KABANATA 3: NINAKAW NA BANGKAY

222 48 120
                                    

"Pakiusap naman, hanapin n'yo ang anak ko!" Ganoon na lang ang paghihinagpis at pagwawala ni Aling Theresa. Agad na nagpunta ang ginang sa mortuary nang tawagan siya ng pulis at mabalitaan ang nangyari.

Panay ang pagtulo ng luha sa mga mata ng babae. "Paano nakapasok 'yon?! Wala namang silbi ang guard dito! Magsasampa ako ng kaso sa ospital kapag hindi nahanap ang anak ko!"

Namomoblema ang mukha nina Kassie at Frederick. Hindi naman nila masisisi ang ginang. Patay na nga ang anak niyang dalaga, ninakaw pa. Sino ba ang hindi magagalit o masasaktan sa nangyaring ito?

"Huminahon po kayo misis. Gagawin po namin ang makakaya para mahuli ang mga magnanakaw." Pag-aalo ng pulis kay Aling Theresa. Mukhang bata pa ang pulis na iyon at baguhan pa lamang sa trabaho.

Lalo itong nagwala. "Dapat lang! Kasi napakawalang-silbi n'yo naman kung hindi n'yo sila mahuhuli!" Pagkasabi niyon ay napasapo sa ulo ang babae at napahikbi. "Ang anak ko! Diyos ko, ang anak ko!" Pagmamaktol nito at umupo sa bench. Tumabi kay Aling Theresa ang anak nitong teenager. Hinimas ng bata ang likod ng nanay habang umiiyak ito.

Nakaramdam ng awa si Kassie. "Diyos ko naman! Ano bang klaseng panahon ito? Pati patay ay ninanakaw na," sa isip niya.

Tumingin siya sa paligid ng morgue. Ang gulo rin ng morgue. Mukhang naghalukay talaga ang mga robbers at isa-isa nilang tinignan ang mga bangkay. Nakabukas ang mga drawers ng freezer at nakatanggal sa body bag ang mga katawan. "Iyon talaga ang target nilang kunin pero bakit?" tanong niya sa isipan.

Napalingon siya nang lumapit si Dr. Lambert sa kanila. Kausap kanina ni Dr. Lambert ang isa sa mga preliminary investigating officer. Sila ang mga first-responder police sa mga crime scene.

Napabuntong-hininga si Dr. Lambert. Naguguluhan din ang isipan nito at kanina pa ito hindi mapakali. Sinuklay nito ang magulong buhok gamit ang kamay. Sobrang stress na si Dok.

"Ano sabi ng pulis, Dok?" tanong ni Frederick sa lalaki.

Napailing ang doktor. "Hindi ko alam kung anong nasa isip nila pero tatanungin din kayo mamaya."

Biglang kinabahan si Kassie nang marinig iyon pero inaasahan naman niya na kakausapin din sila ng mga pulis.

"Kawawa naman talaga," sabi ni Dr. Lambert na tumingin sa gawi ni Aling Theresa. "Ginahasa si Trisha Mae de Leon bago pinatay. Nakulong naman ang kriminal pero sino ang gagawa nito? Hindi na nila pinatahimik ang kaluluwa ni Trisha." Siya ang nag-autopsy sa ninakaw na bangkay kaya may alam siyang information.

Lalong nakaramdam ng awa si Kassie nang marinig ang dinanas ng babae bago ito namatay. "Oh my gosh. Ginahasa siya at pinatay?"

Tumango ang medical-examiner, "While injury can provide evidence, it can't prove rape, because injuries may occur as a result of consensual intercourse. Biological material such as semen on the genitalia may provide evidence of contact."

"Damn!" Nasambit lang ni Kassie na hindi naman iyon naintindihan dahil mahina siya sa English.

"Hindi kaya may kinalaman ang rapist sa pagkawala ng bangkay ni Trisha?" tanong ni Frederick.

"Paano niya magagawa 'yon eh nakakulong na nga siya 'di ba?" Bumaling si Kassie sa katabi.

"Paubaya na lang natin ang imbestigasyon sa pulisya. Huwag na tayo makisawsaw pa sa kaguluhan na ito," sagot na lamang ng doktor sa kanila.

Hindi na alam ni Kassie ang sasabihin. Sa totoo lamang ay naaawa rin siya kay Dr. Lambert. Mas mahirap ang trabaho ng doktor. Kung siya ay nag-o-autopsy ng mga patay na namatay sa natural diseases, si Dr. Lambert naman ay sa mga bangkay na namatay dahil sa krimen. Mas nakaka-stress ang ginagawa ng doktor dahil kailangan pa niyang gumawa ng medicol legal para sa mga kaso.

​🇫​​🇪​​🇹​​🇮​​🇸​​🇭​Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon