Napabalikwas ng tayo mula sa pagkakaupo si Xander nang makarinig siya ng malalakas na sigawan at tili sa loob ng opisina ni Althea.
Kaagad siyang pumasok upang alamin kung ano ang nangyayari sa dalawang dalaga lalo na kay Althea. Ngunit ganon na lamang ang gulat niya nang makitang umiiyak na nakaupo si Althea sa sahig habang nanginginig ang katawan dahil sa takot.
Nakatingin ito sa isang maliit na box. Maging si Leslie ay takot na takot at namumutlang nakatingin din sa box.
Dali dali siyang lumapit at napamura siya nang makita ang isang patay na hayop sa loob ng box. May nagkalat na dugo sa loob ng box at mayroon din larawan ni Althea na may dugo.
Mabilis siyang lumapit kay Althea at agad na niyakap ito. Ramdam niya ang takot dahil sa panginginig ng buong katawan nito kaya mahigpit niya itong niyakap.
Nang makalapit rin siya kay Althea ay sumunggab din ito ng yakap sa kanya at nagulat siya ng sumubsob ito sa katawan niya. Ibinaon ni Althea ang mukha sa dibdib ni Xander habang patuloy itong umiiyak. Binuhat ito ni Xander at iniupo sa couch bago muling tumingin kay Leslie na tulad ni Althea ay nanginginig din sa takot.
"Leslie, tumawag ka ng security!" Utos niya dito.
Hindi ito nagsalita o gumalaw man lang. Nanatili itong nakatulala habang nakatingin sa box na nasa sahig. "Leslie! Tumawag ka ng security!" Ani niyang muli dito na medyo nilakasan na niya ang boses niya upang makuha niya ang atensyon nito.
Agad na napatingin si Leslie sa kanya. At tumango tango ito habang namumutla pa rin ang mukha. "O-Oo, si-sige." Tumakbo ito palabas ng opisina at naiwan sila ni Althea na magkayakap.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan niya agad si Ruiz. Kailangan niyang ipaalam dito kung ano ang nangyayari. Habang nanatiling nakayakap pa rin siya kay Althea at ganon din ito sa kanya. Kung titingnan ang pwesto nila ay para lamang silang mag nobyo dahil sa pagkakalingkis ni Althea sa kanya.
"Bud pumunta ka ngayon dito!" Agad niyang ani nang sagutin nito ang tawag niya. Pinutol niya ang kung ano man ang sasabihin nito.
"Anong nangyari?" Nag-aalalng tanong ni Ruiz sa kanya.
"Basta pumunta kayo dito ngayon na." Alam niyang naiintindihan na ni Ruiz kung ano ang ibig niyang sabihin.
Matapos niyang makausap si Ruiz ay muli niyang hinarap si Althea. Tiningnan niya ang mukha nito.
Umiiyak pa rin ito kaya sinapo niya ang mukha nito at iniharap niya sa kanya.
"Hey! Look at me." Umiiyak itong tumingin sa kanya. Parang may dumakot sa puso niya nang makita ang takot na takot nitong mata. Hinalikan niya ito sa noo at hinaplos niya ng hinlalaking daliri ang pisngi nito.
"Althea listen to me..." Umiiyak itong tumingin sa mga mata niya. Napatingin siya sa mapupula nitong labi kaya napalunok siya ng laway. Parang gusto niyang ilapat ang labi niya doon at tikman ito. Agad niyang ibinalik ang tingin sa mata nito dahil baka kung ano pa ang magawa niya. Fucking shit.
Tumikhim muna siya bago muling nagsalita. "Hangga't kasama mo ako walang makakapanakit sayo. Nandito ako para protektahan ka, okay."
Hindi ito umimik bagkus ay patuloy lamang itong umiiyak. Kaya hinalikan muli niya ang noo nito upang mabawasan ang pag-aalala nito. Noong nabubuhay pa ang kanyang ina ay parati rin niya itong hinahalikan sa noo sa twing may dinaramdam ito.
Nanginginig na ibinuka ni Althea ang kanyang bibig upang magsalita. "Na-natatakot ako.... Papano kung... Kung hindi lang yan ang.. ang gawin nila."
"Sshhhh! Don't worry I'm here, I'm always here for you. At ipinapangako ko na parati akong nasa tabi mo kahit anong mangyari. Remember that okay?!"
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An Agent
Romantik(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Alexander Lopez o mas kilala bilang Xander. Isang magaling at mahusay na NBI agent na magpapanggap at papasok bilang personal driver ng isang maganda at sikat na CEO na si Althea Jimenez. Dahil nasa panga...