Natapos na rin sa wakas ang paggagamot sa kaniya ni Aaron. Nasa kusina silang lahat at isinalaysay ni Frederick sa kanila ang natuklasan. Sinabi na rin niya ang nabuo niyang plano para malaman kung sino ang mastermind sa likod ng robbery.
"Aray ko!" Hindi pa rin siya makaupo nang maayos sa upuan. Naiipit ang sugat niya. Napagdesisyunan niya na tumayo na lang.
"Hindi pa rin ako makapaniwalang kasabwat si Mauro," sabi ni Rica at napailing.
"Kayo palang dalawa?" Sa halip ay iyon ang tinanong ni Frederick na tumingin kina Rica at Aaron.
Pinagbabawal ang magkaroon ng relasyon ang dalawang co-workers sa parehong facilities. Sina Brandon at Kassie ay exempted sa rules dahil hindi naman sila co-workers. Nagtratrabaho si Kassie sa mortuary ng ospital, samantalang si Brandon ay doktor sa medical facilities exclusive for children.
"Syempre tinatago namin sa trabaho dahil bawal, pero sa labas wala namang dapat itago e," malanding tugon ni Rica na yumakap sa braso ng lalaki.
"Pinikot lang ako nito," pagbibiro ni Aaron.
"Anyway 'yong tungkol kina Mauro, Mang Johnny, at Brandon?" pag-iiba ni Keith ng usapan. Katabi nito si Jobert na panay lang ang kain ng sopas. Gutom na gutom ang lalaki. Napapatingin si Keith dito dahil ang ingay nitong lumamon.
"Magsumbong na lang tayo sa pulis!" suhestyon ni Rica.
"Maaaring makakatakas ang mastermind kapag ginawa natin 'yon. Malaking tao ang binabangga natin at may kapit sa head ng ospital. Gusto ko makakuha ng ebidensya. Gusto ko mahuli sa akto si Brandon," paliwanag ni Frederick.
"Si Brandon talaga ang nasa isip mo na nagnanakaw? Nako, buti na lang wala si Nicole dito," nasambit ni Rica sapagkat alam niya ang damdamin ni Nicole kay Brandon.
"Kaya nga e." – si Aaron.
"Guys, may plano ako pero kailangan ko ng tulong n'yo, saka Keith baka pwede mo namang kausapin ang girlfriend mo?" Bumaling si Frederick sa lalaki. Siya lang ang nakakaalam ng relasyon ni Keith sa anak ni Dr. Pierro.
"Si Liesel?" takang-tanong nito.
"Magpagawa tayo ng dummy sa kaniya para maniwala talaga sina Mauro, Brandon, at Mang Johnny na patay na ako," plano ni Frederick.
"Subukan ko. Teka lang, kausapin ko lang siya," sagot ni Keith na tumayo at kinuha ang phone sa sala para kausapin si Liesel.
"Ang plano mo ay magpanggap na patay? Medyo mahirap 'yan. Paano si Kassie?" Naalala ni Rica ang kaibigan.
Natahimik silang lahat. Oo nga pala, walang alam si Kassie sa mga nagaganap. Ang malala pa nito, pinagkakatiwalaan ni Kassie ang mga gumagawa ng krimen.
"Sabihin din natin kay Kassie para—"
"Huwag," putol ni Frederick sa sinasabi ni Rica. "Malapit si Kassie kay Mauro at Brandon. Pinagkakatiwalaan niyang assistant si Mauro at masasaktan siya kapag nalaman niya ang hinala natin tungkol kay Brandon."
"Oo nga pala, fiance' nga pala niya si Brandon." Nalungkot ang mga mata ng babae.
"Paano ito? Itatago rin natin sa kanya?" tanong naman ni Aaron.
"Tingin ko naman hindi 'yon iiyak kapag nawala ako." Nasabi ni Frederick ang nasa isip.
"Siguradong magagalit siya sa atin kapag nalaman niya na nagtatago tayo ng sikreto. Baka maramdaman niya na pinagkaisahan natin siya," hinuha ni Rica.
BINABASA MO ANG
🇫🇪🇹🇮🇸🇭
Korku"The human mind is scarier than any uncanny creatures." Halos lahat ng mga taong nakausap ni Kassie ay nagtataka at nagtatanong kung bakit ito ang pinili niyang propesyon. Hindi rin naman niya alam kung bakit, ngunit dito siya dinala ng tadhana...