Hindi sila makapaniwalang nakatayo pa si Brandon kahit sinagasaan na nila ito.
"He's still alive!" gitlang sabi ni Frederick."Matagal talagang mamatay ang masamang damo!" Hinila siya ni Kassie at magkahawak-kamay silang tumakbo sa kalsada. Dinampot ni Brandon ang baril na nasa lupa at pinaulanan sila ng bala.
"Sh*t!" Napapayuko sila dahil sa takot na matamaan ng bala. Sa katangahan at pagkataranta ay napatid si Kassie.
"Tayo!" Hinila agad ni Frederick ang babae.
"Ah ouch!" ungol ni Kassie at napahawak sa nasaktan na binti. Naalala niya ang bali sa paa nang mahulog sa hagdanan ng basement. Napagtanto niya na hindi siya makakatakbo nang mabilis dahil sa pinsala. "H-Hindi ko kaya, Fred!"
"Anong hindi mo kaya?" Lumingon si Frederick at nakitang palapit na sa kanila si Brandon. Wala siyang ibang pagpipilian. Buong lakas na binuhat niya ang dalaga —in bridal-style. Tiniis niya ang sakit ng mga sugat. "Ha?!" Napasinghap naman ito dahil sa ginawa niya pero kumapit ito sa leeg niya.
"Bullsh*t! Ang bigat mo!" reklamo niya. Natataranta na siya sa sitwasyon nila, dumoble pa ang pasanin niya. Literal na dumoble ang pasanin niya dahil bitbit pa niya ang babae.
"Sinabi mo bang mataba ako?!"
"Wala akong sinasabing mataba ka!"
Lumingon si Kassie at nakita na humahabol si Brandon sa kanila. "Nakakatakbo pa rin ang hinayupak? Bilisan mo Fred! Maaabutan na tayo ni Brandon!"
"Easy for you to say!" reklamo pa niya na tagiktik na ang pawis sa noo. Bumabagal na ang takbo nila. Naramdaman na muli ni Frederick ang hapdi mula sa mga sugat niya. Hindi pa magaling ang pinsalang na natamo niya noong nakaraan.
"Ah! Urgh!" Siya naman ang napatid at pareho sila ni Kassie na lumagapak sa lupa.
"Ah!" Napatili ang dalaga. "F-Fred!" Nakita nito na may dugong tumatagas sa binti niya.
"P-Pasensya na. Hindi ko na kaya," sabi niya na tila hirap na hirap na sa mga nararamdaman niyang sakit.
Pareho silang hinihingal na umupo roon sa maduming kalsada. Hindi nila alam kung anong gagawin.
Tumingin si Kassie sa mga mata ni Frederick. Nag-aalala ang mga mata nila, hindi para sa sarili, kundi para sa isa't isa. Nagising ang natutulog na fighting spirit ni Kassie. Nagkaroon siya muli ng determinasyon na lumaban. Hindi siya papayag na may mamatay sa kanilang dalawa. May mga dapat pa silang pag-usapan pagkatapos nito.
"Kassie!"
Napalingon sila nang biglang sumigaw si Brandon. Malapit na sa kanila ang lalaki.
Pero napanganga sila sa nakita. Hindi nila inaasahan ang mga luhang dumaloy sa mga mata ng kalaban. Umiiyak ito. Marunong palang umiyak ang masamang tao?
"B-Brandon?"
"Kassie, m-minahal kita pero ito ang sinukli mo? Mas gusto kong mamatay ka kaysa mapunta ka sa ibang lalaki! Hindi ako papayag na mapunta ka kay Frederick!" nanghihinakit na sabi nito. Itinutok muli ang baril sa kanila.
"Isa kang malaking baliw! Hindi na ako babalik sa 'yo. Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa mga bangkay na ninakaw mo. Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo kay Gina!" tugon naman niya. "Kaya tumigil ka na sa kahibangan mo, Brandon!"
"Tanggap ko na 'yan! Pero hindi ako papayag na mapunta ka kay Frederick!" nanggigigil na sagot nito na tumingin sa karibal. "Buhay ka pa palang kutong-lupa ka?!"
BINABASA MO ANG
🇫🇪🇹🇮🇸🇭
Horror"The human mind is scarier than any uncanny creatures." Halos lahat ng mga taong nakausap ni Kassie ay nagtataka at nagtatanong kung bakit ito ang pinili niyang propesyon. Hindi rin naman niya alam kung bakit, ngunit dito siya dinala ng tadhana...
