Nakatanaw mula sa labas ng gate ng mga Jimenez si Xander. Derektang sa veranda ng kwarto ni Althea siya nakaabang.
Gusto niya itong makita kahit sandali. Gusto niyang masilayan ang maganda nitong mukha.
Labis labis ang pangungulila niya dito. Matapos siyang iwanan nito sa probinsya ay hindi muna siya lumuwas ng maynila. Inasikaso muna niya ang mga dapat gawin bago siya bumalik sa trabaho. Bago siya magpakita kay Althea.
Matapos ang dalawang araw ay nagpasya siyang bumalik ng maynila. Nagreport muna siya sa headquarters bago pumunta sa opisina ni Althea. Gusto niya itong makausap upang magpaliwanag. Ngunit laking panlulumo niya ng ipagtabuyan siya nito at ayaw siya nitong kausapin.
Alam niya na galit ito sa kanya. Alam niya na malaki ang kasalanan niya. Ngunit wala siyang balak sumuko. Dahil sa tuwing naaalala niya ang sinabi noon ni Althea sa kanya ay doon lumalakas ang kanyang loob. Alam niya na mahal siya ni Althea at alam niya na mapapatawag siya dito.
Kaya hihintayin niya ang araw na mapatawad siya nito. Ang araw na bumalik ito sa kanya. Mahal na mahal niya ito at kahit kailan ay wala sa bokabularyo niya ang sukuan ito.
Nakuntento na lamang muna siya sa pagtatanong sa tiyahin nito at sa kaibigan nitong si Leslie. Kahit paano ay panatag siya dahil maayos ang kalagayan nito at hindi pinababayaan ang sarili.
Ilang beses siyang nagtangkang kausapin ito. Ngunit lagi siyang bigo. Kaya nakuntento na lamang siya na pagmasdan ito mula sa malayo. Kahit man lang sa malayo ay nababantayan niya ang babaeng pinakamamahal niya.
Halos kalahating oras na ang itinatagal niya sa labas ng gate ng biglang lumabas sa veranda si Althea. Nakasuot ito ng kulay pulang robe at nakalugay ang malambot nitong buhok na nililipad ng hangin.
Mabilis niyang itinapon ang sigarilyong hawak at lumakad siya papalapit sa gate.
Miss na miss na niya ito. Gusto na niya itong mayakap at mahalikan. Simula ng mawala ito sa tabi niya ay hindi na siya nakakatulog ng maayos. Hinahanap niya ang amoy nito at ang malambot nitong katawan. Nasanay siya na nasa tabi niya ito kaya aminado siya na nahirapan siya.
Nakita niya na tumingin ito sa kanya. Tinitigan niya ang mukha nito mula sa kinaroroonan niya. Nakita niya na nagpunas pa ito ng luha sa mukha kaya parang piniga ang puso niya.
Ayaw niya na nakikitang umiiyak ito. Ngunit nang dahil sa kanya ay lumuluha ito ngayon. Nang dahil sa katarantaduhan niya ay nasasaktan ito ngayon. Hindi niya naiwasang mapaluha kaya agad siyang yumuko at pinunasan ang kumawalang luha sa mata niya.
Hindi niya kayang makita itong nahihirapan at nasasaktan kaya nang makita niya itong pumasok sa loob ng kwarto ay nagpasya na siyang umalis.
Nang makarating siya sa bahay niya ay agad siyang naligo at nagpalit ng pantulog. Habang umiinom siya ng beer dahil hindi pa siya dinadalaw ng antok ay bigla siyang nakatanggap ng importatnteng tawag. Tinawagan siya ni Ruiz na pumunta sa ospital dahil nagising na si Aria ang kasintahan ng kasamahan nilang si Garcia.
Masaya siya para sa kaibigan. Alam niya ang hirap ng pinagdaanan nito. Ilang buwan na comatose si Aria kaya kita nila ang sakit na pinadadaanan ni Garcia.
Magkasabay sila ni Evangelista na pumunta ng ospital. Nang makarating sila doon ay siya ding pagdating ng iba pa nilang kasamahan. Maging ang kapitan nila ay naroroon din upang suportahan si Garcia.
Ganyan sila sa grupo. Hindi katrabaho ang turingan nila kung hindi magkakapatid. Kapag may problema o dinaramdam ang isa tiyak na dadamay ang iba. Isinasabuhay nila ang kasabihang all for one and one for all.
Nagulat pa sila kay Alvarez dahil mukhang may namamagitan dito at sa bago nitong buddy. Iba ang ikinikilos nito at iba rin ang inaasta nito sa kabuddy nito.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Alexander Lopez o mas kilala bilang Xander. Isang magaling at mahusay na NBI agent na magpapanggap at papasok bilang personal driver ng isang maganda at sikat na CEO na si Althea Jimenez. Dahil nasa panga...