Kinabukasan ay napag kasunduan nila na magkaroon ng barbeque party. At syempre dahil nasa tabing dagat na sila ay hindi na sila lumayo pa. Pumili na lamang sila ng lugar na medyo hindi masyadong matao.
Maghapon naging abala si Althea kasama sina Sally at Maria sa pamimili at paghahanda ng pagkain na dadalhin nila.
Habang ang mga kalalakihan naman ay abala sa pagtatayo ng tent na tutulugan nila. Plano nilang dito magpalipas ng gabi.
Naghanda sila ng ibat ibang prutas, mayroon din silang inihandang mga iinumin na alak. At dahil barbeque party ay hindi mawawala ang ibang ibang uri ng barbeque na tinuhog nila sa barbeque stick.
Pinauwi din ni Xander ang kapatid niya upang makasama nila sa kasiyahan. May kasama pa itong dalawang kaibigan na kasama din nito na nakatira sa dorm na tinutuluyan nito.
Inanyayahan din ni Xander sila Noel at Rodel kaya halos kompleto sila. Itinayo nila ng mga tent malapit mismo sa dagat. Mayroon din silang bonfire sa gitna ng mga tent.
Nang pahapon na ay nagulat sila nang dumating si Noel at Rodel na may kasamang hindi nila inaasahan na darating.
Agad na napatingin si Xander kay Althea dahil sa pag-aalala niya dito. Si Althea naman ay pasimpleng naglakad palapit kay Xander. At nang makalapit siya dito ay pumulupot agad ang mga braso ni Xander sa katawan ni Althea.
Alam ni Xander na nagseselos si Althea kaya mas minabuti niya na iparamdam dito na siya lamang ang babae sa paningin niya.
Nagulat silang lahat na galit na sumugod si Maria sa bagong dating habang may hawak itong tong na ginagamit niya sa pagluluto ng barbeque. Idinuro nito ang tong na hawak niya dito.
"Anong ginagawa ng ahas na yan dito!? Sinong may sabi na isama nyo yan!?" Galit na sigaw ni Maria kay Noel at Rodel.
Agad naman itong inawat ni Sally at hinawakan sa braso upang pakalmahin.
"Rodel ano to? Bakit nyo isinama yan? Alam nyo ba ang ginawa ng babaeng yan!?" patuloy na sigaw ni Maria.
"Tama na Maria. Siguro kaya pumunta si Shirley dito ay para humingi ng sorry." Mahinahon na ani ni Sally.
Kita nila ang pagyuko ng ulo ni Shirley. Mukha naman itong nagsisisi sa ginawa niyo, pero hindi alam ni Althea kung bakit hindi niya magawang magtiwala sa babae. Pakiramdam kasi niya ay may binabalak ito sa kanila.
"Maria chill ka lang. Nakiusap si Shirley sa amin na gusto niyang makausap si Xander at Althea. Kaya inaya namin siya dito." Sagot naman ni Noel.
"At ano?! Manggugulo ka na naman. Aahasin mo na naman ang mga lalaking hindi naman sayo!?"
"Maria, hindi ako pumunta rito para makipag away." Ani ni Shirley bago ito tumingin sa direksyon nila Xander at Althea.
Naglakad ito palapit sa kanila kaya napataas ang kilay ni Althea. Isang pagkakamali mo lang girl. Sisiguraduhin kong kakalbuhin kita. Bulong ng isip ni Althea.
Hindi alam ni Althea ngunit pansin niya sa sarili na mabilis siyang mawalan ng tiwala sa tao. Ayaw niya ng mga manloloko at sinungaling. Kapag nasira na nito ang tiwala niya ay mahirap ng ibalik iyon sa kanya. Kaya hindi na niya magawang pagkatiwalaan pa si Shirley. Naisip niya na siguro ay iyon talaga ang ugali niya na kahit may amnesia siya ay kusang lumalabas.
"X-Xander, Althea. Gusto ko sanang humingi pasensya sa inyo. Sorry sa nagawa ko. Sorry Althea, sorry sa ginawa kong paghalik sa asawa mo. Pero hindi ako magso-sorry na minahal ko siya. Kasi naniniwala ako na hindi naman kasalanan ang magmahal. Siguro ang tanging kasalanan ko lang ay hinayaan kong lamunin ako ng pagiging makasarili ko dahil sa pagmamahal. Sorry ulit."
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An Agent
Romansa(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Alexander Lopez o mas kilala bilang Xander. Isang magaling at mahusay na NBI agent na magpapanggap at papasok bilang personal driver ng isang maganda at sikat na CEO na si Althea Jimenez. Dahil nasa panga...