Chapter 4

9.3K 335 29
                                    




 "Ahh, tapos na din" itinaas ko ang aking dalawang braso sa aking pagtayo, bago nagunat-unat ng aking katawan. Pakiramdam ko sobrang nangalay ang aking likuran kaya hindi maiwasan ang pagtunog ng aking mga buto sa likuran.

Dahil doon nagunat pa ako ng konti, at nakaramdam na rin ng antok at pagod. I yawn and continue moving my body, when he suddenly steps out of his office, the reason for me to be stiff and left with this awkward position.

I mean, this is an awkward position, I was bending down my back a bit with both of my arms up high. Also, my hair is so messy co'z I scratched it while finishing the files. Nang marealize ko na ang haihiyan ng itsura ko sa kanyang harapan, agad akong tumayo at inayos ang aking sarili.

"Ahm...t-the files are done Sir" I said, he just waited for me to hand him the files and nodded which is a bit weird, "Don't be late tomorrow" that's just what he said before he left the place.

"Ganon lang yon'? Walang pa thank you Jan ang galing mo natapos mo ng isang araw ang trabaho na dapat ay isang linggong proseso, wow" sambit ko at tila umaakting na siya at pasimpleng ginagaya ang boses niya.

"Hay" pabagsak akong umupo sa swivel chair ko at nagpahinga saglit bago inayos ng mga papeles na nakakalat at sinigurong sarado ang office at tuluyang umuwi ng bahay.

"Manong para" sambit ko pero puta, hindi tumitigil yung driver ng jeep. "MANONG PARA HO!" sigaw ko at nagsimula na rin magsalita ang ibang pasahero para sa akin, "Ay!" sambit ng driver at doon lamang tumigil. Tangina isang kanto ang layo ng itinigil niya sa bahay namin, ang galing.

"Salamat manong, bili ho kayo ng cotton bonds minsan para naririnig niyo ho yong pasahero" sambit ko bago bumaba ng jeep, kaya nga ako ng Jeep para hindi maglakad pauwi pero maglalakad rin pala ako.

Habang naglalakad may dalawang lalakeng nagpapaswit sa akin kaya tumigil ako at tiningnan sila. "Shhhht shhhht" pagsabay ko sa ginagawa nila kaya natigilan sila at tinignan ako.

"Saya mang bastos at maging isang walang kwentang tao sa ekonomiya? Ano inom-inom lang kayo dyan, palamunin sa bahay at nangbabastos pa ng kapwa tao? Anong mangyayayari sa inyo nyan? Lakas nyong mangbastos eh nakaasa pa rin naman kayo sa pera ng nanay nyo, hoy magtrabaho kaso hindi yong palamunin at manyak kayo dito sa kalsada" I said and rolled my eyes on them, "Aba loko toh ah" tumayo ang isa sa kanila habang may dalang baso ng beer at bago pa ito makapalit sa akin, isang malakas na sapak ang kanyang na tanggap.

"Mamili ka ng babastusin mo" I uttered before I watch him getting carried by his friend, "Tss, pabigat sa bayan" bulong ko bago nagpatuloy sa paglalakad at tumigil sa isang karinderya na malapit sa bahay.

"Isang sisig nga po nay, tapos isang pirasong fried chicken" sigurado akong nagsusulat pa rin hanggang ngayon si Willow kaya bibili na lang ako ng lutong ulam, dahil hindi ko na rin kayang magluto sa pagod.

"40 plus 65, 105 lahat" sambit ni Nanay at inabot sa akin ang supot ng binili ko, "Nay 100 na lang ho sige na" malambing kong sambit, "Nako, sige na nga" sagot ni Nanay at kinuha ang bayad kong 100 bago nag-asikaso ng ibang bumibili, I smile and smell the food I bought before I cheerfully walk through our apartment.

Binuksan ko ang pinto, at gaya ng inaasahan ko nakapatay ang ilaw at tila tahimik dito sa salas, ang nagsisilibong ilaw lamang na meron dito ay ang ilaw mula sa aming silid, pagpasok ko sa kwarto naabutan kong nagsasagot ng homework si Eight habang si Willow ay tahimik na nagsusulat sa kabilang side ng kwarto.

"Eight hello nak" I said and walked toward him while removing my shirt. I kissed his forehead while he's still focused on his homework. "Welcome home ma" he uttered and continued writing. I smile and mess with his hair a little bit before I sit beside Willow and read what she's writing.

His Beastful WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon