Chapter 23

9.2K 297 62
                                        




Seah's POV


"Kanina pa yan ganyan, mukhang malala na talaga siya" rinig ko'ng bulong ni Gorge habang tahimik akong kumakain dito sa cafeteria kasama sila. "Sabihin mo nga, may matino bang tao ang nakasuot ng sungglass sa loob ng hospital? At isa pa hapon na pababa na yong araw"

Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago sila tiningnan, "Naririnig ko kayo" walang gana kong sambit, agad nila akong nilapitan at hinawakan ang aking noo. "May lagnat ka ba? Ano ba kasing nangyari sa mat----AYYYYYY" sinubukan nilang tanggalin ang suot kong sungglass at agad din nilang binalik ng makita ang maga ko'ng mga mata.

"Anong nangyari sis, grabe mukha kang bullfrog sa mga mata mo!" nandidiring sambit ni Gorge habang hawak ang aking braso, I just sigh and try to control my tears again.

"Dalhin kana ba namin sa mental?" walang gana akong umiling sa kanilang ideya bago sila hinarap at bagsak balikat nagsalita. "May mahal na iba yong future ko" nagsimula muli akong suminghot ng sipon dahil nagbabadya nanaman ang aking mga luha, tangina!

"Wala na tayong mmagagawa dyan, magmove on kana lang hindi naman talaga kayo bagay ni Doc. Lynus" mahinang sambit ni Gorge kaya hinalikan niya ang palad ko, "Wow ah, thank you sobrang galing mo'ng mag comfort ng tao grrr" sabay hila sa kanyang buhok.

"Aray bakla!! Nagsasabi lang naman ako ng totoo, tyaka ang layo ng agawat niyo ni Doc. kung ako sayo maghanap ka nalang ng bago Doctor na malapit-lapit sa edad natin, ayon! Kagaya non," napalingon kami ng may ituro siya sa aming likuran, isang Doctor na hindi familiar sa akin. May bagong doctor ba dito?

"Kaninang umaga lang siya dumating dito, intern doctor, malapit nang matapos ang internship niya at alam niyo ba kasing edad lang natin siya mga bakla, ang pangalan niya ay Doc. Rafael Yris Cornel, 25 years old galing USA. nag iisang anak ng Cornel, ang mga magulang niya ang isa sa may-ari ng share ng hospital na ito kaya gora na tayo dito" kunot-noo ko siyang tiningnan bago hinarap si Gorge, "Paano mo nalaman ang lahat ng iyon?"

"Ahhehee, nagresearch ako, alam niyo naman, basta papa alam ko" dahan-dahan ko'ng sinulyapan ang Doctor na tinutukoy niya, Cornel. Mukha ngang pangmayam.

Habang pinagmamasdan ito, halos mahulog ang panga ko ng lumingon ito sa pwesto namin, ngmuti at dahan-dahang lumapit sa aming table. Hindi ko napigilang kagatin ang aking labi ng bigla akong makaramdam ng malakas na pakurot sa aking hita, galing kay Gorge.

Nakatulala ko siyang pinanood, hanggang sa tumayo sa aming harapan habang hawak ang pineapple juice na inorder. He smiled at me and I flinched when he tapped my head with his free hand, leaned down and moved closer to my face.

Narinig ko ang pagsinghap nila Gorge sa aking tabi at ang paghigpit ng kurot nito sa aking hita. "What's your name?" tanong nito sa akin, nararamdaman ko ang paghinga nito sa aking balat at hindi ko mapagkakaila na napakabango ng hininga nito, mas mabango pa ata sa buong pagkatao ko.

"S-seah" mahina kong sambit, he grinned, held my chin and wiped the side of my lips. Narinig ko ang sigawan ng ibang nurse sa paligid ng gawin niya iyon, kaya agad akong lumayo.

"Nurse Seah..?" He was asking for my surname, with that charming smile. Hindi ko nagawang sumagot pero itong katabi ko, masyadong epal. "Nurse Chelseah Eunice Rivera Doc" sagot ni Gorge.

This guy in front of me slowly nodded before he touched my sunglasses and lifted it up enough for him to see a glimpse of my whole face. Ibinalik niya ito matapos akong tiningnan at ginulo ang aking maayos na buhok. "I like your style; I'm looking forward to working with you" he said and winked at me.

His Beastful WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon