Chapter 1

3.2K 84 9
                                    

"Tay naipadala ko na po sa remittance center yung allowance ni Istong at yung panggastos nyo ngayong buwan." Ani ni Xander sa kausap niya sa kabilang linya habang siya ay umiinom ng kape.

"Eh bakit ga nagpadala ka pa? Narineng may kita pa naman ang mga bangka at nakaka pangisda pa naman ako. Baka wala ng matira sa iyo nyan." Sagot naman ng ama nito.

Ulila na sila sa ina. Namatay ang ina ni Xander dahil sa panganganak nito sa bunso niyang kapatid. Kaya nang maka tapos siya sa pag-aaral sa tulong ng scholarship ay tinulungan niya ang kanyang ama at kapatid.

Nagtrabaho siya ng maigi. At nang kumikita na siya ay ibinili niya ito ng tatlong bangka upang maiparenta nito sa mga mangingisda na walang sariling bangka. Kahit may pinagkakakitaan ang kanyang ama ay hindi siya tumitigil sa pagsusustento sa mga ito lalo na at college na ang kanyang nakababatang kapatid.

Nasa Mindoro ang tatay niya at ang kapatid. Malapit sa dagat ang tinitirahan nilang bahay kaya pangingisda ang pangunahing kabuhayan doon ng mga tao. Habang siya ay nasa maynila at doon nakadestino.

Nangungupahan siya sa isang apartment sa maynila. Tahimik at maayos ang lugar na kanyang tinitirahan. Kapit bahay niya ang mga kasamahan niyang si Alvarez at Evangelista.

Sa ilang taon niyang pamamalagi sa maynila ay nakasanayan na niya ang mamuhay mag-isa sa siyudad. Si Evangelista ang una niyang nakilala sa maynila. Tulad niya ay scholar din ito sa pinapasukan nilang eskwelahan. School mates niya ito at nauna lamang ng isang sem grumaduate si Evangelista sa kanya.

Noong una ay nahirapan siya dahil kahit panggastos man lang niya ay wala siya. Kaya nagtrabaho siya habang nag-aaral. Pinagsasabay niya noon ang pag-aaral at pagtatrabaho. Dahil pangarap niya ang maging isang magaling na NBI agent ay pinagbuti niya ang kanyang pagtatrabaho habang nag-aaral. Kahit nahihirapan siya ay hindi siya sumuko upang matupad ang pangako niya sa kanyang mga magulang lalo na sa nanay niya.

Nag-aaral siya sa umaga at nagtatrabaho naman sa gabi bilang isang waiter sa isang bar. Hindi naging madali para kay Xander ang lahat. Kaya sanay siya sa hirap at pagsubok na darating sa kanya. Sanay din ng katawan niya sa mga trabahong mahirap dahil naranasan niya ang mabibigat na trabaho noon habang nag-aaral siya. Ika nga nila ay batak na batak ang katawan niya sa trabaho.

"Ayos lang po tay. Huwag kayo masyadong mag-alala. May natitira naman po sa akin."

"Nak, tumatanda ka na. Dapat nag-iipon ka para sa sarili mo. Paano kung bigla kang makabuntis e di wala kang ipon."

Naibuga niya ang iniinom niyang kape kasabay ng pag-ubo dahil sa sinabi ng kanyang ama.

"Ayos ka lang ba? May sakit ka ba. Aba'y bakit ga hindi ka magpatingin." Sunod sunod na tanong nito sa kanya.

Napailing na lamang si Xander dahil sa sinabi ng ama. Napakamot pa siya sa kanyang noo dahil doon. Gusto man niyang sabihin na ang ama niya ang papatay sa kanya ay hindi na lamang niya isinatinig.

"Tay nag-iipon po ako. At saka malabo po na makabuntis ako dahil wala po akong nobya. Nangako po ako kay Istong na pagtatapusin ko muna siya ng pag-aaral bago ako mag-asawa." Pagpapaliwanag niya dito.

Dinig niya ang pagbuntong hininga ng ama sa kabilang linya. Alam niya na nag-aalala ito sa kanya.

"Nak..!"

"Tay sige na ho. At maliligo pa ako. Maaga ang pasok ko ngayon dahil may meeting kami." Pagpuputol niya sa anomang sasabihin pa ng ama. Ayaw man niya itong gawin ngunit wala siyang pagpipilian. Dahil kung hindi niya ito gagawin ay tiyak na mauubos ang oras niya sa pakikipagtalo dito.

"O siya sige. Totoy, parati kang mag-iingat ha. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. At laging magdadasal kapag sasabak sa engkwentro."

Napangiti si Xander ng marinig ang itinawag sa kanya ng kanyang ama. Totoy kasi ang tawag ng ina niya noong maliit pa siya. Kahit hindi niya gusto ang itinawag nito sa kanya ay hindi niya maalis na namimiss niya iyon.

(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon