"Thank you, Ma'am, Sir" the flight attendant said as we arrived in Manila. Buong byahe ay wala akong ibang ginawa kung hindi makipagkwentuhan kay Kysler, sobrang saya niya kakwentuhan, hindi kagaya ng iba dyan.
Sabay-sabay kaming tumuloy palabas ng airport ng hindi pa rin nagsasalita si Ash, nauna pa siyang maglakad sa amin, "I'll stop here, my service will be here in a minute, you guys should go ahead" sambit niya kaya nginitian ko siya, "Ok" Ash said and head straight to his car.
"Kita na lang tayo sa kumpanya Kysler" I said, "sure thing" sagot niya at niyakap ako bago tuluyang humiwalay ng daan, naiwan akong nakatulala dahil sa yakap an iyon.
"Are you coming or not!!!" napalingon ako ng umepal na naman si Ash, ang ganda na nag moment ko eh! Lumapit ako sa kanya habang naglalagay siya ng mga maleta sa trunk ng sasakyan.
"Hmm" I said and handed him my bag but he just looked at me and walked past me, leaving me with my bags. Wala akong choice kung hindi buhatin ang bag ko at ako mismo ang naglagay nito sa trunk, dahil walang dugo ng pagka gentleman sa katawan ang demonyong 'yon.
Sumakay ako ng sasakyan at padabog na sinara ang pinto. Pinagkrus ko ang aking braso sa aking dibdib bago umandar ang sasakyan.
Habang nasa byahe nagulat kami ni manong driver ng biglang nagprisinta si Ash na siya na lang mag drive, pinauwi niya na ang driver niya at pinasakay ako sa passenger seat. Habang nasa byahe nanatili akong tahimik at nakatingin sa bintana ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Agad akong napangiti ng makita ang text ni Kysler,
From 09*********
Hi Jan, this is Kysler, save my number please.
Hindi ko mapigilang ngumiti habang sinasave ang number niya pero, "AY!!!!" napasigaw ako ng muntikan nang sumubsob ang mukha ko sa windshield ng sasakyan sa biglaang pagpreno ni Ash.
"ANO YON! BAKIT KA BIGLANG HUMINTO?" hindi makapaniwala kong tanong, parang tumalon ang puso ko sa kaba dahil doon. Hanapin ko muna, napunta ata sa paa ko.
"Nothing, I just want to" he seriously said, ano to' joke! "Sira ka ba? Papatayin mo ba ako ah?!" hindi ko mapigilang makaramdam ng galit dahil, delikado ang ginawa niya, paano na lang kung may sasakyan sa likuran namin edi nadisgrasya kami! Uuwi na nga lang mamamatay pa ako.
Hindi siya umimik ka mas lalo akong nainis, "Alam mo kanina ka pa eh! Ano ba talagang problema mo!" I ask and remove the seatbelt to face him properly.
"Nothi---" hindi ko siya pinatapos, "Hindi eh! Kanina ka pa eh! Sabihin mo anong problema mo hindi yung kung ano-anong ginagawa mo na ikakapahamak ko!"
"You are the problem here!" Suddenly his voice rose up, and when he faced me he was glaring at me. "Anong ako?!!" sigaw ko pabalik.
"YOU! YOU ARE FUCKING FLIRTING WITH KYSLER RIGHT IN FRONT OF ME!!" ano! Natigilan ako dahil sa sinabi niya at sinubukan magsink in agad ito sa aking utak.
Ako nakikipaglandian? Yon' ba ang issue niya! "ANONG SINASABI MO! HINDI AKO NAKIKIPAGLANDIAN KAY KYSLER!!!" I said and hit the window out of irritation.
"YES, YOU ARE!" pagpipilitan niya, "HINDI SABI EH! BAKIT MO BA AKO PINAGBIBINTANGAN SA MGA BAGAY NA HINDI KO GINAGAWA!"
"I WOULD NOT BE LIKE THIS IF YOU'RE NOT DOING IT JAN! I BRING YOU WITH ME BECAUSE OF WORK, NOT BECAUSE I WANT TO FLIRT AND CAUSE ME A MULTIPLE AMOUNT OF TROUBLES!!!" galit na sambit niya, hindi ko maintindihan kung saan lahat nanggagaling ang galit niya sa akin ngayon.

BINABASA MO ANG
His Beastful Ways
ChickLitOne day there is a man standing alone with 5 girls, and all 5 girls are telling him how handsome and powerful he is, how amazing he is and they're offering him with drinks and other stuff, treating him like gold. Then all of a sudden in walks the 6t...