After 3 months...
"Aba! Magre-resign na rin si Rica?"
Napalingon si Nicole nang narinig niya ang malakas na boses ni Keith. Kasalukuyan siyang nagma-make up ng bangkay at kasama ang mga katrabaho sa loob ng morgue.
Lumipas ang tatlong buwan at hindi pa rin nakakalimutan ng mga tao ang nangyari sa mortuary. Natatandaan pa ni Nicole na noong bago pa lamang ang balita, ang daming media reporters ang pabalik-balik dito. Sumikat ang hospital sa maling paraan. Pakiramdam din ng head nila, nasira ang reputation ng St. Luis Hospital dahil sa mga pangyayari.
Kahit tapos na ang problema at naibalik na ang lahat ng ninakaw na bangkay, pinag-uusapan pa rin ang kwento ni Brandon. Punong-puno ng kuryosidad ang mga tao kung paanong isa sa mga doktor ay naging isang necrophiliac.
Kumirot ang isang bahagi ng puso ni Nicole nang maalala ang mga pangyayaring iyon. Hindi niya pinahalata ang sakit na nararamdaman at bumalik ang mga mata niya sa paglalagay ng blush-on sa pisngi ng bangkay.
"Yes." Tumango si Aaron. "Magre-resign na siya rito balak na kasi namin na mag-live in. Alam mo naman na isang buwan nang buntis si Rica. Kaya Keith aalis na rin ako sa apartment. Kapag nakaipon na kami, magpapakasal na kami agad. Ayaw ko naman na ipanganak ang anak ko na walang maayos na pamilya."
Nakaramdam ng kalungkutan si Keith sa narinig pero para naman ito sa ikaliligaya ng mga kaibigan niya. "Mag-isa na pala ako sa apartment kung ganoon."
"Bro, dadalaw pa naman kami ni Rica eh."
"Okay lang. Ano ka ba? Goodluck sa inyo ni Rica ha?" Pilit na ngumiti si Keith na tinapik ang likod ni Aaron.
"Kapag kinasal na kami, best man ka, ha? Niyaya ko rin si Frederick na maging ninong ng anak ko."
"Oo ba. Kami rin ni Liesel kapag kinasal, best man ka rin."
"Kapag nag-propose ka na kay Liesel, papayag kaya si Dr. Pierro? Hindi ba siya terror na father-in-law?" Naalala nila ang doktor. Co-worker pa rin nila sina Dr. Pierro at Dr. Lambert.
"Terror talaga at sobrang strict. Kapag may date kami ni Liesel may curfew kaya nga nahihirapan ako e," sabi ni Keith, "Sa tingin ko ay mauuna pa sa amin ikasal sina Kassie at Frederick."
"Speaking of Kassie, tatlong buwan na pala ang lumipas ano? Nami-miss ko rin siya rito pero it's for the best. Tama lang na nag-resign siya."
"Kailangan niya talagang umalis dito dahil ang daming tsismosa rito sa ospital. Lagi pa siyang pinupuntahan ng media para tanungin ng kung ano-ano, saka para makalimutan na rin niya si Brandon," wika ni Keith.
"Kaya nga eh. Naibalik na ang mga bangkay sa pamilya, nakulong na sila Mauro at patay na si Brandon pero— " Naudlot ang sasabihin sana ni Aaron nang may kumalabog sa likod.
Napalingon sila at nakita si Nicole. Hindi sadyang nahulog ng babae ang airbrush foundation.
"S-Sorry." Nahihiyang paumanhin ni Nicole na dinampot iyon at inilapag ulit sa mesa.
Nanatiling nakatitig lamang sina Keith at Aaron sa babae. Noong mga nagdaang araw ay sobrang tahimik ni Nicole. Para bang lumalayo at umiiwas sa kanila ang dalaga.
"Ayos ka lang Nicole?" tanong ni Keith sa babae.
"Oo, p-pasensya na. T-tapos na ako. Itutuloy ko na lang ang iba bukas. M-Mauna na ako sa inyong umuwi," sagot niya. Hindi siya makatingin ng diretso. Kinuha niya ang bag sa gilid at lumabas siya ng pinto.
BINABASA MO ANG
🇫🇪🇹🇮🇸🇭
Terror"The human mind is scarier than any uncanny creatures." Halos lahat ng mga taong nakausap ni Kassie ay nagtataka at nagtatanong kung bakit ito ang pinili niyang propesyon. Hindi rin naman niya alam kung bakit, ngunit dito siya dinala ng tadhana...