"Mauro?" balik-tanong ni Kassie. Nagtataka ang mga mata niya na bumaling kay Dr. Pierro.
"Kahina-hinala ang mga kilos niya nitong mga nakaraang araw," sagot ng lalaki.
"Ha? Hindi ko naman napapansin," pagtatanggol niya. Kahit kailan ay hindi niya pinanghinalaan si Mauro.
"Hindi mo napapansin dahil occupied ang utak mo sa mga problema. Pero kung pagtutuunan mo ng pansin, makikita mo rin ang nakikita ko," makahulugang sagot nito.
Hindi tuloy alam ni Kassie kung maniniwala siya sa doktor. Paano kung pinaglalaruan lang pala siya nito? Paano kung sinabi lang nito na may kinalaman si Mauro, para kay Mauro siya mag-focus at makalimutan niya ang panghihinala niya sa doktor?
Ngunit nararamdaman niya na mabuting tao ang kaharap. Isa pa, nakikita ni Kassie ang ama niya kay Dr. Pierro. Hindi ito gagawa ng kabalastugan dahil mahal na mahal nito ang anak. Gumawa ito ng mali, siguradong madadamay si Liesel.
Napabuntong-hininga siya. Simula nang maganap ang robbery, wala nang mapagkakatiwalaan sa loob ng St. Luis Mortuary. Sina Rica, Keith at Aaron ay may tinatago. Ngayon naman ay si Mauro.
Lumalalim na ang gabi nagpaalam na si Kassie kay Dr. Pierro. Nagpasalamat siya at humingi muli ng paumanhin dahil sa ginawa niya, pero sinabi lang ng doktor na kalimutan nila ang mga nangyari.
Nang makauwi si Kassie ay naiwan si Dr. Pierro sa sala. Malalim ang iniisip niya at nakatingin sa malayo habang humihithit ng sigarilyo.
"Bakit hindi mo sinabi sa kaniya ang totoo?"
Napalingon siya sa anak na nasa likod. "Nakikinig ka sa usapan namin?"
"Yes dad, I'm sorry." Lumapit si Liesel sa ama. "Pero nagsinungaling ka. Dapat sinabi mo sa kaniya ang totoo."
"Hindi ako nagsinungaling. Hindi ko lang sinabi ang lahat ng alam ko." Mapang-asar na ngumisi siya. "Pero huwag kang mag-alala. She will know the truth eventually," makahulugang dugtong ni Dr. Pierro at nagbuga ng usok sa hangin.
***
Kinabukasan, maagang pumasok si Kassie. Nag-commute siya dahil iniwan niya kagabi ang kotse niya sa parking lot ng Mortuary.
Umaga pa lamang ay masakit na ang katawan niya, pati na rin ng ulo niya. Ang dami niya kasing pinagdaanan kahapon. Nabalitaan niya na wala na si Frederick, may nag-stalk sa kanila ni Brandon na dalawang lalaki, kakaiba sila Rica sa burol, pumasok siya sa bahay ni Dr. Pierro. Ang daming nangyari!
Pero hindi pa natatapos ang lahat. Wala pa ring kasagutan sa mga tanong niya. Dumaan si Kassie sa funeral home para makita niya si Frederick sa chapel. Pero wala na roon ang katawan at kabaong ni Frederick. Sa halip nakita niya sa loob sina Rica, Keith at Aaron. Nag-uusap na naman ang tatlo.
"Rica?" nagtatakang tanong niya.
Nagulat si Rica na napalingon sa kaniya. "Kassie? Anong ginagawa mo rito?"
"Dadalaw sana ako kay Fred."
"Ah wala na si Fred. Nailibing na," sabi lamang ni Keith.
Kumunot ang noo ni Kassie. "Agad?"
"Yes." Tumango si Aaron. "Kaninang madaling araw."
"Nasaan ang parents niya at mga relatives?" tanong muli ni Kassie.
"Umuwi na," sagot lamang ni Keith.

BINABASA MO ANG
🇫🇪🇹🇮🇸🇭
Terror"The human mind is scarier than any uncanny creatures." Halos lahat ng mga taong nakausap ni Kassie ay nagtataka at nagtatanong kung bakit ito ang pinili niyang propesyon. Hindi rin naman niya alam kung bakit, ngunit dito siya dinala ng tadhana...