Chapter 10

8.9K 296 34
                                    



"Good morning!" I whisper to myself as I open my eyes in a bright touch of sunrise. Ngayon lang ulit ako gumising ng mag sinag na ng araw, I miss this.

Umupo ako mula sa kama at tiningnan ang kanina pa vibrate ng vibrate kong phone. As I check it, puno na ito ng miss call mula kay Ash, that makes me smile devilishly before I stretch my arms up, with a bright smile.

Tumayo ako ng may ngiti sa labi, aasarin ko pa siya lalo, at tingnan natin kung sino ang unang susuko sa aming dalawa. I take a shower and really take my time inside, naligo ang ng mabuti, I also dance while scrubbing some part of my body.

Then after that I also take time on choosing clothes to wear in this beautiful morning I have. I decided to wear a simple white blouse and top it with navy blue cardigan, jeans and white converse.

"La la la la laaaa" I was humming a music in my mind while dressing up, lumabas ako ng kwarto at naabutan si Eight na kumakain ng almusal kasama si Willow. "Good morning sa na pa ka gwapo kong anak" masigla kong sambit, kunot noo akong tiningnan ni Eight dahil doon, umupo ako sa tabi niya na panay ang tingin niya sa akin.

"Ang ganda ng araw ngayon noh" I said, Willow just nodded at me and continue eating, I feel so happy, knowing that I'm pissing somebody off.

"Ma, are you ok?" Eight ask me and reach for my forehead, tila parang tiningnan kung may lagnat ako kaya natawa ako, "Ok lang ako, bakit naman hindi magiging ok ni Mama" mas lalong kumunot ang noo niya dahil sa sagot ko.

"Yeah, you're definitely sick" he whispers and resume eating, tumawa na lang ako at patuloy na pinakiramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko sa aking bulsa, naiisip ko na agad ang itsura ni Ash habang tinatawagan ako.

And that makes me even happier. Today I chose to play with his games. Kung ganito maglaro ang bagong Ashton Lynx Del Mundo pwes, makipaglaro siya sa dating Jan na nakilala niya.

Dahil marami pa akong time inisin si Ash naisipan kong ako na lang ang maghatid kay Eight sa school, dahil sobrang dami kong time.

"Aren't you going to be late for work Ma?" tanong ni Eight sa akin habang nasa loob kami ng tricycle papunta sa school niya, ngumiti ako ng malawak at hinarap siya, "Hindi nak, sobrang bait ng boss ni mama kaya kahit anong oras ako pumasok" sa sobrang bait niya parang hihilingin mong kunin na ni san pedro.

Eight just nodded at me and as we arrived in front of his school gate, nagbayad ako sa trike at lumuhod para pantayan siya, "Mag-aral mabuti ah" sambit ko, inayos ko ang kwelyo niya. "Yes Ma," he uttered and kissed me on the cheeks.

"Ewwwww si August tignan nyo kinikiss niya ang mommy niya" napalingon kami ng may ilang student kagaya ni Eight ang nagtawanan, tatayo na sana ako para pagalitan sila ng pigilan ako ni Eight, "I can do this Ma" he whispers and walk towards those kids.

"Yes, I kiss my mom because I love her and she never let me down, kissing her is the only thing I can do for now to pay all her hard work, bet you can't do that to your mom Josh because all you know is to bully others with your small brain, I feel bad for you" hindi ko alam kung anong uunahin kong maramdaman, kung yong kilig ba na sinabi ng anak ko o yong pagkamangha sa kalmado niyang pagsasalita.

"IKAW!" agad akong tumayo ng ambahan ng suntok nong Josh na iyon si Eight, "HOY!" I shouted at him making him stop and look at me. Lumapit ako sa kanya at tiningnan siya ng masama. '

"Subukan mong saktan ang anak ko, makikita mo ang hinahanap mo, sa oras na malaman kong dumikit ang palad na ito sa anak ko puputulin ko ito" hinawakan ko ng medyo mahigpit ang kamay ng batang ito upang matakot at tumatalab naman.

His Beastful WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon