KABANATA 5: SI DR. PIERRO

207 44 108
                                        

Walang balak na pumasok si Kassie ngayong araw. Panay lang ang iyak niya sa kwarto. Nabigla siya sa balita at hindi niya ito matanggap.

Paano mamamatay si Frederick? Sino naman ang gagawa niyon samantalang wala namang kaaway ang binata? Gulong gulo ang isipan ni Kassie. Hindi na rin siya nag-almusal. Wala siyang ganang kumain. Kahit ang papa niya ay nag-alala nang maabutan siyang umiiyak na mag-isa sa kwarto. Tinanong siya nito kung anong problema. Sinabi niya sa ama ang totoo.

"H-Hindi! Hindi pa patay si Fred! Hindi ako naniniwala Papa!" Iyon ang kumbinsi niya sa sarili habang tumutulo ang mga luha. "Hanggat wala akong bangkay na nakikita, hindi ako maniniwalang patay na siya!"

"Anak, puntahan mo siya. Tignan mo sa hospital," sabi lamang ng kaniyang ama habang hinihimas ang likod niya.

***

Tanghaling-tapat nang maisipan niyang pumunta sa mortuary. Susundin niya ang sinabi ng ama. Kailangan niyang makita kung totoo ngang wala na si Frederick. Nag-commute na lang siya dahil wala siya sa mood na mag-drive ng kotse. Nabanggit ni Aaron sa text na nakita ang bangkay ni Frederick sa kalsada. May bumaril daw sa lalaki pero nasa isip pa rin niya na baka katawan iyon ng ibang tao.

Masama man ang pakiramdam at namumugto man ang mata pumunta siya sa morgue para makita kung iyon nga ang katawan ni Frederick. Pagpasok niya ay naabutan niya sina Aaron, Keith, Rica at Mauro sa loob. Naroon din si Dr. Lambert. Lahat sila ay nakasuot na ng PPE. Napalingon silang lahat sa kaniya. Nag-aalala ang mga mata nila.

Nakita ni Kassie ang katawan ng isang tao, nakatakip ng puting kumot sa ibabaw ng stainless steel stretcher. Unti-unti siyang naglakad palapit upang makita kung sino iyon. Tinanggal niya ang kumot at ganoon na lang ang hinagpis ng puso niya nang makita ang mukha ng bangkay. Napasapo siya sa bibig kasabay ng paghikbi, "F-Fred..."

Hindi na napigilan ni Kassie ang damdamin patuloy lang ang pagdaloy ng luha niya. "Frederick!" sigaw niya at akmang yayakap sa katawan ng lalaki.

"Kassie!" Mabilis na lumapit si Rica at niyakap siya. Nilayo nito si Kassie sa bangkay ni Frederick. "Huwag! Kailangan pa niyang ma-autopsy!"

"Hindi ito totoo! F-Fred..." hagulgol niya habang umiiling. Hindi pa rin siya makapaniwala kahit nasa harap na niya.

"Kassie, hindi ka pwede rito. Kami na lang ang bahala kay Fred. Sa lagay mong 'yan, hindi ka makakapagtrabaho," sabi naman ni Rica. "Halika, doon muna tayo sa labas."

"Hindi! Ako ang mag-o-autopsy sa kaniya!" Pagpupumilit pa rin niya.

"Kassie! Hindi pwede. Kami na ang bahala!" Lalong hinigpitan ni Rica ang yakap sa kaniya. "Mauro!" Bumaling si Rica sa lalaki.

"Tulungan mo akong ilabas si Kassie."

"Ano? Bakit ako pa?" reklamo lang nito.

"Mauro, ilabas niyo muna si Kassie. Tulungan mo na si Rica," seryosong sabi lamang ni Dr. Lambert.

Dahil nakakataas si Dr. Lambert, wala nang magawa si Mauro kundi ang sumunod. Hinawakan nito si Kassie. Hinila nila ang babae paalis sa morgue.

Umiiyak na nakatingin pa rin si Kassie sa bangkay ni Frederick. Hindi matanggap ng puso niya. Hindi niya alam kung makakayanan pa niya. "Bakit? Bakit ngayon pa? Sana panaginip na lang ang lahat ng ito."

***

Sa lobby ay pinaupo nila si Kassie at binigyan ng tubig. Nakatulala siya at naghihinagpis pa rin. Hinihingal siya dahil sa kakaiyak.

"Kassie uminom ka. Tahan na." Pag-aalo ni Rica na inabot ang bote ng mineral water.

"H-Hindi... Hindi ito totoo... Hindi.... Fred..." Umiling lang siya at hindi kinuha ang tubig. Tinakpan niya ng dalawang kamay ang mukha saka siya umiyak nang malakas. Wala na siyang pakialam kung marinig pa siya ng lahat ng tao sa mortuary.

​🇫​​🇪​​🇹​​🇮​​🇸​​🇭​Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon