Matapos ang nangyaring komprontasyon sa pagitan nila ni Xander ay agad lumuwas ng maynila ni Althea. Iniwan niya si Xander ng hindi sila nakakapag-usap ng maayos.
Sa mga oras na iyon ay naging sarado ang utak ni Althea upang pakinggan ang kahit na anong paliwanag ni Xander sa kanya.
Basta ang alam niya ay niloko siya at pinagkaisahan. Pakiramdam niya ay pinaikot at pinagmukha siyang tanga ng mga taong akala niya ay totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.
Kahit gaano kasama ang loob niya ay hindi naman siya bastos. Nagpaalam pa rin siya sa ama ni Xander at sa kapatid nito. Kahit papaano ay ayaw niya na magtanim ng sama ng loob sa pamilya ni Xander dahil minahal niya ang mga ito.
Si Ruiz ang nag-abalang maghatid sa kanya dahil na rin sa pakiusap ni Xander. Habang naiwan naman ito sa mindoro.
Naalala pa niya ang mukha nito habang nagmamakaawang pakinggan ang paliwanag nito. Hindi niya maiwasang umiyak dahil parang may milyong kutsilyo ang tumutusok sa puso niya.
Sa ngayon ay tama lamang na lumayo muna siya. Hindi pa niya kayang harapin si Xander. Hindi niya kayang tanggapin ang panloloko nito sa kanya.
Iniisip ni Althea kung lahat ba ng ipinakita nito at ipinaramdam sa kanya ay totoo o pawang pangkukunwari lamang. Hindi na niya alam kung anong ba ang totoo.
Muli niyang pinunasan ang luha na dumaloy sa kanyang pisngi. Nasasaktan siya dahil ang inakala niyang masaya at tahimik buhay may asawa ay pawang palabas lamang dahil sa naging amnesia niya.
Nakasakay sila ngayon sa sasakyan kasama si Ruiz pabalik ng maynila. Habang nasa biyahe ay walang nagtangkang magsalita sa kanila. Hanggang hindi na nakatiis pa si Ruiz at nagsalita na ito.
"Althea, hindi sa nangingialam ako. Pero sana pinakinggan mo man lang ang paliwanag niya bago ka nagdesisyon na umalis."
Hindi siya umimik bagkus ay tumingin lamang siya sa labas ng bintana ng sasakyan.
Bumuntong hininga si Ruiz. Naalala pa niya ang itsura ng kabuddy niya bago sila umalis. Halos lumuhod ito kay Althea upang kausapin siya nito.
"Ganito na lang. Hindi na kita pipilitin na kausapin siya. Alam kong nasaktan ka sa panloloko niya sayo. Pero ang tunay na relasyon nyo lang naman ang hindi niya sinabi. Lahat iyon totoo na. Mahal na mahal ka ng kaibigan ko. Ikaw lang ang minahal niya ng ganito."
Napatingin siya kay Ruiz na abala sa pagmamaneho at sa kalsada nakatingin.
"Paano nyo nasasabi na mahal niya ako kung umpisa pa lang ay kasinungalingan na ang lahat."
"Sige tatanungin na lang kita. Mahal mo ba ang kaibigan ko? Kahit nagpapanggap lang siya na asawa mo, hindi mo ba naramdaman na mahal ka niya. Kapag kasama mo ba siya hindi mo nararamdaman kung gaano ka niya kamahal? Ngayon kung hindi lahat ang sagot mo hindi na kita pipilitin na paniwalaan lahat ng ipinaramdam niya sayo. Kasi kahit anong gawin niya kung hindi mo siya mahal wala rin mangyayari. Mabuti pa na kalimutan ka na lang niya."
Ipinikit niya ang mata niya at sumandal sa sandalan ng upuan. Inalala niya ang masasayang nangyari sa kanya habang nasa piling siya ni Xander.
Ang totoo ay walang araw na hindi siya naging masaya. Ang totoo ay pakiramdam niya ngayon na parang may kulang. Na parang biglang may nawala na malaking bahagi sa puso niya. Biglang nagkaroon ng malaking puwang.
Mahal ko ba talaga siya? Isa iyon sa mga tanong niya sa sarili. May amnesia siya at nang manumbalik ang alaala niya ay hindi na siya sigurado sa nararamdaman niya para kay Xander. Hindi na niya alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para dito.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An Agent
Любовные романы(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Alexander Lopez o mas kilala bilang Xander. Isang magaling at mahusay na NBI agent na magpapanggap at papasok bilang personal driver ng isang maganda at sikat na CEO na si Althea Jimenez. Dahil nasa panga...