Chapter 8

2.1K 80 4
                                    

Nagulat si Xander nang makita niyang maraming tao ang naghihintay sa kanyang pag-uwi. May inihanda din ang mga itong munting salo salo.

Mukhang naipamalita na ng kanyang ama ang kanyang pagdating dahil hindi lang mga kapit bahay ang naghihintay sa kanila, maging ang mga kababata niya na nakatira pa sa kabilang baranggay ay naroroon din.

Napapailing na lang si Xander habang pinagmamasdan niya ang kanyang ama. Para kasi itong kakandidato kung makangiti at makapag kwento ng tungkol sa kanya.

Alam niyang proud ang kanyang ama sa kung ano siya ngayon. Kaya ginagawa niya ang lahat upang maipagmalaki siya nito at mabigyan niya ito ng magandang buhay tulad ng ipinangako niya sa kanyang ina.

Naisip ni Xander na kung nabubuhay lamang ang kanyang ina ay tiyak na pati ito ay masaya para sa kanya. Para sa mga naabot niya. Dahil nakatapos siya ng pag-aaral at ngayon ay ganap na siyang alagad ng batas.

Iniikot ni Xander ang kanyang paningin upang hanapin si Althea. Nahiwalay ito sa kanya nang hilain ito nina Sally at Maria na mga kapwa kababata niya at kapit bahay.

Alam niyang hindi sanay si Althea sa ganitong pagtitipon dahil ayaw na ayaw nito ng maraming tao. Nasanay ito na malayo sa mga tao at sanay ito parating mag-isa.

Napangiti si Xander nang makita niyang nakikipag tawanan at nakikipag kwentuhan ito kina Sally at Maria. May ilan din mga kababaihan sa kanilang lugar ang kinikilala siya.

Ibang iba ang Althea noon sa Althea ngayon. Dahil parang natural lamang dito ang pakikipag usap nito sa mga taong ngayon lamang niya nakilala.

Sabi nga ng tiyahin nito ay may sariling mundo ito. Isa itong introvert. Mahiyain at sanay na nag-iisa. Hindi ito nakikihalubilo kahit kanino.

Napangiti siya nang masilayan niya ang magandang mukha ni Althea. Lihim niyang nahiling na sana nga ay asawa na niya ito ng totoo. Kung hindi lamang masamang hilingin na huwag nang bumalik ang alaala nito ay tiyak na hihilingin niya.

"Baka naman matunaw iyang asawa mo."

Napabaling ang tingin ni Xander sa taong nagsalita. Nang tingnan niya ang mga kausap niya ay sabay sabay ang mga itong nagtawanan. Napakamot na lamang siya sa kanyang batok.

"Kung ganyan ba naman kaganda ang misis ko tiyak na araw araw ko iyan tititigan." Pagbibiro sa kanya ng kababata niyang si Rodel.

Natatawa siyang napailing sa mga ito. Muli siyang sumulyap kay Althea at nakita niya itong nakatingin na din sa kanya habang nakangiti.

"Nakow! Ay pagkakalagkit naman ng mga ngitian at tinginan. Ah ah, ay talagang ibig na ibig." Ani naman ni Mang Tasyo na kaibigan ng kanyang ama.

May punto at malalim ang mga salita sa Mindoro. Nahahawig sa mga batangueño ang punto ng salita nila.

"Ganoon talaga kapag babagong nagpupulot gata." Pakikisakay naman ng kanyang ama sa mga ito. Napapailing na lamang siya dahil mukhang siya ang topic.

"Xander, nabalitaan naming kadarating laang din ni Shirley galing amerika. Tiyak kapag nalaman noon na narito ka ay magkukumahog iyon sa pagparine." Ani naman Noel na isa rin sa kaibigan at kababata nila ni Rodel.

"May asawa na ako Noel. At alam nyong kahit kailan ay wala akong pagtingin Kay Shirley. At isa pa mahal ko ang misis ko." Paliwanag niya sa mga ito na umani ng panunukso.

Isa sa kababata nila si Shirley. May kaya ang pamilya nito at konsehal ng bayan nila ang ama nito. Noong mga bata pa sila ay hayagan ang pagpapakita nito ng gusto sa kanya ngunit dahil sa pangarap niya na makatapos at mabigyan ng magandang buhay ang ama at kapatid ay isinantabi niya ang pagkakaroon ng nobya.

(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon