Chapter 14

8.7K 294 63
                                    




Willow's POV


"Oh, bakit nandyan ka pa? Don't tell me hindi ka natulog?" Seah ask me as she step out of her room while fixing her hair, tama sila ni Jan, wala akong tulog, hindi ko alam biglang nagsilabasan lahat ng scene's na gusto kong isulat simula kagabi.

Hindi ko alam kung bakit, pero isa lang ang alam ko tapos ko na ang part 3 ng story ko, "Done" I uttered as I finally save it and move it into my USB. nagunat-unat ako dahil sa grabeng ngalay ang aking nararamdaman tila namamanhid ang likod ko.

"Sabi ko nga hindi ka na tulog, patingin nga" kinuha niya ang laptop ko at binuksan ang sinulat ko, binasa niya ito saglit habang kumakain ng pandesal. Napatingin ako sa orasan at hindi makapaniwalang magaalasais na pala ng umaga, talaga palang wala akong tulog, at hindi pa ako pwedeng matulog dahil ihahatid ko si Eight sa school.

"Wow, ang ganda ng ending gurl, kinilig ako bakit ganyan ka, saan mo galing ang utak na yan, pahirap nga" sambit ni Seah ng ibalik sa akin ang aking laptop, I smile at her and ask, "Ok ba?" mabilis siyang tumango sa tanong ko kaya nakahinga ako ng maayos.

"Umalis na ba si Jan?"

"Oo, kanina pa nagulat nga ako ang aga niya umalis, sabi may meeting daw sila ni Ash sa Baguio, baka nga hindi umuwi ngayong gabi yon" I said, stand up walk through the kitchen to prepare Eight's lunch box.

"Baguio? Baka naman masundan na si Eight n'yan ah" malokong sambit ni Seah kaya hindi ko napigilang tumawa, "Sira ka baka marinig ka" bulong ko, tinakpan niya ang kanyang bibig pero tumatawa pa rin siya.

"Sige na nga, papasok na ako ingat kayo dito ni Eight, hinihintay na ako ng future ko eh" kinuha niya ang susi ng scooter niya bago tuluyang umalis ng apartment, naiwan akong mag-isa dito sa kusina.

Nagluto lang ako hanggang sa tuluyan nang sumikat ang araw at lumabas si Eight sa kanilang kwarto na nakasuot na ng kanyang uniform at mukhang bagong ligo. "Oh? Bakit ganyan itsura mo hahaha" natatawa kong sambit ng lapitan niya ako, magulo ang pagkakatali niya sa neck tie niya kaya mas lalong nag mukhang cute siya, lumuhod ako upang ayusin ito at pati na rin ang buhok niya.

"Naligo ka mag-isa mo? Kanina ka pa ba gising?" I ask, I also arranged some of these shirt's button dahil mali-mali ang pagkakabotones nito, it's cute that Eight tried to stand one on his own, he's really growing up well.

"I wanna show you guys that I can do it na Tita, but I think I need to study a little more about the progress on fixing a necktie, I'll just read something about it" he said and fixed his glasses, I chuckled and pinched his cheeks. "Ok, before you would study about how to fix a necktie, you should eat first" I said and gently pushed him toward the dining chair.

We both eat together and I just take a quick shower before I we both head to his school, pero pagbaba namin ng tricycle kunot noo kong nilapitan ang guard at sinabi, "Manong bakit wala hong estudyante?" tanong ko.

"Nako ma'am nagkaroon po ng emergency seminars ang mga guro natin kaya nagbalita ho na walang pasok ang mga estudyante" tiningnan ko si Eight dahil doon, he just arched his shoulder.

He also didn't know anything about it,

"Wala ho kasi kaming natanggap na text, pero sige ho, mauna na ho kami" hinawakan ko ang kamay ni Eight at muling nag tawag ng tricycle. "Punta na lang tayo sa Publishing House, sayang naman ligo natin kung uuwi agad tayo sa bahay, ipapasa ko lang itong manuscript ko ok" I said.

"Ok Tita" Eight said, sumakay kami ng Tricycle at dumiretso sa building ng publishing house, at pagpasok pa lang namin sa loob inaasahan ko na ang reaksyon ng ibang staff. "Oyy, nandito na naman si Pogi" ani ng isang editor dito.

His Beastful WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon