Naglalakad si Frederick sa hallway patungo sa morgue. Hindi pa rin maipinta ang kaniyang itsura. Kasabay niya ang dalawang mortician na sina Aaron at Keith. Ang dalawang lalaki ang humihila sa trolley bed kung saan nakahiga ang katawan ng babae.
Lahat sila ay nakasuot ng PPE dahil kailangan pa mai-embalsamo ang bangkay at malagyan ng make-up bago ilipat sa chapel na nasa kabilang building — sa funeral home. Kumpleto talaga ng facilities ang public hospital na ito pagdating sa mga patay.
Nakarating na sila sa loob ng morgue. Katulad ng ibang morgue ay may mga bangkay pa roon na hindi nai-claim ng pamilya. Mga bangkay na hindi kilala at napabayaan. Ang iba nga roon ay dino-donate na lamang sa mga medical schools para mapag-aralan. Malungkot na katotohanan.
Tinanggal na nila ang kumot na nakatakip sa ulo ng babae. Hindi na nila in-expose ang private part nito. Mag-uumpisa na sila sa pag-eembalsamo.
"Nakita mo ba sina Kassie at Dr. Brandon? Mukhang sabay silang kakain ah." Nang-aasar ang ngiti ni Aaron na tumingin kay Frederick.
Natigilan si Frederick sa pagkuha ng embalming fluid sa kabinet. Iritadong lumingon siya kay Aaron at sinabing, "Sinong may pake?!"
Natawa naman si Keith dahil mapang-asar talaga si Aaron at pikunin naman si Frederick. Si Keith ang pinakatahimik sa grupo.
"Alam n'yo sayang ang oras. Nagtatawanan pa kayo riyan," sumulpot bigla ang boses ng isang babae. Lahat sila ay napalingon sa bagong dating. Siya si Nicole ang dakilang make-up artist ng mga patay. Nakasuot din siya ng PPE at bitbit niya ang damit na isusuot ng bangkay.
"Nandito na pala ang desairologist natin. Hello darling," tukso pa ni Aaron habang kinukuha ang formalin, glycerol, spirit at isang bucket.
"Darling ka r'yan!" Umirap naman si Nicole.
"Oh salo," sabi ni Frederick na binato kay Aaron ang isang bote ng sodium borate. Nasalo naman iyon ng lalaki.
Inilagay ni Aaron ang mga embalming fluids sa loob ng bucket kasama ang tatlong litro ng tubig. Pinaghalo niya iyon. Pagkatapos ay binuhos niya sa embalming machine. Kinuha niya ang tube na nakakabit sa embalming machine at dinugtong niya ang canula. Ang canula ay thin tube na pinapasok sa ugat ng tao.
Si Keith naman ay nilagyan ng wooden block ang likod ng bangkay para ma-expose ang leeg nito. Kinapa niya ang buto at hinahanap ang sternoclavicular joint. Nang mahanap niya iyon, kinuha niya ang panghiwa sa gilid. Hiniwa niya mula sa sternoclavicular joint, pataas sa leeg ng babae. Hinanap niya ang carotid artery at inilabas iyon. Binutas niya ang artery at doon niya pinasok ang tube. Tumingin siya sa gawi ni Aaron.
"Okay na." Thumbs-up pa ni Aaron bago pinindot ang switch ng embalming machine at binuksan ang makina.
Sa ganitong paraan ay napapalitan ang fluids sa katawan ng tao. Hinila na ni Keith ang canula at tinalian ng surgical thread ang carotid artery para hindi lumabas ang fluid doon. Lumapit naman si Aaron sa talampakan ng bangkay para maglagay ng fluid injection. Natapos na ang embalming. Tatahiin naman nila ang hiwa sa leeg ng babae.
"Oh 'yan na. Punasan n'yo na lang ulit para matapos na." Huminga nang malalim si Aaron. Pagod na siya, kailangan niya ng pahinga.
"Aba, ako pa talaga ang maglilinis n'yan?" reklamo ni Nicole.
"Nakatayo ka lang naman d'yan eh," paninita pa ni Aaron at naghagis kay Nicole ng pampunas. Nakanganga na nasalo iyon ng dalaga.
"Nagtatalo pa kayo sa trabaho." Napailing na lang si Frederick sa mga kasama. "Sige na tulungan na kita Nicole. Kumain na muna kayong dalawa," bilin niya sa dalawang lalaki.
BINABASA MO ANG
🇫🇪🇹🇮🇸🇭
Terror"The human mind is scarier than any uncanny creatures." Halos lahat ng mga taong nakausap ni Kassie ay nagtataka at nagtatanong kung bakit ito ang pinili niyang propesyon. Hindi rin naman niya alam kung bakit, ngunit dito siya dinala ng tadhana...