Hindi na siya lumabas ng kwarto simula makabalik sa bahay galing sa St. Luis Mortuary. Nakahiga siya sa kama. Nakatakip ng unan ang mukha at panay pa rin ang pag-iyak.
"Anak? Hindi ka pa kumakain. Buong araw na ang lumipas." Kumatok ng ama niya sa pinto pero wala siyang ganang sumagot. Pinag-aalala pa niya ang Papa niya.
Kauuwi lang ng ama niya galing sa trabaho at ang tanging nasa isip nito buong maghapon ay si Kassie.
"Basta may pagkain sa mesa. Kapag nagutom ka, bumaba ka roon. Hay..." malungkot na buntong-hininga ng kaniyang ama. Napagpasyahan nito na bigyan ng privacy ang anak at hayaan na magluksa. Bumaba na ito sa hagdan.
Suminghot ng sipon si Kassie. Narinig niya ang paalis na yapak ng ama. Ayaw niyang maging bastos sa magulang pero wala siyang lakas para magsalita o gumawa ng kahit na ano. Kapag naaalala niyang wala na si Frederick, may tumuturok sa puso niya at hindi siya makahinga sa sobrang sakit. Nailalabas na lamang niya sa pag-iyak.
Tumunog ang phone niya sa side table. Wala siyang balak sagutin kung sinuman ang tumatawag."Pero paano kung si Jobert pala ang tumatawag?" bigla niyang naisip. Napabangon siya sa pagkakahiga. "Oo nga pala! Si Jobert ay maaaring buhay pa!"
May pagkakataon pa siyang malaman ang totoo at si Jobert ang susi. Si Jobert ang magpapatunay kung ano ang kinalaman ni Dr. Pierro sa mga nakawan na naganap sa morgue. Nagtataka pa rin siya sa motibo ni Dr. Pierro. Bakit pinasundan siya nito kanina? Sino ang dalawang lalaki na kausap nito? Ang daming katanungan sa isip ni Kassie pakiwari niya ay sasabog na ang utak niya.
Kinuha niya ang phone pero nadismaya nang makita niyang si Rica lang pala ang tumatawag. Napabuntong-hininga siya at napilitan na sagutin iyon.
"Hello, Rica..." walang gana niyang tugon.
"Kassie, okay ka na ba?" nasa tono ni Rica ang pag-aalala.
"Hindi," mono-tone niyang sagot.
"I'm sorry sa nangyaring ito." Tila may bahid na konsensya ang boses nito.
"Bakit ka humihingi ng sorry? Wala ka namang kasalanan. Si F-Fred kamusta na? N-Nabihisan n'yo na ba?" Pinipigil na naman niyang umiyak.
"Oo. Sina Keith at Aaron ang gumawa."
"K-Kailan ang burol?"
Hindi sumagot si Rica. Biglang natahimik ang babae.
"Rica? Hoy, kailan ang burol?" ulit niya ng tanong.
"Ah.. B-Burol ba? N-Ngayon na eh..." nauutal pang sagot nito.
"Ha?" Kumunot ang noo ni Kassie. "Anong ngayon na? Ngayong gabi? Bakit hindi mo man lang sinabi kanina?!" nagtatampo niyang tanong.
"Ah eh.. k-kasi..." Mukhang hindi alam ng kausap ang isasagot.
"Bakit naman biglaan at agad-agad ang burol, Rica?"
"K-Kasi s-sabi ng parents niya? P-Para malibing na siya bukas?" Parang hindi pa ito sigurado sa sagot. Kahina-hinala ang boses ng babae. Kumunot lalo ang noo ni Kassie. Napapansin niya rin na sa tono ng boses ay parang may tinatago itong si Rica.
"Parents request pala? Pupunta ako sa funeral home. Kailangan kong makita si Frederick," pasya niya.
"Ha?!" Ganoon na lang ang gulat sa boses nito.
"Bakit yata gulat na gulat ka?"
"Ah eh K-Kassie... magpahinga ka na lang diyan! Hindi pa naman ililibing si Fred bukas kaya kinabukasan ka na lang magpunta sa funeral — "

BINABASA MO ANG
🇫🇪🇹🇮🇸🇭
Horror"The human mind is scarier than any uncanny creatures." Halos lahat ng mga taong nakausap ni Kassie ay nagtataka at nagtatanong kung bakit ito ang pinili niyang propesyon. Hindi rin naman niya alam kung bakit, ngunit dito siya dinala ng tadhana...