Paglabas ng kwarto at pagpunta sa dining table, agad kumunot ang aking mukha ng makita na puno ang japanese food ang lamesa namin. "Saan galing yan?" tanong ko habang ibinababa si Eight sa kanyang upuan. Pagkababa niya agad siyang kumuha ng onigiri.
"Hmmmm, yum" he uttered, "Libre mo ito Seah?" tinapik ko ang balikat ni Seah pero ang gaga nakatulala lang at tila wala sa mundong ito. "Hindi, padala ito ng manliligaw mo" malokong sagot ni Willow kaya agad hindi gumanda ang timpla ng aking mukha.
"AY! WAG MONG KAININ YAN EIGHT!" mabilis kong sambit at sinubukan agawin ang kinakain nitong onigiri. "No, ma" he said, stood up and hid behind Willow's back. "Akin na sabi yan eh" pilit kong sambit at hinabol siya, pero ayaw magpahuli, naghabulan kami ng paikot-ikot sa lamesa para lang sa pagkain na iyon.

BINABASA MO ANG
His Beastful Ways
ChickLitOne day there is a man standing alone with 5 girls, and all 5 girls are telling him how handsome and powerful he is, how amazing he is and they're offering him with drinks and other stuff, treating him like gold. Then all of a sudden in walks the 6t...