KABANATA 12: UNANG FLASHBACK

154 35 63
                                    

Hindi makapaniwala si Kassie sa nakikita. Lumapit siya sa dalawa at inilabas ang mga kamay sa pagitan ng rehas na bakal. Hinawakan niya ang pisngi ni Frederick.

"H-Hindi ka multo?" humahangang sabi niya.

Punong-puno ng pagmamahal na tumingin lamang sa kaniya si Frederick at hinalikan ang kaniyang mga kamay. "Kassie, I'm alive."

Parang nanalo sa lotto ang reaksyon ng mukha niya. Sobrang saya ng mga mata niya at natawa pa siya. "Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip?"

"Totoo ito." Ngumiti ito habang nakahawak sa dalawang kamay niya.

Naiiyak na siya sa sobrang katuwaan, pero biglang nagbago ang emosyon niya nang may maalala. Unti-unting sumama ang tingin niya sa binata at napasimangot nang malaki. Nawala rin ang ngiti ni Frederick nang makita ang ekspresyon na iyon.

"Buysit ka!" sigaw ni Kassie na sinakal bigla ang leeg ni Frederick.

"Ah!" sigaw naman nito na pilit tinatanggal ang kamay ng babae.

"Iyak ako nang iyak, buhay ka pa pala!"

"Kassie, L-Let me explain, ah!"

"Anong ipapaliwanag mo? Buysit ka! Niloko mo ko!" Nangagalaiti na sabi niya na hindi pa rin tinatanggal ang pagkasakal niya sa leeg ng lalaki.

"No Please! L-Let me--- Ah!"

"Mamaya na kayo magpatayan!" sabi ni Jobert sa kanila. Napalingon silang dalawa kay Jobert. Sa wakas nagawa nitong buksan ang selda. Nasira nito ang lock gamit ang plier. "Lumabas na tayo! Baka bumalik na si Brandon dito!"

Pagkasabi niyon ay nagmamadaling lumabas sina Gina at Kassie sa selda.

Pagkalabas ni Kassie ay sinakal din niya si Jobert. "Isa ka pa!"

"Kassie, s-sorry na!" pagmamakaawa ni Jobert.

"Kassie, mamaya na 'yan! Kailangan muna nating makalabas dito!" awat ni Frederick sa kamay ng babae.

Tumigil at humarap siya sa binata. "Okay fine! Pero galit pa rin ako. Grabe ang iyak ko Fred," nanghihinakit na sabi niya na tinuro pa ang sarili.

"I'm sorry pero ako ang nagplano nito. Huwag ka sana magalit kila Jobert," nagsusumamong sabi.

"Pag-uusapan natin 'yan mamaya! Sa ngayon, tara na!" Nag-iwan siya ng masamang tingin bago hinawakan si Gina at nauna silang umakyat sa hagdan.

Pero ano nga ba ang nangyari? Paano nabuhay sina Frederick at Jobert?

***

(FREDERICK'S ROUTE)

Mabilis na tumakbo si Jobert sa madilim na eskinita. Habang tumatakas ay narinig pa niya ang isang putok na sa tingin niya'y pumatay sa matalik niyang kaibigan. Napahinto siya sa pagtakbo at napalingon sa pinag-mulan. Tumulo ang isang patak na luha mula sa mga mata niya at napasinghot. "F-Frederick, patawad. Kasalanan ko 'to."

Akma siyang tatakbo muli pero hindi makayanan ng puso niya at konsensya. Hahayaan niyang mamatay ang matalik niyang kaibigan?

"Hindi ko kayang iwan si Fred!" sabi niya sa sarili. Nagkaroon siya ng lakas ng loob na tumakbo pabalik sa pinagmulan.

Nakita niya si Frederick na nakahandusay sa kalsada at wala nang malay. Sina Mang Johnny at Mauro ay nakatayo sa tabi ng kaibigan. Nakatingin sila sa katawan ni Frederick at nag-iisip kung paano ito itatago.

​🇫​​🇪​​🇹​​🇮​​🇸​​🇭​Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon