Nang sumapit ang gabi ay unti unting napuno ang paligid ng bulwagan sa mansion ng mga Bartolome.
Ibat ibang klase ng tao ang naroroon. Halos lahat ng bisita ay pawang mayayaman. May negosyante, may pulitiko at may mga kilalang personalidad. Yung iba ay mukhang galing pa ng maynila at ibang lugar.
Maraming bisita ang dumalo sa anibersaryo ng mga magulang ni Shirley. Bukod sa konsehal ang ama nito ay kilala rin ang pamilya nito na isa sa pinaka mayaman sa lugar. Maraming negosyo ang ama nito sa maynila at halos lahat ng kaibigan nito ay mga pulitiko kaya hindi maipagkakailang sa pulitika rin ito nalinya.
Noong mga bata pa sila ay maraming gustong makipag kaibigan kay Shirley. Alam nilang dahil iyon sa kilala ang pamilya nito kaya sinasamantala ng iba ang kalagayan ni Shirley.
Ngunit ang ipinagtataka nila noon na imbis sa mayayaman ito na tulad niya makipag kaibigan ay sa mga tulad nilang scholars ito lumapit.
Bukod sa pare-parehong scholars noon sila Xander, Rodel, Noel, Sally at Maria ay magkababata din silang lahat. Kaya nakapagtataka noon na sa kanila ito lumapit upang makipagkaibigan.
Kalaunan ay nalaman nila na may pagtingin ito kay Xander kaya mas pinili nito na mapalapit sa kanila. At dahil nakita naman nila na sincere ang pakikipag kaibigan nito noon ay pumayag sila.
Nagkaroon lamang ng lamat ang samahan nila ng mahuli ni Maria si Shirley at ang dalawang taon nitong nobyo na kapwa nakahubad sa isang kwarto kaya simula noon ay nagkaroon ng pader ang samahan nila. Hindi nila maiwasan na makisimpatya kay Maria dahil siya ang naargabyado.
Hindi nila masisi si Maria kung magalit at kamuhian nito si Shirley dahil alam nilang masakit iyon para sa kanya. Itinuring nitong kapatid si Shirley ngunit nagawa pa nito na traidurin siya.
Nalaman lamang iyon ni Xander ng ibalita sa kanya ni Rodel ang lahat. Kasalukuyan na kasi siyang nasa maynila at nag-aaral sa kolehiyo.
Matapos mangyari iyon ay lumipad patungo sa ibang bansa si Shirley upang ipagpatuloy nito ang pag-aaral at upang layuan ang kahihiyan na kanyang kinasasangkutan.
Simula noon at hindi na nila naibalik pa ang dati nilang samahan. Dahil labis labis ang pagkadisgusto ni Maria kay Shirley at hindi nila ito maaaring pilitin na tanggapin muli si Shirley.
Kaya hindi na nakapagtataka para kay Xander na muli itong gumawa ng kahayupan dahil simula nang mangyari iyon ay nawala na ang tiwala niya para kay Shirley. At sisiguraduhin niya na pagbabayaran nito ang kawalang-hiyaan na ginawa nito.
Nang sumapit na ang takdang oras ay nagpasya silang isagawa ang kanilang plano.
Maghapon silang nagtiyaga at naghintay sa kanilang gagawin. Maghapon din nilang binantayan ang mga ikinikilos ni Shirley at base sa saya ng mukha nito ay wala itong kaalam alam sa maari niyang sapitin sa gabing iyon.
Wala siyang alam na dadakpin siya ng mga alagad ng batas. Na iyon na ang huling masasayang oras niya sa labas ng rehas.
Hindi makapapayag si Xander na hindi pagbayaran ni Shirley ang lahat ng ginawa nito kay Althea. Hindi siya makapapayag na hindi ito makulong. Sisiguruduhin niyang hindi din ito makakaalis ng bansa.
Dumating si Xander sa mansion ng mga Bartolome kasama ang mga pulis ng distrito. Hawak niya ang warrant of arrest para kay Shirley.
Nang makapasok siya sa loob ng gate ng mansion ay agad siyang sinalubong ni Ruiz.
"Mukhang hindi pa man nakukulong may special treatment na. Daming bodyguard..." Sarkastikong ani ni Ruiz habang nakangiti.
Napailing na lamang si Xander at tinapik ang balikat nito.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Alexander Lopez o mas kilala bilang Xander. Isang magaling at mahusay na NBI agent na magpapanggap at papasok bilang personal driver ng isang maganda at sikat na CEO na si Althea Jimenez. Dahil nasa panga...